CHAPTER THREE
Pumasok na ako sa eskwelahan at gaya nang inaasahan ko, pagbaba ko pa lamang sa kotse ay sinalubong na ako ni Ellaine. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ito? Nilampasan ko lamang siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad ngunit nagulat ako at napahinto ng bigla niyang hawakan ang braso ko.
"Dreik, I'm sorry about what happened yesterday, I didn't mean to do it. Ikaw kasi, ang sama-sama ng mga binitawan mong salita sa akin kahapon kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. But believe me, hindi ko ginusto. Nabigla lang ako and I'm sorry okay?" saad niya sa akin na dahilan ng aking pagngisi.
"So, ako pala talaga may kasalanan? Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang pagbalibaliktarin lahat ng sitwasyon? Yung gagawin mong kaawa-awa ang sarili mo para makuha mo ang simpatya ibang tao? You are a manipulative bitch" ako. Mas lalo tuloy uminit ang ulo ko sa kanya. Nakita ko naman na napayukom ang kanyang mga kamay dahil sa aking mga sinabi.
"Dreik, hanggang kailan kaba magkakaganyan? Hanggang kailan mo ba akong kayang tiisin? Oo Dreik, nagkasala kami ni Jarex, ng bestfriend mo, pero hindi naman namin sinasadya. Nadala lang kami ng sitwasyon without considering what would you feel. I'm sorry Dreik, alam ko namang mahal mo pa ako. Natatakpan lang ng galit at poot ang tunay na nararamdaman mo para sa akin. Magpakatotoo ka naman Dreik! Magpakatotoo ka naman sa sarili mo kasi ang Dreik na nakilala ko, hindi ganyan. Hindi ganyan ang Dreik na minahal ko-" siya
"Then you're right!!! Hindi ako ang minahal mo Ellaine. Kasi ang minahal mong Dreik noon, yung tanga. Ang Dreik na kaharap mo ngayon, natuto na at hindi na magpapakatanga sayong muli And don't you ever say that I'm still in love with you dahil malaking imahinasyon mo lang yan! Matagal ko nang kinalimutan ang naramdaman ko sayo kaya wag mong ipagpipilitang patay na patay pa rin ako sa’yo! Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman na gusto na kitang patayin ngayon din sa kinatatayuan mo? Iyon yun Ellaine! Yan ung patay na patay na tinutukoy mo. Naisip ko na lang na hindi pure love yung naramdaman ko sayo, it's just a complete infatuation! And wala na lang din akong pakialam sa inyong dalawa ng gagong Jarex na yun. He's not my bestfriend anymore! Hindi ba’t pinutol ko na lahat ng ugnayan natin? Ba’t ba sa tagal ng panahon, sumulpot ka na naman? Ano bang kailangan mo?" iritado kong tugon kay Ellaine
"I came back because I want you back Dreik! Gusto kong ibalik yung Dreik na masigla, walang problema at mahal na mahal ako kaya please, let me heal your wounds. Tutulungan kita Dreik... just let me-" hindi ko na siya pinatapos
"Shut up! I don't want to hear any words from you anymore! Just....just leave me alone" asik ko sa kanya bago ko siya talikuran.
"Dreik! Honey! Hindi ako susuko sayo!" sigaw niya sa kin habang ako ay papalayo at di na nagawang lumingon pa sa kinaroroonan ni Ellaine
Lakad lang ako ng lakad at namalayan ko na lang na dinala ako ng mga paa ko sa rooftop na ito. Ano bang ginagawa ko dito? Bakit narito ako? Binuksan ko na ang pintuan at lumakad papasok dito. Napatigil ako sa paglalakad ng may nakita akong nakatalikod na tao, isang babae. Ito yun, ito yung babaeng nakaharap ko kahapon. Bakit ba narito siya? Malakas ang hangin sa taas at nakalugay ang mahahaba niyang buhok habang tinatangay ito ng hangin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtama ng sinag ng araw at sa balat niya ng may mapansin ako, may luhang kumikinang na bumubuhos sa mga mata niya. Bakit ba siya umiiyak? Kahapon ba kaya namumugto at namumula ang mata niya ay dahil umiyak siya noong mga oras na yun? Umiiyak siya pero bakit may ngiti pa rin na nakaguhit sa labi niya? Sira ba siya? Umiiyak pero nakangiti ano yun? Nakita kong nagpupunas na siya ng luha ng mapansin niya sigurong may nakatitig sa kanya. Lumingon siya sa gawi ko at kitang nagulat siya nang makita ako, nakabukas pa ng bahagya ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla. B-bakit ang cute niya? Ano? Ano bato? Anong cute ang pinagsasasabi ko? Letse! Agad naman siyang nakabawi sa ekspresyon niya at napalitan ng ngiti ang kanyang labi at masiglang mukha bago siya magsalita
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Non-Fiction"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."