Chapter 6

166 11 1
                                    

Song used: Skin-Rihanna

----

Chapter 6


Sergio Leonel A. Del Real

Pinagpapawisan ako ng malamig kaya naman panay ang punas ko sa noo ko at pisnge habang naglalakad pabalik sa kinauupuan nila Adella. Humahambalos ang puso ko saking dibdib habang inaalala ang mga tagpong nakita ko kanina. Nagtagpo kaagad ang tingin namin ni Adella. Nag aalala ang mga mata nya kaya naman agad nya akong nilapitan at hinawakan sa balikat.


"San ka galing? Kanina pa kita hinihintay na bumalik." Bungad nya sa akin.

"Ah.. Uh." Nagiwas ako ng tingin. Ay grabe! Nawala ata ang tama ng vodka sakin dahil sa nangyari kanina sa rest room.

Naningkit ang mata ni Adella habang nakatingin sa akin. "Teka, bat ang pula mo? Uminom ka ba?"

Nanlaki ang mata ko.

"H-hindi!"

"Paamoy ng hininga mo!" Kumunot ang noo nya sa akin. Hiningahan ko sya ng dahil doon. Sorry ka nalang sis, nagmumog ako kanina sa CR!

"Halika ka nga at umupo." Aniya at inakay na ako doon sa inuupuan namin kanina.

"Anong oras na?" tanung ko.

"12:30. Hinihintay nalang ung isang kaibigan nilang si Gio. Tapos uuwi na tayo."


Tumungo-tungo ako pagkatapos binaling ang tingin ko sa paligid. Siguro naman umuwi na 'yung lalaking manyak kanina sa CR. Wooo! Grabe! Hindi naman ito ang unang beses ko na pumunta sa Bar, sa Manila noon, maka ilang beses na din akong nakapunta sa Bar kasama si Matteo at ang mga kaibigan namin pero ito ang unang beses na talagang nakakita ako ng ganung eksena. I cannot believe it!


"Kilala nyo naman si Gio. Alam na alam nyo naman na palaging late 'yun!" Dinig kong sabi nung Matias pagkatapos ay tinungga 'yung isang baso ng beer.

"Do you think he back out? Alam mo naman ang mood noon, paiba-iba."

"I don't think so. Maybe he's just with Claire."


Hindi ko sila pinansin sa halip ay tinuon ko ang sarili ko sa stage kung saan may mga nagsasayaw. Kanina gusto ko sumayaw. Ngayon wala. Nawalan na ako ng gana. Hmp! Kasalanan 'to ng hinayupak na gwapong manyak na 'yun!


"Oh! Here he comes!" dinig kong sabi ni Julio.

"Bro!" Humagalpak ng tawa si Tadeo habang sinasalubong ang isang lalaking paparating.


Nagangat ako ng tingin at halos mahulog ako sa kinauupuan ko. What the heck? 'Yung lalaki sa CR? 'Yun ang lalaking hinihintay nila? Shit! Kaagad akong nagiwas ng tingin pero huli na ang lahat dahil nagtagpo na ang mga tingin namin. Mukhang nagulat sya nung una pero kaagad na napangisi ng mamukhaan ako. Literal na kinilabutan ako ng dahil doon. Pinunasan ko ang noo ko dahil pakiramdam ko ay pinapawisan na naman ako. Nilingon ako ni Adella kaya pinilit kong ayusin ang mukha ko para hindi nya ako pagisipan ng kung ano.


"You're late again." Dinig kong sabi ni Julio pagkatapos ay umapir sa kanya.

"What's new?" Nakakakilabot ang malalim at buo nyang boses. Lumunok ako pagkatapos ay kunwaring pinaglaruan ang baso sa harapan ko.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now