Chapter 44

624 21 27
                                    


Chapter 44

Half-brother


Nang buksan ko ang pintuan nang aking kwarto at kaagad akong niyakap nang mga ala-ala na mayroon ako dito noon. Tatlong buwan lang naman akong nawala. Pero parang ang tagal-tagal. Pakiramdam ko ay taon na ang lumipas. Ang lugar na ito na pamilyar na pamilyar sa akin noon ay para bang estranghero na ngayon. Hindi na ito ang hinahanap-hanap ko. Hinahanap ko ang mga bulubundikin at patag sa Central. Nangungulila ako doon.


Umupo ako sa aking malambot na kama at hinaplos 'yon. Noong mga unang buwan ko sa Central ay ito ang talagang hinahanap-hanap ko dahil palagi akong gumigising sa masakit na likuran kada umaga dahil sa matigas kong higaan. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kong ilang ulit kong pinagdasal na mahiga ulit dito. But it's different now. This doesn't excite me anymore.


Nagbalik ako sa sarili nang marinig ang mahihinang katok sa aking pintuan. Lumangitngit 'yon nang bumukas at pumasok si Papa tulak-tulak ang aking maleta. Tipid lang akong ngumiti sa kanya nang suyurin nya ako nang tingin.


"Malinis na itong kwarto mo dahil palagi ko naman itong pinapalinisan kay Manang Kuring noong mga panahong nasa probinsya kayo. Mga isang beses sa isang linggo ay nalilinisan ito." Aniya.

Tumungo-tungo lang ako. "Salamat po. Mukhang malinis na nga. Aayusin ko nalang po ang maleta ko."

"Anak..." Aniya sa akin. Nagangat naman ako ng tingin sa kanya.

"Po?"

"Galit ka ba kay Papa?" tanong nya sa akin. I tensed up at kaagad na nagiwas nang tingin. No. Hindi naman ako galit. Wala naman ako sa posisyon na magaling. Ako ang mali. Alam ko 'yon at tanggap ko 'yon. Bakit ako magagalit? Dapat nga ay sila pa ang magalit sa akin.

"Hindi po, Pa. Hinding-hindi po ako magagalit sa inyo." Sagot ko pero hindi paring makatingin. Naramdaman ko ang pagkilos ni Papa at paglubog nang gilid ko. Umupo sya doon.

"Alam mo naman na mahal na mahal ka namin ni Mama mo at ginagawa lang namin ang lahat ng ito para sayo, hindi ba? Kahit ano anak... Kahit na anong gusto mo... Ayos lang sa amin nang mama mo. Huwag lang ito, ha? Huwag lang ang lalaking 'yon." Tugon nya sa akin at hinaplos ang likuran ko. Hindi ako sumagot at kaagad na lumukot ang aking labi. Naginit ang mga mata ko pero kaagad din akong kumurap-kurap para maibsan ang luhang nagbabadya doon.

"Sa susunod na linggo na ang pasukan ninyo at huli kana sa enrollment. Bukas na bukas din ay pumunta kana sa University para makapag enroll. Gusto mo ba na pasamahan kita sa mama mo?" tanong nya.

Umiling-iling na ako. "Hindi na po, Pa. Kahit ako nalang po magisa. Kaya ko naman po." Sabi ko.

Tumungo-tungo sya. "Oh. Sige. Magpahinga kana. Nagluluto ang mama mo nang hapunan. Bumaba kana maya-maya." Aniya at umalis na.


Nang makalabas si Papa nang aking kwarto ay binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama at pumikit. Kahit ano wag lang si Gio? Imposible ata 'yon. Pakiramdam ko kasi ngayon ay wala na akong ibang nanaisin pa kundi sya. Because fuck, I love him. I damn love him kahit na sinaktan nya ako nang sobra.


Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Magulo ang naging panaginip ko. Parang nakikita ko ang mga flashback sa lahat nang nangyari sa akin sa Central nitong nakalipas na tatlong buwan. I saw Gio. He's holding my hand and he's laughing. Nakatawa ang mukha nya habang ako ay pinapanuod lang sya. Para bang kinakabisa ko ang bawat detalye nang perpekto nyang mukha. I am not sure if I will be able to see that again so I want to memorized everything. Every detail. Even the smallest. When I woke up, I was crying. Pinunas ko ang mga natuyong luha sa mga mata ko at nanlumo.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now