LIMA

6 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon sa mga ikinikilos at sinabi ni Nanang Delia sa akin kaya dali-dali akong nagayos para makaalis kami kaagad ni Andrus na katulad kong kinikilabutan din.

Naiparada ko na ang kotse ko at mabilis na tinungo ulit ang rooftop. Sana naman makita ko na siya. Kamusta na kaya siya? Hay ano ka ba Dreik yan ka na naman tssss....

Nakarating na ako sa rooftop at nang buksan ko na naman ang pinto ay wala na naman akong nadatnan. Pangatlong araw na ito. Bakit ba hindi siya nagpapakita sa ‘kin? Namimihasa na siya ah! Bakit palagi niya akong pinaghihintay? Naku naman Dreik, hindi naman niya obligasyon yun saka choice mong magpunta dito araw-araw diba? Magtiis ka kung gusto mo siyang makita. Oo nga naman choice ko to.

Halos kalahating oras na akong naghihintay ng mapagdesisyunan ko na bumaba dahil malapit na ang time ko at mag-aaral na naman. Nasa 2nd floor na ako ng building ng may biglang humawak sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad. Tinignan ko ang may-ari ng kamay na ito.

"Ellaine? Anong ginagawa mo dito? Bakit? Sinusundan mo ba ako?" saad ko na may bahid na pagkairita sa tanong ko sa kanya na may kasama pang dalawang babae.

"N-naku hindi, mali ka ng iniisip. Hindi mo ba naaalala? Uhmmm.... Building ‘to ng Law Department, I'm a law student don't you remember that? Hindi ba hinahatid mo pa ako di-" pagpapaliwanag nya ngunit pinutol ko na siya sa susunod nyang sasabihin.

"Ah ganun ba? ‘Asan pake ko? Ano bang kailangan mo't hinawakan mo pa ako?" tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak parin sa aking braso. Kusa naman niya itong tinanggal  dahil naramdaman niya sigurong naaasiwa ako.

"Uhmm... Napansin ko kasi, tatlong araw na kitang nakikitang pabalik-balik dito sa building namin. May kilala ka bang ibang law students bukod sa ‘kin? Kailangan mo ba ng tulong? Baka pwede akong makatulong sa’yo" pangungumbinsi niya.

"Wala akong kailangan. Bakit ba ang dami mong tanong ha? May hinahanap lang akong isang taong gusto kong makita at makausap. Teka, malamang kilala mo siya. Siguro isa din siyang law student. Maputi siya, mahaba ang maiitim niyang buhok, bilugan ang kanyang kayumangging mga mata saka mataba ang mga pisngi niya bilugan din-, tss forget it! Bakit nga ba kita kinakausap?" saad ko nang mapagtanto kong si Ellaine nga pala ang kausap ko.

Iniwan ko na siya at nagmadaling umalis sa building na iyon. Ano ba Dreik! male-late ka na naman sa pinaggagagawa mo eh. Bakit ba kasi palagi mong hinihintay ang babaeng yun? Tssssss… Napapadalas na kasi ang late ko dahil palagi akong pumupunta sa building na ‘yun. Ang layo pa naman ng distansya ng Engineering Department sa building ng Law Department.

Natapos na naman ang buong araw na okupado ang utak ko ni Louiexa. Tatlong araw na ang nakakalilas simula nong hindi ko siya nakikita. Ano bang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Mukhang hindi naman siya madalas doon sa rooftop na yun ah. Hay, kamusta na kaya siya? Hindi ko maiwasang magalala, baka may nangyari pero wag naman sana. HAH? Ano Dreik? Nag-aalala ka? Naku hindi ah..... Okay fine, nagaalala na ako.

Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si papa na kausap si Nanang Delia. Naku, bakit kinikilabutan na naman ako. Bigla ko na naman kasing naalala yung nangyari kaninang umaga. Narinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila dahil bago ko marating ang hagdan ay madadaanan ko ang sala kung saan nag-uusap sila Nanang Delia at Zandrew.

"Nang, sigurado ka bang ayos ka lang dito? Nakikita ko kasing nahihirapan ka sa mga gawain?"tanong ni Zandrew

"Eh ser, ayos naman po ako. Alam ko naman pong medyo mabagal na ang galaw ko pero kaya ko pa naman. Huwag kayong magalala ser, kailangan ko ‘tong trabahong ito." sagot naman ni nanang.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now