CHAPTER TWENTY
Limang araw na ang lumipas simula noong iwan ako ni Lou at si papa ang nagasikaso ng lahat ng mga kakailanganin sa burol at libing niya. Ngayon din ang huling araw niya bago siya ihatid sa kanyang huling hantangun.
Nandito lang ako sa aking kwarto at kahit ni isang beses ay hindi ko nagawang dumalaw sa kanya, sapagkat hindi ko kayang makita ang mahal kong naka himlay sa loob ng kabaong. Iniisip ko pa lamang parang dinudurog na puso ko. May narinig akong ilang katok mula sa labas ng aking pinto at pagbukas nito ay si papa ang bumungad sa akin.
"Anak, aalis na kami ni Andrus, dadalawin namin si Lou. Ngayon na ang huling araw dito ni Lou. Hindi ka man lang ba sasama?" pangaalok ni papa saakin.
"Hindi pa, dito na lang ako" walang gana kong tugon.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganito Dreik? Bukas na ang libing niya pero kahit ni isang beses ay hindi ka pa nakakadalaw. Malulungkot niyan si Lou" malungkot na saad ni papa sa akin. Ako naman ay biglang tumayo at pumunta sa loob ng C.R. dahil kahit marinig o banggitin ng kung sino ang pangalan niya ay nasasaktan ako.
"Anak, pasensya na. Hindi na kita pipilitin sumama sa min ngayon pero sana bukas, kahit sa libing niya man lang ay makapunta ka dagdag pa ni papa. Saka narinig ang pagbukas-sara ng aking pinto
Napasandal ako sa pintuan habang padausdos na naupo sa sahig ng banyo. Hawak-hawak ko na naman ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Kinakapos ako sa paghinga at nang tumingala ako ay nakita ko ang isang gunting sa lalagyan ng sepilyo. Mabilis akong tumayo para kunin ito at tinutok sa palapulsuhan ng kamay ko. Ngayon ko na naman naisip ang ganitong bagay, gusto kong magpakamatay. Ididiin ko na sana sa pulso ang talim ng gunting nang biglang bumukas ang pintuan ng C.R. Namilog ang mga mata ni Jarex nang makita niya ang hawak at tangka ko sa aking sarili.
"Pucha! Francis!! Madali ka, halika rito si Dreik!" Nakita ko naman si Francis na humihingal dahil sa mabilisang pagtakbo patungo sa kung saan kami naroroon ni Jarex. Halatang nagulat siya sa pagkakita sa sa sitwasyon kong iyong ngunit ang pagkagulat ay mabilis na napalitan ng pagkakunot ng kanyang noo at tiningnan ng napakalalim at mabibigat na humakbang patungo sa akin.
"Ibaba mo yan" baritonong saad ni Francis. "Jarex!" pukaw na utos niya kay Jarex
"Oo!" balikawas na sigaw ni Jarex.
"Hoy Bellarama! Kapag hindi mo binaba yan, ako mismo ang tatarak niyan sa leeg mo at hindi kita titigilan hanggang sa hindi ka malagutan ng hininga!" pagbabanta ni Francis
Hinawakan ako ng mabilis ni Jarex at si Francis naman ay marahas na kinuha ang gunting na hawak ko at itinapon ito sa kung saan. Hinatak niya ako sa kuwelyo gamit ang isang kamay papalabas ng banyo at itinulak dahilan para sumubsob ang mukha ko sa sahig. Bigla akong dinaganan ni Francis saka pinaulanan ng suntok.
"Hayop ka! Papaano mo nagagawa yun? Tangina mo! Alam namin na may pinagdaraanan ka pero putangina! Matapos mamatay ni Lou ikaw naman? Gago ka! Si Lou na gusto pang mabuhay nang matagal tapos ikaw na hayop ka, sasayangin mo lang ang buhay mo! Gago! Kung sana naibibigay lang ang buhay edi sana binigay mo na lang kay Lou at ngayon edi sana kasama pa namin siya." Pinipilit awatin ni Jarex si Francis pero ayaw magpapigil nito. "Tangina mo Dreik! Ginagawa mong patapon ang buhay mo! Akala mo ba ikaw lang ang may pinagdaraanan ngayon? Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Akala mo ba ikaw lang ang nawalan? Akala mo ba ikaw lang ang iniwan? Tangina mo, sagad sa buto! May pinagdaraanan din kami! Nasasaktan din kami! Nawalan din kami! At lalong lalo ng iniwan din kami ng isang mabuting kaibigan kaya huwag kang umasta dyan na ikaw lang ang nahihirapan." Hawak hawak na siya ngayon si Jarex. Habang ako naman ay umuubo ng dugo dahil sa mga suntok ni Francis.
"Bitawan mo ako Jarex!" utos niya. Nakawala naman ito sa pagkakahawak at saka dumagan sa kin para kuwelyuhan akong muli. "Bibigyan kita ng isang pagkakataon. Kapag hindi ka pumunta sa last night ni Lou, huwag ka na ring pumunta sa araw ng libing niya. Ayaw ko nang makita yang pagmumukha mo naiintindihan mo? Kapag hindi ka pumunta, tatapusin ko ang pagkakaibigan natin maliwanag? Tara na Jarex! Baka hindi lang si Lou ang paglamayan natin kundi pati na ang isang yan!" sigaw niya bago lumabas. Si Jarex naman, nakita kong napailing sa akin bago ako tignan ng malulungkot niyang mat ana tila naawa sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/231648330-288-k728867.jpg)
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Non-Fiction"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."