WALO

7 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Alas singko ako ng umaga gumising kaya pinuntahan ko kaagad si Andrus sa kaniyang kwarto para gisingin nang makapaghanda siya pagpasok.

"Kuya naman... Ang aga pa! Alas otso pa ng umaga ang pasok natin. Excited ka na naman." iritadong pagkakasabi ni Andrus sa akin.

"Andrus! Dali na male-late na tayo oh. Mamaya lang sisikat na ang araw, madali ka!" pangungulit kong muli sa kanya.

"Magpapahatid na lang ako kay kuya Gardo kaya sige, mauna ka na. Puntahan mo na siya." sabi niya na siya namang kinabigla ko.

"Anong sabi mo? Tama ba ‘yung narinig ko? Puntahan siya? Ha sino?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Bumalikwas siya ng upo at sumandal sa headboard ng kama niya.

"Naku kuya, akala mo hindi ko malalaman? Alam ko naman na may babae kang pinagkakaabalahan ngayon. Kaya nga palaging maaga kang magising kasi pinupuntahan mo siya saka kahapon, madaling araw ka na umuwi ng bahay. Akala mo di ko alam yun? Sinilip kita sa kwarto mo tapos naabutan kitang nananaginip. Narinig ko pang may binabanggit kang pangalan sa pagtulog, Lou ba ‘yun? Halatang pangalan ng babae ang sinasabi mo kuya. Umamin ka in love ka ba sa kaniya? Girlfriend mo na ba siya?” Namilog ang mga mata ko sa mga sunod-sunod na sinabi ng kapatid ko.

"Andrus! Saan mo nakukuha yang mga pinagsasasabi mo ha? Ikaw na bata ka. Bata-bata mo pa kung ano-ano na iniisip-isip mo. Anong alam-alam mo dyan ha?" tanong ko kay Andrus na kung ano-ano na lamang ang sinasabi. Mukhang hindi na bata ang kausap ko hah

"Kuya kailangan bang ulit-ulitin mo ang salita? Chill okay? Nabasa ko lang yan somewhere in the internet. Yang mga kinikilos mo ngayon, parang kilos ng isang taong in love. Try mo din kasing magbrowse kuya, napangiiwanan ka na" sagot niya.

Nak nang! Ang daming alam nito ah. Nakalimutan kong mahilig palang magbasa ang isang ‘to.

"Hoy Zeke Andrus Bellarama, hindi ako natutuwa sa mga sinabi mo ah!  Naiimpluwensyahan ka na nang mga binabasa mo, umayos ka." Pasigaw na saad ko

"Kuya ko naman, ito na nga lang ang hilig ko." Siya

"Hindi kita pinagbabawalan. Ang sa akin lang naman, piliin mo yang mga binabasa mo. Baka kung ano-ano na pala dyan ang nababasa mo tapos…" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Kuya naman walang tiwala. Wag kang magalala, hindi ako ganun nang iniisip mo." Sabi pa niya

"Oh siya, siya bumangon ka na dyan para makapagready ka na." pagpupumilit ko parin habang hinila siya para bumangon.

"Kuya! Sabi kong mauna ka na diba. Sige na, magprepare ka na, puntahan mo na siya." Siya ulit

"Sigurado ka?" pagtatanong ko

"Opo.", maikling tugon niya.

"Weh?", paniniguro ko

"Oo nga" medyo iritadong tugon niya

"Di ka magtatampo?" pagtatanong kong muli

"Hindi" saad niya sabay tinalikuran ako ng higa. Sabi ko na nga ba eh.

"Hey, little boy sorry na. Galit ka ba kay kuya ha? Sorry na po, isasabay kita ‘lika na." panunuyo ko sa kaniya. Hinarap niya ako at bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot.

"Kuya, alam ko naman mangyayari to. Alam ko naman na balang-araw, hindi lang sa akin iikot ang mundo mo. Hindi ko po maiiwasan na magtampo pero ayos lang sa akin. Isa pa, panahon naman na siguro para sarili mo naman ang isipin mo. Huwag ka pong magalala sa ‘kin, malaki na ako." May bahid ng lungkot ang kanyang boses.

Bigla ko na lamang niyakap ang kapatid ko. Grabe parang 20 years old na ang kausap ko! joke lang. Pero seryoso hindi ko alam na ganito pala nararamdaman ng kapatid ko.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now