LABING-ANIM

8 1 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Limang oras ang byinahe namin papunta sa resort at halos limang oras din ako nakatulog. Nagising na lang ako sa sigaw ni Krystina.

"Wake up sleepy head, we're here!" sigaw ni Krys sa akin. Si Jarex naman ay nasa labas na ng kotse at hinihintay akong bumababa. Nakita ko ding kakadating pa lang ng kotse kong sinakyan nina Francis. Napansin kung wala na sa tabi ko si Lou. Bumaba na ako ng kotse at nagpalinga-linga ng tingin.

"Nasa dagat na, bumaba ka agad dahil na miss niya daw ang simoy ng hangin sa dagat" saad ni Jarex.

Alam na alam niya talaga kung sino ang hinahanap ko. Nakita ko nga si Lou na nakatampisaw na ang mga paa sa dagat at nakatingala na para bang dinarama ang simoy ng hangin, hinahayaang tamaan ng sinag ng araw ang kanyang balat. Napangiti na lang ako. Lalapitan ko na sana siya pero hinawakan ako sa balikat ni Jarex para pigilan. Nilingon ko siya na nakanoot ang aking mga noo ko at pagharap ko ay may kakaibang ngisi ang nakasilay sa mukha nito. May pinakita siyang isang larawan galing sa kanyang cellphone na ikinamilog ng aking mga mata, picture namin ito ni Lou na nakasandal sa isa't-isa. Siya na nakasandal sa balikat ko at ako naman, sa ulo niya na parang isang magkasintahan. Napangiti na lang ako sa isipin kong iyon. Larawan pa lang bagay na bagay na, paano pa kaya kung naging kami na?

"Ang sweet niyo ah..." saad Jarex habang nakangisi.

"Papasa nga..." Akma ko na sanang kukunin ang phone ni Jarex ngunit inilayo niya ito sa akin.

"Ops! May kapalit to." Sabi na nga ba, hindi to basta basta magbibigay lang kailangan talaga may kapalit.

"At ano naman yun?" pasuplado kong tanong

"Hmmm... Kasi Dre, alam mo yung bagong labas na game? Wala pa kasi ako nun eh so I think-“ pinutol ko na siya

"Fine... Just give me that!" Dali-dali niyang inabot ang cellphone niya sa akin na ngumingiti. Nakaisa ang loko

Pumasok na kami sa loob at napagdesisyunan din namin na mamayang gabi na lang kami lalabas para mag-bonding dahil lahat ay pagod sa biyahe. Tig-iisa kami ng kwarto pero si Krystina at Lou ay nag-share na lang dahil kinulang na. Si Wendy naman eh gusto din sana maki-share kina Lou dahil natatakot mag-isa pero hindi kami pumayag dahil kahit pa bakla yun, lalake pa rin siya.

Narito ako ngayon sa kwarto ko at pinagmamasdan ang picture namin ni Lou. Ito ang unang larawan namin ni Lou ng magkasama, ang cute namin dito. Napukaw ako sa katok na mula sa aking pinto. Pagbukas ko, bumungad sina Jarex at si Francis sa harapan ko. Walang pasabing basta na lang pumasok at tumalon sa kama ko.

"Hoy! Ano bang kailangan niyo dito? Bakit nandito kayo?" bulyaw ko sa dalawa.

"Sungit namin nito. Kung hindi nga dahil sa’kin eh wala kang picture dyan ni Lou na magkasama kayo" saad ni Jarex na bigla kong ikinamula at napangiti.

"Ngiting abot tenga na naman to, namumula pa. Lakas talaga ng tama mo sa kanya no?" pangungutya ni Francis pero bakit niya alam?

"Teka alam mo Francis?"  gulat kong tanong

"Ulol, syempre sinabi sa kin ni Jarex! Kaya nga ako nandito para naman makibalita. Ano na bang balak mo kay Lou? Ligaw-tingin, halik hangin ka lang eh." Sumeryoso ang mukha ko sa tanong niyang yun. Lumapit ako sa kanila at naupo sa kama ko. Kumuha ako ng unan saka nilagay sa magkabilang hita kong nakaupo. Naging seryoso ang aming usapan sa loob.  

"Hindi ko nga rin alam. Wala kasi akong makuhang tyempo para umamin saka wala din akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa maaring maging tugon niya kapag umamin ako. Baka hindi naman katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya para sa kin lalo na at meron din pala siyang ibang gustong lalake. Hindi ko alam mga ‘tol" pagpapaliwanag ko saka tinakpan ang aking mukha ng unan dahil nahihiya ako.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now