Chapter 43

197 14 2
                                    


Chapter 43

Let the rain reminds you of me


Halos mamanhid na ang buong mukha ko sa pagiyak. Hindi ko na maramdaman ang ibabang labi ko nang dahil walang tigil kong pagngawa pati sila ay manhid na din at pagod. Magang-maga na ang mga mata ko at halos hindi ko na maidilat ang mga ito. Isang matinis at mahabang echo ang nadidinig ko at halos mabingi ako. Everything just falls apart. Rinig na rinig ko ang matinis na pagkahulog at pagkadurog nang aking puso.


Now, it just made me question everything. Minahal nya ba talaga ako? Does he really care for me? Of all of this was just because of the fucking bet.


Gio made me question everything. He made me question myself and worth too. He made me hate myself.


"Ana..." Narinig ko ang hagulgol sa gilid ko. Nagangat ako ng tingin at nakita si Adella na naroon at nagtatakip ng bibig habang pinapanood ako. Lumapit sya sa akin at agad akong dinaluhan. Umupo sya sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat.

"I'm sorry, Ana.." Aniya.

"Adella... Bakit-"

"We broke up because he told me about the bet." Panimula nya. "Hindi ko matanggap! Ana! Pinaglaruan ka lang nila! Pinaglaruan ka lang ni Gio, Tadeo at Matias.... At ni... Julio! Sinabi nya sa akin na kahit kailangan nya hindi sya sumang-ayon doon, pero kahit na! All this time alam nya! Alam nya pero wala syang ginawa!" Hagulgol nya.


Hindi na ako nagsalita pa. I can't say anything. Hindi ko na alam kong ano pa ang puwede kong sabihin para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. It's just too much. So damn much.


The level of anger and hatred that I feel for him is just too dangerous and intense. Possible pala 'yon? Posibleng palang makaramdam nang makamundong emosyon sa isang tao. Posible palang magalit ka, pero mahal na mahal mo parin sya.


"Sinasabi ko na sa inyo! Hindi talaga kami nagkamali sa pagsasabi sa inyo tungkol sa mga ganyang klaseng tao. Sa mga ganyang klaseng lalaki! Kayo lamang itong hindi nakikinig sa amin! Masyado pa kayong mapusok at nagagawa nyo pang magsinungaling sa mga magulang ninyo at pamilya nang para lang sa lalaki. Sa tingin nyo ba ay tama 'yon?" Bulalas naman ni Lola.

"La, tama na po..." Pumikit si Adella.

"Hay nako, Adella. Bukas nang tanghali ay narito na ang mama mo at huwag kang umasa na hindi makakarating sa kanya ang lahat nang kalokohan na pinaggagawa mo rito habang wala sya!" Utas ni Lola sa kanya at umiling-iling. "Sa tingin mo ay hindi masasaktan ang mama mo? Sa tingin mo ay matutuwa sya sa mga ginagawa mo? Hindi! Sinasabi ko sayong hindi!" Dagdag pa niya. Yumuko nalang si Adella at hindi na sumagot pa.


Nakita ko ang pagpikit ni Papa at sandaling sinapo ang kanyang noo. Para bang pagod na pagod na sya sa lahat nang nangyayari.


"Tama na yan at pagod na kami. Pagod na ang lahat ng tao dito kakahanap sayo at sa pagaalala kong saan ka na ba nagpunta! Tumayo kana riyan at pumasok kana sa kwarto mo! Bukas na bukas ay maaga tayong luluwas sa Maynila! Iuuwi ka na namin doon at kahit kailan ay hindi kana babalik dito, naintindihan mo?" Matigas na sabi ni Papa sa akin.


Ilang ulit nang nawasak ang puso ko nang gabing ito at pakiramdam ko ay sobrang manhid na nang aking buong katawan. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang tinutulungan ako ni Adella at tumayo galing sa pagkakaupo ko. Kumapit ako nang mahigpit sa kanyang braso dahil talagang nanghihina ang mga tuhod ko. Nangangatog ang aking laman nang dahil sa lamig galing sa pagkabasa ko sa ulan kanina.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now