Chapter 28

234 17 1
                                    

WARNING: SPG!

----


Chapter 28

Be my Girlfriend


Pinanuod ko syang naglakad papunta sa kusina at kumuha ng pitsel sa refrigerator. Nagsalin sya sa baso pagkatapos ay diretsyong ininom 'yon. Hindi ako nagsalita at tinitignan lang sya hanggang sa tignan nya rin ako. Nakita ko ang paglalaro ng ngiti sa mga labi nya nang makita ang nakasimangot kong mukha. Humilig sya doon sa sink habang nilalaro ang mababasaging baso sa kanan nyang kamay.


"Two things." He started. Ngumuso sya at pinilig ang kanyang ulo "I'm sorry and I'm jealous." Napapaos ang boses nya at malamlam ito.


Hindi ako sumagot at nagiwas lang ng tingin. Jealous? Saan naman sya magseselos? Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay pagkatapos ay bumuntong-hininga. Nawala na nga ang lasing ko kanina dahil sa presensya ni Gio.


"J-jealous" Ulit ko.

"I saw the picture of you and Matias. And I saw... the video."

"Video? Anong video?" Nagtatakang tanong ko.

"Tadeo sent me a video. You and that fucker--"

"Maximo?" Sabi ko kaagad. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Kaya ka biglang pumunta dito? I thought you're busy?"

Umirap sya sa akin. "I drove all the way here the moment I saw that fucking video." Aniya. Inilapag nya ang basong hawak nya sa sink pagkatapos ay naglakad papunta doon sa sofa. Sinundan ko sya ng tingin at iginala ang tingin ko sa paligid.


This condominium is huge kahit na wala masyadong gamit. Kulay abo at puti ang pintura sa mga pader. Mayroong malaking TV, may gray na sofa, may dining table at iilang mga abstract painting na nakasabit. Ayon lang. Walang buhay ang condo na ito pero malinis at maayos naman.


Binalingan ko sya ng tingin na magarbong ibinagsak ang kanyang sarili sa sofa.


"Kaninong--"

"This place is mine." He cuts me off.

"I didn't know." Umiling ako.

"Dito talaga ako nakatira."

"I thought sa Camerion ka rin nakatira? Hindi ba't may mansion kayo doon?"

"Hindi ako madalas umuuwi doon. Dito talaga ako umuuwi."

"Why?" tanong ko, tunog chismosa.

"I just started going home in there because you're there." Matama nyang sabi.

"Huh?"

"Umuuwi lang ako sa Camerion dahil taga doon ka rin." Malinaw na sinabi nya.


Hindi ako sumagot dahil hindi ako makapaniwala. Is this guy serious? Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya sa akin ngayon. Ngumisi sya nang makita ang pagpula ng aking pisngi. He shifted in his position at naglahad ng kamay sa akin.


"Come here." Aniya.


Hindi manlang ako nagalinlangan. My marupok self automatically consumes me at kaagad akong nagpatinaod sa kanya. Umupo ako sa sofa katabi nya at naramdaman ko kaagad ang mainit nyang presensya. Nang magdikit ang braso namin ay kaagad kong naramdaman ang pagdaloy ng ilang boltahe ng kuryente galing sa kanya papunta sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hanggang ngayon ay hindi ko pading mahinuha kong anong klase at kung gaaano kalakas na attraction ba ang nararamdaman ko kay Gio for my system to react like this with just a simple swift of touch.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now