Chapter 26
Talk
Bumabaha parin ang mga messages sa inbox ko galing kay Adella pero hindi ko na pinansin pa 'yon. Pinatay ko ang cellphone ko at pumasok na sa loob ng bahay para matulog. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko at kaagad na nagtalukbong ng kumot. Paulit-ulit na nag pi-play sa utak ko ang napanuod ko sa video na 'yon at hindi ko ito nagustuhan. May kung ano sa systema ko na tinututulan ang lahat ng ito at ang mga insekto ko sa tyan ay paulit-ulit na tinutusok-tusok ang loob ko at masakit ito.
Kinabukasan ay maaga na akong nagising para pumasok kahit na halos madaling araw na ako nakatulog. Tulad ng palagi kong ginagawa ay sumabay ako sa kanila sa agahan pagkatapos ay naligo na din. Matapos kong magayos ay napaalam na ako sa kanila dahil mag aalas otso na at malalate na ako.
Pagkasarado ko ng gate ay naningkit kaagad ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakatayo doon sa kabilang kalsada habang pinagmamasdan ako. Kumalabog ang dibdib ko nang marealized agad na si Gio 'yon. He's wearing a dark pants and a blue shirt. Nakasuot din sya ng pulang bonet itim na vans na sapatos. Nagkunot kaagad ang noo ko at nagiwas ng tingin. Nagpanggap akong hindi sya nakita.
Anong ginagawa nya dito?
Lumingon muna ako sa bahay pagkatapos ay pumunta doon sa ilalim ng puno para mag-abang ng tricycle. Hindi ko nilapitan si Gio at hinayaan lang syang nakatayo doon. Nang umamba syang lalabit sa akin ay kaagad kong pinara ang tricycle na paparating. Nagmamadali akong pumasok doon.
"Manong, paki bilis mo. Special na." Sambit ko. Tumungo-tungo naman si Manong at nagsimula nang paandarin ang kanyang tricycle. Lumingon ako at sinilip si Gio sa maliit na butas nang tricycle sa likod at nakitang nakatayo lang sya doon at pinapanood kaming lumayo.
Umirap ako at humalukipkip. Just go home, Gio. Ayaw kitang makita ngayon.
Ilang sandali pa ay nakarating na din ako sa shop. Naroon na si Adella at nang mag in ako ay kaagad akong sumimangot nang makita kong late na ako ng apat na minuto.
"Late ka, ah." Salubong ni Adella sa akin.
"Mahirap sumakay." Sabi ko at kaagad na inilagay ang aking bag sa sulok. Kinalkal ko 'yon para kunin ang aking tali sa buhok nang makita ang aking cellphone na kagabi pa naka-off. Kinuha ko 'yon at binuksan at kaagad na naramdaman ang ilang ulit na pag vibrate nito sa kamay ko. Tinipa ko 'yon at pinasadahan ng tingin ang mga nagtext. Nakita ko kaagad ang sankaterbang messages sa akin ni Gio magmula pa kagabi.
Gio:
Ana
Lumunok ako at nagtaas ng kilay.
Gio:
Miss, I'm sorry.
Gio:
I swear, I didn't know that she's here.
Umirap ako. Wag ako.

YOU ARE READING
I know what you did last Summer
Roman d'amourI know what Ana did that Summer; She went to Central, she fall out of love, she fell in love again, she risk it all and she got betrayed. It's just three months pero mabilis na nagbago ang buhay nya. She fell in love with this mysterious and so dam...