Chapter 7
Lubao Falls
Isang beses pang hinalikan ni Julio si Adella bago kami sumakay ng tricicyle pauwi sa Camerion. Nagpaalam sa akin si Julio at ngumiti lang ako sa kanya at kumaway. Pumasok na ako sa loob ng tricicyle habang hinihilot ang ulo ko. Alas dos ng makauwi kami galing sa apartment ni Julio at Alas kwarto na ay hindi pa ako nakakatulog. Alas singko naman kami umalis doon. Hindi ako makatulog at hindi mawala sa isip ko ang mga ngisi ng bakulaw na 'yun. Kahit hindi ko isipin ay kusa syang pumapasok sa isip ko at kumukulo talaga ang dugo ko sa galit.
"Oh. Phone mo." Sabi ni Adella pagkatapos ay inabot sa akin ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko at kaagad 'yung kinuha sa kanya. Freaking- I forgot about my phone! I forgot about Matteo! Shit!
Kaagad kong binuksan ang phone ko at kaagad ding sumambulat sa akin ang napakaraming text galing sa kanya.
Matteo:
Babe, galit ka ba? I'm sorry. Happy Birthday, I love you and I miss you so much!
Matteo:
Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?
Matteo:
Are you okay? Galit ka parin ba dahil hindi ako makakauwi next week? I'm sorry. I'll make up to you, I swear.
Matteo:
I want to talk to you. I miss you.
Bumuntong-hininga ako at kulang nalang ay sampalin ang sarili ko sa inis at pagkairita. Kaagad at nagmamadali akong nagtype ng reply sa kanya bago pa kami makapunta doon sa part ng wala ng signal.
Ako:
Babe, I'm sorry. Dead batt ang cellphone ko buong gabi at maaga akong nakatulog dahil masama ang pakiramdam ko. But, okay na tayo. Hindi na ako galit. I miss you and I love you too. Kapag nakahanap ako ulit ng signal. I will call you.
Tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko matapos kong i-send 'yun. Yes. I lied. Hindi ko naman gustong magsinungaling pero hindi ko din naman pwedeng sabihin kay Matteo na pumunta ako sa bayan, nag bar, nakakilala ng lalaking manyakis at sinayawan pa sya ng Lap Dance. Siguradong magaaway na naman kami at ayaw ko nang magaway kaming dalawa dahil ang totoo ay miss na miss ko na sya at gusto ko na syang makita.
It's fine. Hindi ko na naman makikita ang Gio na 'yun and that's for sure.
"Nagulat ako sa ginawa mo kagabi." Napatingin ako kay Adella.
"Please, wag mo nalang 'yun ipag sabi. Napasubo lang naman ako kasi nakakapikon naman talaga ang Gio na 'yun eh. Alam ko kaibigan sya ng boyfriend mo pero ang baho ng ugali nya!" Inis na sabi ko.
Natawa naman si Adella sa akin. "Bakit ko naman ipagsasabi at kanino ko naman sasabihin? Isa pa, ang sexy mo kagabi sumayaw, mula ng mga bata pa tayo magaling kana talaga sa pagsasayaw. Hindi ko lang akalain na hanggang ngayon pala ay may talent ka padin doon." Aniya.

YOU ARE READING
I know what you did last Summer
RomanceI know what Ana did that Summer; She went to Central, she fall out of love, she fell in love again, she risk it all and she got betrayed. It's just three months pero mabilis na nagbago ang buhay nya. She fell in love with this mysterious and so dam...