Chapter 30

220 15 2
                                    


Chapter 30

Lake Ana


Nahalata ata ni Adella ang pagsimangot ko kaya nilingon nya ako at tinititigan. Dinilaan ko ang ibabang labi ko at pinilit na ayusin ang aking eskpresyon. I am really not in the mood anymore. Kanina lang ay ang saya ko pa. Pero ngayon... I don't know. Parang gusto ko nalang umuwi.


"Selos ka?" She suddenly asked.

Nagulat ako at kaagad na napatingin sa kanya. "H-ha? Hindi. Bakit?"

"Sinabi sa akin ni Julio na hindi naman girlfriend ni Gio si Claire. Nagagandahan lang si Gio sa kanya. Pero hindi nya naman daw 'yon niligawan kahit na kailan." Aniya.

"I'm not asking and I don't care, Adella. Hindi naman kami ni Gio." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi kong 'yon.

"Naisip ko na baka kaya wala ka sa mood ay dahil narito si Claire."

"H-hindi naman."

"Kung hindi ka komportable ay puwede mo naman 'yong sabihin kay Gio. Puwede kang maging honest sa kanya. Mahirap kapag kinikimkim mo lang, sasabog ka." Ngumiti sya sa akin.


Hindi ako umimik. Be honest with Gio? Napaisip tuloy ako, ni minsan ata ay hindi ako naging honest sa kanya. Gio has always been so straightforward to me lalong-lalo na sa nararamdaman nya. He's very vocal and proud. Pero ako? I don't know why I keep on denying what I'm feeling for him. Siguro dahil ako 'tong nasabi na para bang napakabilis lang ng lahat. Magtatatlong buwan palang kaming magkakilala. Tapos ako 'tong nahuhulog na din pala sa kanya.


"Hindi mo kailangang maglala." She pats me at the back.

"Salamat Adella. Pero ayos lang talaga. Wala ito." Sabi ko at pumunta doon sa likod nang counter at nagpunas ng kung ano-ano. Nadinig ko ang tawa ni Adella pero hindi ko na sya pinansin pa. Nagconcentrate ako nalang ako sa trabaho.


Alas dos nang hapon nang isara namin ang shop. Nagpaalam kaming dalawa ni Adella kay Boss dahil naka quota naman kami ngayon. Plano kasi naming nanuod kila Gio na mag-surf. Isa pa, nagsabi sya sa akin na ihahatid nya ako ngayon pauwi kaya naman hihintayin ko sya.


Pagkalabas namin ay agad kaming dumiretsyo doon sa may cottage kung nasaan ang mga gamit nila. Nakita ko kaagad sina Tadeo, Matias at Julio na galing sa CR. Mukhang nagbihis sila doon. Lumingon ako sa kanilang likuran at nakita si Gio na ginugulo ang kanyang basang buhok. Nakabihis na rin sya nang itim na rash guard at yakap na yakap ito sa kanyang magandang katawan. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay kaagad kong nakita ang pagngisi sya sa akin. I cleared my throat pagkatapos ay nagiwas nang tingin nang uminit ang pisnge ko.


"Wait! Gio!" Kaagad din akong napalingon ng marinig ang boses na 'yon.


Nakita ko kaagad ang naka two piece na si Claire na humahabol kay Gio. Huminto si Gio at nilingon sya. Ngising-ngisi naman si Claire at kaagad na isinabit ang kanyang kamay sa bisig ni Gio na para bang sanay sya at napaka normal lang na gawin nya 'yon. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko habang pinagmamasdan sila.


"Bilis mo." She said, nakatawa.


Lumipad ang tingin ni Gio sa akin. Nang makita nya ang nakakunot kong noo ay kaagad nyang tinapik ang kamay ni Claire. Ngumuso si Claire at umiling-iling pagkatapos ay ibalik muli ang kamay nya doon.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now