SAMPU

3 1 0
                                    

CHAPTER TEN

Linggo na ng umaga at napagdesisyonan ko na ilabas ang kapatid ko. Nasa mall kami ngayon at gaya ng dati naming ginagawa, nanonood kami ng sine, kumakain sa isang restaurant, naglalaro sa arcade at pumupunta sa bookstore para bumili ng mga librong gusto niya.

Bandang alas-tres na ng hapon nang napagdesisyonan naming umuwi na. Nadaanan namin ang isang store na bilihan ng mga cellphone. Pumasok kami sa loob at nagumpisang magtingin-tingin dito.

"Sira na ba cellphone mo kuya?” tanong ng kapatid ko habang nagpapalinga-linga din.

"Hindi, bibili lang ako ng isa para kay ate Lou mo para may pang contact tayo sa kanya. A-alam mo na, house stuffs g-ganun" tugon ko sa kaniya.

"Weh, house stuffs nga ba? Baka gusto mo lang makausap araw-araw si ate Lou. Ikaw talaga kuya ah, at saka anong tayo? Ikaw lang naman gustong magcontact sa kaniya, idadamay mo pa ako." Pang-aasar ni Andrus sa akin.

"Magtigil ka nga Andrus! Paano ‘pag may kailangan tayo sa kanya? Paano natin siya makakausap, ikaw talaga" katwiran ko pero tama naman siya, gusto kong makausap si Lou habang hindi kami magkasama.

"Pero kuya sigurado ka bang tatanggapin yan ni ate Lou? Mukhang hindi naman kasi mahilig dyan si ate eh. Wala rin sa mukha niya ang tumanggap ng ganyang bagay. Paaano mo ibibigay yan?”  tanong ng kapatid ko.

"Edi tulungan mo ako. Ipaliwanag natin na kailangan niya ‘to saka isa pa, makakatulong din ‘to sa pag-aaral niya saka para may contact na rin siya sa kapatid niya." Paghihingiko ng tulong ko sa kanya.

"Talaga kuya? May kapatid pala si ate Lou? Ilang taon na ba? Babae ba? Cute ba?" interesadong tanong ni Andrus.

"Halos kaedad mo lang, matanda ka ata ng isa o dalawang taon sa kaniya. At bakit ba, interesado ka na naman? May pacute-cute ka pa dyan na nalalaman, bata bata mo pa" panenermon ko sa kaniya.

"Naisip ko lang, siguro kasing cute din siya ni ate Lou, para siyang manikang buhay. Sobrang puti nga eh, may lahi ba siya? Para kasing di natural yung puti niya." ang kapatid ko.

Oo nga, sobrang puti ni Lou. Hindi ko nga alam kung may lahi sila o wala. Hindi naman kasi ganun kaputi yung kapatid niya. Imposibleng hindi sila magkapatid eh magkamukhang magkamukha sila ni Lye. Pisngi pa lang nga eh alam na pero ang kulay ni Lye ay kasingkulay lang ng kanilang mga mata. Siguro nakuha niya sa isa sa mga magulang niya.

Lumabas na kami ni Andrus sa store bitbit ang bagong cellphone na aming binili.

"Drus pagod ka na ba? May pupuntahan tayo, sama ka" saad ko habang pinapasok ang mga binili namin sa loob ng kotse.

"Hindi pa naman kuya, bakit? Saan tayo pupunta?" tanong niya

"Kay ate Lou mo, ma m-meet mo na din ang kapatid niya. Fasten your seatbelt now ‘lil bro" sabi ko saka inistart ang kotse at nagmaneho sa direksyon patungo sa bahay nina Lou.

Panay ang tanong sa ‘kin ni Andrus kung ano bang klaseng lugar dun kina Lou, kung malaki ba o maliit o maganda ba ang tirahan nila o hindi. Bahala na siya humusga kasi para sa ‘kin, okay lang naman ang lugar na ‘yun, masaya nga eh. Madaming taong nagkukuwentuhan at magandang pagmasdan ang mga batang nagsisilaruan. Hindi ko kasi naranasan ang larong panlansangan, maging si Andrus kasi wala naman kaming naging kaibigan sa loob ng subdivision. Kita ko naman na nawiwili ang kapatid ko sa nakikita niya. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng isang maliit na simbahan. Inihinto ko ang kotse sa kabilang kalsada na katapat nito.

"Grabe kuya, mukhang masaya dito! Ang daming mga naglalaro oh” masayang saad ni Andrus. “Simbahan? Dito nakatira sina ate Lou? Magsisimba tayo?" tanong ng kapatid ko matapos kaming bumaba at makita ang simbahan na ito.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now