Chapter 19

172 14 0
                                    

Chapter 19

Truth or Drink


Tinalikuran ako ni Gio at naiwan naman akong tulala doon at nanghihina. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang malakas ng kabog nito. Ilang sandali pa ay nagtungo ako sa sink para magmumog at maghilamos para naman kahit papaano ay mahimasmasan ako. Pagkatapos noon ay lumabas nadin ako ng Ladies room. Kaagad na nagtagpo ang mga mata namin ni Matteo. Tumayo sya pagkatapos ay hinawakan ang pisnge ko gamit ang dalawa nyang maiinit na palad.


"Are you okay?" Nagaalalang tanung nya sa akin.

Tumungo-tungo ako. "Yes. Oo naman."

"Do you want to go home? Para makapag pahinga kana." Tanung nya.


Tumungo-tungo ako at pumayag na dahil 'yun naman talaga ang gusto kong gawin. Will all the things that's happening today at sa lahat ng mga bagay na gumugulo sa isip ko ngayon ay gusto ko nalang talagang magpahinga.


Nagpaalam si Matteo sa kanila na uuwi na kami pero kaagad na nagreact si Matias at Tadeo na ngayon ay may katabi na namang mga babae. Hindi ko alam kung saan nila ito nakuha, malamang ay dito lang din sa bar.


"What? Uuwi kaagad? Huwag muna! Maaga pa." Ani ni Tadeo at sinabit ang kanyang kamay sa maputi at makinis na balikat ng babaeng katabi nya.

"I'm sorry but I think Ana's tired." Sabi naman ni Matteo.

"Atleast, let's play one more game bago kayo umuwi. Nagorder pa ako ng maraming alak. Kung uuwi kayo, sino ang katulong namin na umubos nito? Sayang naman." Ani ni Matias.

"Matias is right. Maaga pa. Magaalas dose palang, oh. Come on.." Sabi ni Tadeo.


May sinabi pa si Matteo sa kanila pero halatang hindi na sila nakikinig. Abala na si Matias sa pagbulong sa tenga nang babaeng humahagikhik sa tabi nya. Binalingan ko ng tingin si Matteo na nalalaglag ang tingin sa akin. I can see that he doesn't want to go home yet. Kitang-kita ko kung paano nya na-eenjoy ang company ni Tadeo at Matias. They have something in common though; swimming.


"It's okay. Pag ubos na ang lahat ng drinks, tsaka nalang tayo umuwi. Nakakahiya sa din kasi sa kanila." Bulong ko.

"Are you sure?" tanung nya sa akin.

Tumungo-tungo ako sa kanya at muling umupo sa sofa.

"Julio! Shot ka muna, pare!" inabot ni Matias kay Julio ang isang bote ng beer at nakita kong kinuha nya naman ito. Matamang nakatingin si Adella sa kanya habang pinapanuod nito kung paano dire-diretsyong tunggain ni Julio ang beer hanggang sa maubos ang laman nito.

"Tama na 'yan, ha? Mag da-drive ka pa pauwi." Paalala nya.

Umayos ng pagkakaupo si Tadeo pagkatapos ay ngumusi. "Okay. So ano, game na?"

"What game?" tanung ni Julio.

"Truth or Dare!"

Humagalpak ng tawa si Matias. "What the fuck, dude! Hindi ka pa ba nagsasawa sa game na 'yan?" Aniya.

Naiilang akong ngumiti. I don't want to play that game either. Wala kasing ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagsasayaw ko sa harapan ni Gio ng dahil sa larong 'yan.

"Eh, ano bang gusto nyong laro? 'Yun lang naman ang larong hindi tayo mapapagod."

"Huwag na truth or dare. Nakakapagod at nakakatamad magisip at tumayo para gumawa ng dare. Truth or drink nalang." Ani ni Matias.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now