CHAPTER FIFTEEN
Nakisama nga sa amin si Ellaine at naupo sa tabi ni Francis. Buti na lang tong si Francis, marunong makiramdam kaya siya ang lumapit at tumabi sakin habang si Ellaine naman ang nakaupo na ngayon sa kanina'y inuupuan ni Francis kaya kaharap ko siya ngayon.
"So I didn't know, nagkabati-bati na pala kayo. Hindi niyo lang naman ako binalitaan ang sama niyo" tumulis ang nguso sa sinabi niya. Mukhang sugpo ah. Hindi naman talaga ako palalait eh pero yun yung nakikita ko. Hindi ko naman ‘to nakita dati eh, siguro masyado lang akong nabulag sa nararamdaman ko noon para sa kanya.
"Hindi naman sa ganun couz. By the way, meet Krys and Lou, friends namin" pagpapakilala ni Francis kina Lou.
"Hi Krys nice to meet you!" bati niya kay Krys. Wala naman kibo itong si Krys at parang hindi gusto na nandito si Ellaine. Tinaasan naman ng kilay ni Ellaine si Krys at itong si Krys naman ay nakipagsabayan.
"Oh I like you Krys!"ani ni Ellaine.
"I like you as well......” plastikadang tugon ni Krys
Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Ito kasing si Ellaine, may pagkamaldita, at halata naman na maldita din itong si Kyrs dahil nakikisabayan kay Ellaine.
"And you are?....” baling ni Ellaine kay Lou. ".... Oh my god, I know you. Ikaw yung girl na sumali sa singing contest and ikaw din yung nanalo. You're so magaling. I can't believe kilala ka pala ni Francis." Gulat na tili ni Ellaine
"Salamat" maikling tugon ni Lou na may kasamang ngiti.
"Uhmmm.... nakilala namin si Lou dahil kay Dreik. Siya ang unang naging kaibigan niya bago kami" pagpapaliwanag ni Francis.
"Ow really? Hmmmm ikaw din yung nakikita ko na umaakyat sa rooftop ng building namin. Ano ang ginagawa mo dun? Ang init init kaya dun!" pag iinarte ni Ellaine. Anong problema ng babaeng ito? Anong pakialam niya kung gusto naming pumunta sa taas.
"Hindi naman, mahangin doon saka masarap naman ang tama ng sinag ng araw sa katawan kaya lagi akong napunta dun" pangangatuwiran ni Lou. Ako naman eh nakikinig lang pero asar na asar na ako sa presensiya ni Ellaine.
"I see, anyway nice to meet you!" pagbati ni Ellaine saka ngumiti ng pilit. Tumingin naman siya sa’kin tapos nginitian din ako pero inirapan ko lang siya. Ulol! Ngiti mo mukha mo!
"Nyenye di naman pretty" bulong ni Krys.
Natawa ako sa sinabi ni Krys tapos ito naman si Lou, siniko si Krys. Nagfrown naman si Krys habang ang tatlo ay walang alam na tinititigan lang kami. Naging tahimik ang mesang kinaroroonan naming lahat pero makalipas ang ilang minuto ay winasak ni Jarex ang namamayaning katahimikan.
"Guys! Alam niyo ba kung anong meron bukas?" pukaw na tanong ni Jarex.
"Ah eh walang pasok? Bakit may ano ba?" pagtatakang tanong ni Francis kay Jarex habang sumusubo ng fries.
"Exactly, weekends na. Siguro kailangan naman natin mag-freshen up kasi sobrang naging hell ang week na ‘to. Kaya kung gusto niyo, let's have a two-day vacation doon sa resorts namin" aya ni Jarex.
"Really? My god, that place is very beautiful! I'll go Jarex. Pag-uwi ko sa bahay, I'm gonna prepare all of my bikinis. God, I remember that place we used to be there na tayong tatlo lang tapos ang saya saya natin, and Dreik is so sweet that time habang naglalakad kami sa shore while holding hands and picking up some beautiful shells and stone in there-" sambit ni Ellaine nang maalala ang nakaraan sa amin. Biglang parang nagpantig ang tenga ko sa mga sinabi ni Ellaine
"Shut up Ellaine, walang nagtatanong." saad ko sa baritonong boses.
Nakakaasar na kasi! Tama bang sabihin yun sa harap nila saka wala naman nagtatanong. Matagal ko ng kinalimutan yun sabay ng paglimot ko sa nararamdaman ko sa kanya. Kita ko naman ang pagkapahiya sa mukha niya nang sabihin ko yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/231648330-288-k728867.jpg)
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Non-Fiction"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."