Chapter 35
Let's not fight again
"Gio!" Tawag ko at nagmamadaling sinusundan sya habang naglalakad nang mabilis palayo sa amin.
"Gio, please! Listen to me!" sigaw ko sa kanya. Hindi sya nakikinig at hindi rin sya lumilingon. Halos mabunggo na ako sa mga taong nakakasalubong ko dahil sa paghahabol ko sa kanya.
Nang tumunog ang aking cellphone ay kaagad kong sinagot 'yon nang makita na si Tito Reymundo ang tumatawag.
"Hello po." Bati ko.
"Hija, I'm sorry." Kumirot ang puso ko sa boses nyang napapaos.
"I'm sorry din po, Tito. Hayaan ninyo at susubukan ko ulit kausapin sa Gio. Sinusundan ko po sya ngayon." Sabi ko.
"Hindi na siguro, Hija. Tama na ang nagawa mo para sa akin. He looks so angry. Ayaw kong pati sayo ay magalit sya." Aniya. Napahinto ako sa paglalakad ng dahil doon.
"I'm sorry po talaga..." Hindi ko mapigilan ang pait sa boses ko. Naaawa talaga ako sa ama ni Gio.
"It's okay. Don't say sorry. Wala kang ginawa. Dapat nga ay ako pa ang humingi ng tawad sayo. Pati tuloy ikaw ay nadadamay dito. Gusto ko lang din magpasalamat sayo para sa lahat-lahat ng ginawa mo. Thank you, Ana. I'll be back to Manila tomorrow. Ikaw na ang bahalang magpaalam kay Gio para sa akin." Aniya.
Nang ibaba nya ang tawag ay tuluyan nang nawala ang lahat ng pagasa kong magkakaayos pa si Gio at ang ama nya. Sarado ang utak ni Gio pagdating sa kanyang ama at kahit na sinusubukan kong buksan 'yon ay hindi ko magawa. He's just so mad at him. He despises him so much!
Nang makarating ako sa parking ay pilit kong inalala kong saan pinarada ni Gio ang sasakyan. Tumakbo ako papunta doon at naabutan si Gio na padabog na binubuksan ang pintuan ng kanyang kotse.
"Gio!" Sabi ko. Humakbang ako palapit sa kanya pero kaagad din akong natigilan nang lumingon sya sa akin. His eyes are so red. He looks so freaking mad and furious.
"What the fuck, Ana? What was that!?" Umalingawngaw ang malakas nyang boses sa parking lot. Inawang ko ang labi ko at tinitigan sya. I never seen him this mad before. I never seen this side of Gio before.
"Gio..." Lumapit ako at akmang hahawakan ang kanyang braso pero kaagad nyang tinapik ang kamay ko. Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko nang dahil sa ginawa nya.
"Ano 'to? Nagsabwatan kayo?" Lumipad ang kamay nya sa ere.
Inawang ko ang ibabang labi ko at hindi nakapagsalita. I want to explain to him pero hindi ko alam kong papaano. Nalulunod ako sa ideya na galit sya at hindi ko alam kong paano ang gagawin ko para mawala ang galit nya na yan. I want him to listen to me pero paano nya gagawin 'yon kong sarado ang utak nya at nilalamon sya ngayon ng kanyang emosyon?
"S-sorry. Naawa lang kasi ako sa Papa mo-"
"Naawa? Sa gagong 'yong naawa ka? Tangina! Eh, sa akin hindi ka ba naawa? I told you that we don't get along! Why don't you understand that?" Pinutol nya ako kaagad.
"Pinuntahan nya ako sa shop noong nakaraang araw. Kinausap nya ako. He told me na gusto nyang bumawi sayo. Sising-sisi sya sa lahat ng ginawa nya sayo. Miss na miss ka nya. I just want you and your Dad to be okay, Gio." Pagpapaliwanag ko.

YOU ARE READING
I know what you did last Summer
RomantizmI know what Ana did that Summer; She went to Central, she fall out of love, she fell in love again, she risk it all and she got betrayed. It's just three months pero mabilis na nagbago ang buhay nya. She fell in love with this mysterious and so dam...