CHAPTER NINETEEN
Hindi ako nagsayang ng oras at mabilis na tumungo ng ospital. Nasa harap ako ng pinto kung saan ang silid na kinaroroonan niya. Huminga muna ako ng malalim at pinilit na ibahin ang ekspresyon ng aking mukha upang gawing masigla. Babati sana ako sa kanya ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang madatnang walang tao sa loob. Agad na pumasok sa isip ko na baka tumakas na si Lou kaya naman mabilis akong pumunta sa nurse station para magtanong.
"Nurse, asan yung babaeng pasyente na nasa loob ng room 129?" pagaalala kong tanong.
"Ay yun ba sir? Nagpaalam sa amin na pupunta sa rooftop ng ospital na ‘to. Kanina pa nga hindi
bumabalik, susunduin na namin sir." Sagot ng attending nurse ni Lou sa akin"Ah hindi na, ako na lang. Saan ba ang daan papunta sa rooftop?" pagtatanong ko. Tinuro niya naman ang daan at dali-daling umakyat.
Napakalawak ng lugar na ito at kinailangan ko pang magpalinga-linga para makita ko si Lou. Hindi nagtagal ay may nakita akong isang babaeng nakasuot ng hospital gown at nakatalikod sa gawi ko habang nakatingalang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. Naglakad ako papalapit sa kanya at nakitang nakangiti siyang nakatingala sa mga ito. Napansin niya ako kaya lumingon siya para ngitian ako.
"Ang ganda nilang pagmasdan hindi ba? Magkasama ang buwan at mga bituin na lumiliwanag sa dilim." Wala sa sarili ko ding pinagmasdana ang mga ito. Sa nakalipas na dalawang taon ay ngayon ko lang mas napagmasdan ang ganda ng langit sa gabi. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sobrang paghanga sa kagandahan ng kalangitan. Pareho kaming nakatingala ngayon ngunit bigla akong napalingon sa kanyang gawi dahil narinig ko siyang kumanta.
I wish I could stand on a star
I wish I could be where you are
They say "Don't you ever give up"
It's so hard to be somethin' when you're notHindi ko na napigilang yakapin siya mula sa likod habang siya ay nagpapatuloy parin sa pagkanta ngunit bakas sa kanyang boses ang panginginig dahil sa nagbabadyang pag-iyak.
But I have walked alone with the stars in the moonlit night
I have walked alone, no one by my sideHumahagulhol na akong nakayap sa kanyang likod dahil sa kilala ko ang boses niya ngayon, ito ang boses na ginamit niya noong lumaban siya sa patimpalak sa eskwelahan namin kung saan sinasabi niya na ito siya, ito ang kwento ng buhay niya. Ikinukumpara niya ang kanyang buhay sa bawat liriko ng kantang ito.
Now I walk with you, with my head held high In the darkest sky, I feel so alive
Humarap siya sa’kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko habang ako ay patuloy parin sa pagiyak sa kanya. Nakangiti niyang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki at pilit na hinuhuli ang tingin ko saka nagsalita.
"Para tayong buwan at mga bituin mahal ko, magkasama tayong pinapaliwanag ang gabi." Saad niya saka itinungkod ang noo sa aking noo. "Uwi na tayo mahal ko, napapagod na ako. Gusto ko nang magpahinga." Siyang muli na ngayo’y umiiyak na rin. Alam ko ang ibig sabihin niya kaya nakailang beses akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Talagang tinanggap niya na ang kapalaran niya, at wala naman akong magawa kundi sundin ang kagustuhan niya.
Nasa loob na kami ng kanyang kwarto at magkayakap na nakahiga sa kama niya. Nakasandig ang ulo niya sa aking dibdib habang ako naman ay hinahaplos ko ang buhok niya at hinahalik-halikan.
"Kailan mo pa nalaman ang sakit mo?" pagbasag ko sa katahimikan
"Naalala mo yung araw na una tayong nagkita sa rooftop ng law department, nawala ang scholarship ko nun at sa araw ding yun eh nalaman kong may sakit ako. Nalaman kong malala na kaya iyak ako nang iyak. Wala na akong scholarship, may sakit pa ako. Nilabas ko lahat ng nararamdaman ko pero kahit kalian, hindi ko sinisi sa Panginoon ang lahat ng nangyayari sa akin. Ito na ang nakasulat sa palad ko. Nangyari na, tanggapin na. Hindi ko na sinubukang magpagamot dahil bukod sa malala na, wala din naman akong perang pangpagamot at higit sa lahat, sakitin din ang kapatid ko. Tinanggap ko na lang na ito ang magiging kapalaran ko. Nakita ko naman na gusto mong magpakamatay kaya inis na inis ako sa’yo. Ako na gusto kong mabuhay ng matagal tapos ikaw naman gusto mong tapusin na ang buhay mo. Noong umamin ka sa kin, natuwa ako dahil parehas tayo ng nararamdaman pero hindi ko maiwasang matakot na baka masaktan lang kita dahil sa sakit ko. Ginawa ko ang lahat na huwag din sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ko pero maging ako mismo, hindi ko napigilan." Tumingala siya sa’kin at nakita kong nalulungkot ang mga mata niya. "Pasensya na, hindi ko napigilan Dreik. Naging makasarili ako at hindi man lang iniisip ang magiging kapalit ng pagamin ko sayo na mahal kita." Hinaplos ko naman ang pisngi niya.
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Não Ficção"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."