WhoGoat

1.4K 35 6
                                    

Matapos ang ilang araw na magkakasama sina Sarah sa iisang bahay ay umabot na ang Valentines Day pero hindi parin nagpapatinag si Sarah at gusto talaga niyang makuha ang gusto niya.

Kakagising lang nila Dawn at richard at naguumagahan sila sa sala habang nanonood ng news, magkatabi sila sa mahabang sofa sumingit naman si Maria na kakagising lang din wala kasi siyang pasok,  at tumabi naman siya kay Richard. Pagkatapos nila kumain ay nagyaya si Maria na maglaro ng scrabble hanggang sa bumaba na din si sarah at tinawag sya ni Maria na sumali sa kanila sumama naman ito hanggang sa ma boring na si maria at bigla siyang may naisip.

Maria: mom alam mo po yung mga whogoat lines?

Dawn: Oo naman teka saan mo naman nalaman yun?

Maria: sa internet po. Yun nalang po laruin natin. Lahat po tayo dapat makakapag bigay ng lines pero dahil young pa po ako kay daddy naman po ako kakampi. Ang hindi po makapagbigay ng line lalagyan ng powder sa face. Deal?

Dawn: deal

Maria: ikaw po aunt sarah?

Sarah: ok

Maria: tayo na po dad ang mag start (may nibulong kay Richard)

Richard: Kapag namatay na ako, huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.

Maria: Boom Panes.

Dawn: asus. Oh ako na. Password ka ba? HIndi kasi kita kayang kalimutan pero kaya kitang palitan.

Maria: Ano ba yan si mom si dad nga ang sweet ng sinabi sayo tapos ikaw panira moment.

Sarah: ok na pwede na ako?

Maria: sige po

Sarah: Ang pag-ibig natin ay parang facebook pwedeng i-like pwede ring mag comment pero hindi dapat I-share

Maria: Tayo ulit dad. Ito maganda (bumulong ulit kay Richard)

Richard: Sabi nila "A picture is worth a thousand words". Pero nang nakita ko ang picture mo tatlong words lang ang naisip ko: "I Love You".

Maria: Ayiee oh mommy ayusing mo na po ah.

Dawn: oo na po iiyak ka kaagad eh. Suicide. Homicide, Insecticide. Lahat na lang pamatay pero kung gusto mo ng pampabuhay itry mo ang "by my side".

Maria: yun ang sweet ikaw naman tita.

Sarah: Kung isa akong joke gusto ko yung mapipikon ka para naman seryosohin mo ako.

Maria: Grabe ka naman po ang bitter lang?

Sarah: wala akong maisip eh.

Dawn: walang maisip o sadyang nagpaparinig lang. (pabulong na sabi ni dawn)

Maria: ano yun mom?

Dawn: sabi ko ang dad mo naman ang dapat mag isip puro ikaw eh.

Maria: sige na nga po. Oh daddy sabi ni mommy ikaw mag isip go na.

Richard: Ang pagmamahal ko sayo ay parang bilbil, pilit ko mang tinatago pero halata parin. Oh diba ang galing ko lang.

Dawn: Psh wala ka namang bilbil eh. Dilim ka ba? Kasi nang dumating ka, wala na akong nakitang iba. Oh iyan ang halata totoo kasi maitim ka naman talaga.

Richard: aba sinusubukan mo ako ah. Dalawang beses lang naman kitang gustong makasama now and forever.

Dawn: wala ang panget mo mag isip. Pumupunta ka ba sa gym? Kasi feeling ko mag wowork out tayo.

Irreplaceable (Book 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon