Bukas pa ang kasal nila Dawn at Albert ngunit ngayon ay pumupunta nasa private island ang mga kasama sa kasal sa kasawiang palad naman ay nahuli na sina Dawn at Richard dahil sa may mga inaasikaso silang papeles at may board meeting rin kaya pagkatapos na pagkatapos ay dumeretso sila sa airport at sumakay sa private helicopter dahil sa sila nalang ang iniintay ay sabay na sila sa pagpunta. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglag umulan ng malakas na may kasamang hangin at kidlat malayo pa sila sa isla kaya sa di inaasahan ay natamaan ng kidlat ang main rotor blade ng sinasakyan nilang helicopter at dahil doon ay nasira ito at bumagsak sa dagat ang sinasakyan nila.
Albert: nasan na ba si Dawn?
Helen: Oh my Albert
Albert: bakit po?
Helen: Bumagsak ang sinasakyang helicopter nila Dawn.
Samantalang inanod naman na sina Dawn at Richard sa isang isla mabuti nalang at may nakakita sa kanilang mag asawa sina Rosita at Manuel. Ginamot nila sina Dawn at Richard kasalukuyan namang binabantayan ni Rosita si Dawn at ngayon ay dahan dahan ng dumilat si dawn at nakita niya ang ginang.
Dawn: nasan po ako?
Rosita: nandito ka sa bahay namin ng asawa ko ako nga pala si Rosita
Dawn: papano po ako napunta dito?
Rosita: nakita namin kayo na lumulutang sa dagat
Dawn: kayo po? ibig sabihin po ba may kasama ako?
Rosita: oo nandoon siya sa kabilang kwarto
Dawn: pwede ko po ba siyang makita?
Rosita: sige ba tutulungan kita
Nakita ni Dawn si Richard na naahiga at tulog pa
Rosita: hindi pa nga iyan nagigising ei
Dawn: ganon po ba sige po ako na po bahala sa kaniya pag nagising
Rosita: sige at ako naman ay maglalaba lang bastat tawagin mo lang ako sa likod
Dawn: salamat po
Binantayan ni Dawn si Richard habang tulog dahil sa mahina prin siya ay umupo siya sa tabi nito at natulog. Maya maya naman ay nagising si Richard at nakita niya si Dawn na ligtas kaya nakahinga siya ng maluwag dahil akala nya kung ano na ang nangyari dito.
Dawn: oh gising ka na?
Richard: kamusta ka?
Dawn: ayos lang ako ikaw?
Richard: masakit lang ang braso ko
Dawn: halika na magpakilala tayo kila nanay Rosita
Richard: sino yun?
Dawn: sila ang tumulong sa atin sa lapot
Pinuntahan nila si nanay Rosita
Rosita: ohh nagising na pala ang asawa mo
Dawn: hin-
Sasabihin sana ni Dawn na hindi sila related ni Richard pero biglang dumating si Manuel
Manuel: gising na pala sila
Rosita: oo nga ei
Manuel: bakit hindi muna tayo kumain
Rosita: maigi pa nga
Ang pagkain nila ay tinapay egg at kape
Rosita: pag pasensyahan nyo na yan lang ang kaya namin ei
Dawn: ayos lang po wala po iyon samin
Manuel: ano nga palang mga pangalan nyo?
Dawn: ako po si Dawn siya po si Richard
BINABASA MO ANG
Irreplaceable (Book 2) Completed
RomantizmMagbalik pa kaya ang tamis ng kahapon kung marami ng nagbago? Book 2 of My Unexpected Hero *CharDawn* Completed