Chapter 36

173 11 0
                                    

Chapter 36

Date


"Kuya!" Mabilis ang naging pagpasok ni Adella sa loob nang bahay at kaagad na niyakap ang kapatid nyang si Kuya Roger. Pinanuod ko silang nagyakapan doon. Nang bumaling sya sa akin nang tingin ay kaagad syang naglahad ng bisig. Nakangisi akong nilapitan sya para yakapin din.


"Dalagang-dalaga kana." Ani nya sa akin. Ngumiti ako at pinagmasdan syang mabuti. Kamukhang-kamukha sya ni Adella lalo na ang kanyang mga mata at labi. Mas tumangkad ata sya ngayon at lalong nangintab ang kanyang kayumangging kulay dahil sa palaging pagbibilad sa araw.


"Nga pala, si Grace. Nobya ko." Aniya. Nakita ko ang paghapit nya sa beywang sa isang babaeng mas maliit sa amin ni Adella. Petite sya at maganda. Hanggang beywang ang kanyang mahaba at itim na itim na buhok at lalo syang nagmumukhang maputi lalo na't natatabi sa pinsan kong si Roger.

"Magandang araw po," Nahihiyang sabi nya. Tinitigan ko syang mabuti at nakita ko ang pagmumula ng kanyang pisnge. Ay hala. Grabe. Nakabingwit ng maganda ang pinsan ko.

"Hello. Ako si Adella. Kapatid ni Kuya Roger. Ito naman si Ana, pinsan namin." Naglahad ng kamay sa Adella sa kanya at mahinhin nya naman itong tinanggap.

"Kumusta po. Hello..." Aniya at bumaling sa akin. Ngumiti ako at naglahad din nang kamay.

"Hello..." Sabi ko.

"Galing sa Manila yan si Ana, tulad mo noon." Ani ni Roger.

Kaagad na lumipad ang tingin ko kay Grace. "Taga Manila ka rin pala?"


"Oo. Isang taon na din ako dito. Nagbakasyon lang kami ni Mama dito pero di kalaunan ay nagustuhan ko nadin na dito na manirahan. Sagana kasi dito sa probinsya at mababait ang mga tao. Hindi katulad sa Manila na magulo." Ngumiti sya sa akin at inipit sa gilid ng kanyang tainga ang buhok nyang nagsasayaw sa kanyang bawat galaw.

"Mabuti at... nagustuhan mo rito." Sabi ko at may kung anong naglalaro sa aking isip.

"Noong una ay hindi talaga. Palagi akong umiiyak kay Mama dahil gusto kong umuwi sa Manila. Pero ewan ko kong anong mayroon sa probinsyang ito. Di kalaunan ay ayaw ko na itong iwan, tapos nakilala ko pa itong si Roger... mas lalong ayaw ko nang umalis." Aniya.

"Supportive naman ang mama nya at pinayagan syang manatili. Nakatira sya sa tiya nya at katulong sa pagbabantay ng maliit nilang tindahan." Singit ni Roger.


Mabagal akong tumungo-tungo. So, it works for her and I hope for me, too. Parehas kasi kami, noong una ay ayaw ko din talaga dito. Isinusuka ko ang pagpunta namin dito pero ngayon ay iba na ang lahat. Ang bilis na bumaliktad nang mundo ko nang makilala ko si Gio dahil ayaw ko nang umalis. Gusto ko na ding manatili para sa kanya. Nababaliw na nga ata ako dahil kong ano-ano nang naiisip ko para lang hindi kami magkahiwalay. I even considering talking to my parents about this. Gusto kong magpaalam sa kanila, kong papayag sila....


Masayang-masaya sina Lolo at Lola dahil gustong-gusto nila si Grace para sa pinsan kong si Kuya Roger at halatang-halata naman 'yon. Talagang nagluto pa sina Mama at Lola nang masarap na mga pagkain para kay Grace. Si Lolo na madalas sinusumpong nang pagkamasungit ay nangingiti at masaganang kumakain nang hindi na kailangang pilitin. Narito rin kasi si Roger, ang paborito nyang apo.


"Hija, saan ba kayo nagkakilala ng apo ko? Pasensya kana sa amin, ngayon lang kasi yan nagpakilala nang nobya dito. Noong nasabi nga na dadalhin ka nya ay gulat na gulat kami. Mahiyain naman kasi 'tong si Roger at hindi namin akalain na magkakaroon sya ng nobya na kasing ganda mo." Ani agad ni Lola nang nasa hapag kami at sabay-sabay na kumakain ng almusal.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now