CHAPTER FOUR
Weekends na, Kating-kati na akong lumipas ang dalawang araw na ito dahil gusto ko ng muling pumasok sa paaralan. Excited na akong pumunta at umakyat na naman sa rooftop na ‘yon para makita si Louiexa. Simula noong makausap ko siya, tila ba nagkaroon ako nang rason para lagging pumasok ng maaga sa paaralan. Gusto ko siyang lubusan pang makilala.
Dumating na ang lunes at hanggang ngayon ay hindi ko parin maipalagay ang sarili ko. Ano ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? Bakit ba gustong-gusto ko siyang makita at makausap? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sapagkat bago ko lang ito para saakin. Maaga akong nagising at mabilis na tinungo ang kwarto at kinalampag ang pintuan ng aking kapatid upang siya ay gisingin.
"Andrus, gising na, maaga tayo ngayon, dali ka!" pagmamadali ko sa kaniya habang hinihila ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan.
"Kuya naman, ang aga pa po. Alas-6 pa lang po ng umaga eh. Maya na po kuya ko, antok pa ako.",tamad na tugon ng kapatid ko habang nakadapa sa kanyang kama.
"Aba ang batang ‘to, bumangon ka na dyan! Kaya nga ginigising kita ng maaga para masanay ka! Tutulungan mo ang kuya mong mag prepare ng breakfast ngayon, dali ka na" pahayag ko habang hinahatak ang aking kapatid sa kaniyang higaan.
"Oo na po, babangon na..." kamot kamot ng bata ang ulo niya. ".... Ang sigla ata ng kuya ko ngayon. Kahapon ka pa ganyan kuya, anyare ba?" tanong ng kapatid ko ngunit isang matamis na ngisi lang ang aking ibinigay nag sagot sa kanya dahil maging ako mismo ay ko ay hindi alam kung anong nangyayari sa akin.
"Daming tanong ah! Halika na, tulungan mo na ang kuya" sabi ko habang ginugulo pa lalo ang buhok ng bunso ko.
Kagaya nga ng sinabi ko, tinulungan ako ng kapatid ko sa pagluluto. Nakita kong bumaba na mula sa taas si Zandrew at naabutan kaming kumakain ng agahan. Bigla akong nawalan ng ganang kumain at ito naming si Andrus ay panay parin ng kain ng agahan nya.
"Papa! Hali ka na dito, kumain ka na. Kami ni kuya ang gumawa niyan" nakangiting paanyaya ng kapatid ko nang makita si papa. Napatingin naman kaagad sa akin si papa na para bang nagtatanong kung pwede ba siyang makisabay. Hindi ako sumagot at hinayaan ko na lang siyang hilain ng kapatid ko papalapit sa mesa. Nagpatianod naman ang ama ko sa ginawa ng kapatid ko sa kaniya at nakaupo na siyang pinagmamasdan ang mga lutong nakahain sa lamesa.
"Totoo ba ‘to anak, ikaw ang nagluto? Naku salamat ha" pasasalamat ng aking ama habang takam na takan na sa pagkaing nakahain sa mesa.
"Hindi para sa inyo yan kaya huwag kang magsaya. Ginawa ko lang naman yan dahil wala pa si Manang Glenda. Hindi ko naman ugaling pagdamutan ka dahil pera mo naman lahat ng ginamit ko dyan, niluto ko lang." saad ko. Mabuti nang klarado ang lahat para hindi siya umasa na para sa kanya yan. Nakita ko namang binalot ng lungkot ang kanyang mukha at batid kong dahil ito sa binitawan kong mga salita kanina.
"Oo nga pala Zaurus, hindi pa makakabalik dito si Manang Glenda dahil hindi pa rin gumagaling ang anak niya. Mukhang matatagalan pa siya bago makabalik dito dahil mas lumala ang sakit na dengue ng anak niya." sabi ng ama ko.
"Naku papa, hindi ba nagkasakit na rin ako noon? Kawawa naman ang anak ni Manang Glenda" sabat ng aking kapatid. Nakita kong kumunot ang noo ni Zandrew sa sinabi ni Andrus. Mukhang may naalala naman ang lalakeng ‘to.
"Pwede bang bata ka, huwag kang sumabat sa usapan ng may usapan! Napakaingay mo!” saway ng aking ama kay Andrus na halatang napahiya kaya humingi kaagad ng tawad kay Zandrew. Tumayo na lamang ako bago pa masira ang araw ko dito.
"Saan ka pupunta anak? Hindi ka pa tapos kumain. Mag-almusal ka muna, ubusin mo na ‘to at baka magutom ka sa gitna ng klase."saad ng aking ama na siyang ikinaigting ng panga ko. Ngayon, concern father pa siya ha? Tsk! Tinapunan ko siya ng matalim na tingin bago mag salita
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Non-Fiction"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."