EPILOGUE

10 0 0
                                    

EPILOGUE

Kakatapos ko lang maligo ngayon at naghahanap ng aking masusuot para sa pupuntuhan ko. Isang simpleng black v-neck t-shirt, black jeans, balat na sapatos at cap ang napili kong suotin ngayon. Kailangan gwapo ako dahil ngayong araw ang wedding anniversary namin ng mahal kong si Lou. Sinuot ko muna ang isang kwintas na may maliit na bote na pinaglagyan ng kaunting abo ng mahal ko bago ako umalis.

Narito ako ngayon muli sa simbahan kung saan una kong narinig ang katagang "Mahal Kita" galing sa babaeng aking iniibig.  Dito ko rin pinakasalan, sa harap ng napakagandang altar na ito ang babaeng bumago sa takbo ng aking buhay at naging buhay ng buhay ko.
Kasalukuyan akong nakaharap sa altar at pinagmamasdan ang ganda nito habang hawak hawak ko ang babaeng pinakamamahal ko nang bigla akong nasilaw sa tama ng sinag ng araw galing sa nakaawang na bintana na siyang nagpakinang sa kwintas kong kulay pilak at may hugis buwan sa ibaba nito. Habang ang aking suot na kwintas ay patuloy sa pagkinang, bigla akong nakaramdam ng malakas, malamig at sariwang ihip ng hangin papasok ng simbahan. Ang aking mga labi ay nag-iwan ng isang napakatamis na ngiti nang tila'y yinayapos ako ng isang pamilyar na pakiramdam. "Alam ko, alam ko mahal ko... Narito ako kasama ka, kahit wala ka"

Nakita kong papasok si Father, ang paring nagkasal sa amin at nag-misa sa mga labi ni Lou.

"Mano po father"  sabi ko sabay kuha sa kamay niya para magmano

"Kamusta na iho? Dadalawin mo na naman ba siya?" tanong niya

"Opo father, pinagdasal ko muna siya bago pumunta sa puntod niya." Magalang na tugon ko

"Ganun ba iho? Kunin mo na ‘to. Bagong pitas ko lang ang mga bulaklak na iyan sa likod ng hardin ng simbahan na ito, ibigay mo sa kanya." Nakangiting inaabot sa akin ni Father ang bulaklak.

"Talaga ho? Sige po, salamat sa inyo." Hindi makapaniwalang pagpapasalamat ko sa kanya

"O siya, puntahan mo na siya't naghihintay na yun sayo. Baka ikaw pa ang dalawin” pagbibiro niya na ikinatawa ko naman saka nagpaalam para umalis.

Nakaupo ako sa harap ng puntod niya habang pinipunasan ang kanyang lapida habang na sa gilid niya naman ang isang kumpol ng mga sariwang bulaklak na ibinigay sa akin ni father kanina. Ito ang pan limang anibersayo namin bilang isang mag asawa. Hindi naging hadlang ang pagkamatay ni Lou para hindi ko ipagdiwang ang pag-iisang dibdib naming ng mahal ko. Alam ko namang maging siya ay nagdiriwang din sa taas. Hindi na ako nakapag asawa pa ng iba dahil hindi kaya ng aking puso ang magmahal pa ng babae bukod sa kanya.

"Mahal ko, miss na kita. Kamusta ka na dyan sa langit? Kamusta na kayo ni mama? Alam mo mahal, hindi na ako makapaghintay pa na makasama kayong dalawa, ang mga babaeng pinakamamahal ko. Malapit na, magkakasama na tayong muli Louiexa ko." Kausap ko sa puntod niya

Dalawang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may sakit ako sa puso. Coronary Artery Disease ang naging sakit ko at dalawang taon ko na ding iniinda ito. Masyadong mahina na ang puso ko kaya hindi na ako nag-abala pa na magpagamot kahit gusto pa nang pamilya ko. Wala naman din na akong magagawa, ito na ang kapalaran ko. Nangyari na, tanggapin na.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ngunit bigla akong nawalan ng balanse. Umikot ang paningin ko at napahiga sa lupa at napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla itong bumigat at nagsimulang mahirapang huminga. Ito na ito na ang araw na hinihintay ko. Nakahigang tumingala ako at dinama ang tama ng sikat ng araw sa aking balat habang hinahabol ang aking hininga.

"M-mahal ko, n-nandyan na ako, m-makakasama na k-kitang muli…” isang malakas at malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago pa tuluyang lamunin ng dilim ang aking mga mata.

PRESENT

".......muling nagkasama ang prinsesa at prinsipe at namuhay ng masaya sa kanilang bagong kaharian" saad ko.

"Ang saya naman mommy, nakakakilig ang story mo" sabi ng pitong taon gulang kong anak na si Aliexa.

"Can you tell as the story again?" si Zauren naman ngayon, si Zauren at Aliexa ay kambal. Namilog naman ang mata ko sa sinabi ng anak ko.

"Again?" gulat na tanong ko.

"Kids, tama na yan time to go na. Masyado niyong pinapahirapan ang mommy niyo sa pagkukuwento. Get ready you two at pupuntahan na natin ang tito at tita niyo" saad ni Andrus, ang asawa ko.

"Hi Lyesha honey, let's go?" aya sabay halik niya sa aking pisngi.

Walong taon na kaming kasal ni Andrus at biniyayaan ng isang anak na babae at lalaki. Ngayong araw ang wedding at death anniversary ni Kuya Zaurus at ate Lou at pupunta kami ngayon sa kanila para ipagcelebrate hindi lang ang mga iyon, kundi ang birthday din ng mga anak namin. Oo, noong isilang ko ang mga anak ko, saktong araw ng anniversary ni kuya Zaurus at ng ate ko. Dito rin ako inabot sa mismong puntod nilang dalawa sa panganganak. Mula noong araw na yun, naisip namin na silang dalawa ang may kagustuhan nito kaya isinunod namin sa kanilang mga pangalan ang mga anak namin.

Nakatayo akong pinagmamasdan ang mga anak kong naglalaro sa kanilang puntod habang ang asawa kong si Andrus ay nakahapit ang kanang kamay sa aking bewang nang bigla akong natigilan.

"What happened? Sumipa na naman ba ang kambal?" nagaalalang tanong sa kin ng asawa ko. Tumango naman ako ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makaramdam ako ng sakit ng tiyan. Napangiwi ako saka namilipit sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Siyam na buwan na akong buntis at kambal na naman sila. Biglang may dumaloy na tubig sa aking mga hita, hudyat na malapit na akong manganak. Pareho kaming namilog ang mga mata.

"Not now!!! Not again! Here? Zauren! Get my phone and call an emergency, your mommy is about to give birth" sigaw ng asawa ko. Agad namang lumapit ang dalawa at humingi ng tulong. Ang asawa ko naman ay pinahiga ako sa mantle na nakalatag sa lupa at ipinatong ang ulo ko sa bag na dala-dala namin. Ang isa pang bahagi ng mantle ay itinakip niya sa parte ng tiyan at mga hita ko. Sa mga oras na ito ay nasa kamay muli ng asawa ko ngayon ang buhay ko at buhay ng mga anak ko. Isa siyang doktor kaya wala akong dapat ika-bahala dahil alam kong hindi niya kami ipapahamak. Mas lalo pang sumakit ang tiyan ko at ramdam ko anumang segundo ay lalabas na sila. Isang malalim na hininga ang ginawa ko saka sumigaw ng napakalakas at tumingala para makita ang napakagandang sikat ng araw.


Azio's 2020

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now