Chapter 16
Respect
"Matteo." Gulat na sambit ko. Kaagad akong lumakad palapit sa kanya. Hindi sya kaagad kumilos pagkatapos ay binalingan ng tingin ang kotse ni Gio. Nagpabalik-balik ang tingin nya sa akin at doon. Nang makarating ako sa harapan nya ay kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Who's that?" tanung nya sa akin.
Umiling-iling ako at lumunok.
"A f-friend. Hinatid nya ako kasi.. sobrang lakas ng ulan kanina at wala akong masakyan." I lied.
"Hindi ba sya bababa?" tanung nya ulit.
"Hindi. Hindi Matt." Sabi ko at hinuli ang kanyang mga tingin pero tumatagos ang tingin nya sa kotse ni Gio na hanggang ngayon ay nasa likuran ko parin at hindi umaalis. Sa sobrang kaba ko at sa kagustuhan kong hindi na 'yun pansinin ni Matt ay hinawakan ko ang magkabila nyang pisnge at madiing nilapatan ng halik ang kanyang mga labi. Naramdaman ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko. Natitigilan sya doon pero di rin kinalaunan ay naramdaman ko na ang pagyapos nya sa akin at ang paghalik nya pabalik.
"I miss you." Ngumiti sya at niyakap ako. Niyakap ko sya pabalik kasunod ng narinig kong malakas na pagbusina at ang walang pakundangang pagharurot ni Gio ng kanyang sasakyan.
Tsaka lang ako nakahinga ng maayos ng mawala na sya sa paningin ko. Inakay ko papasok si Matt sa loob ng aming bahay. Buhat-buhat nya ang kanyang malaking bag at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ni mama ng lumabas sya galing sa kusina.
"Matt?!" Bulalas nya at kaagad na sinalubong si Matt ng yakap. Ibinaba ni Matt ang dala nyang bag at niyakap din pabalik si Mama at humalik sa pisnge nito.
"Kumusta po, tita? Salamat at pumayag po kayong mag stay ako dito ng isang linggo para makasama si Ana." Aniya at hinawakan ang kamay ko. Tipid akong ngumiti at hindi maintindihan ang mabigat na pakiramdam na nakadagan sa dibdib ko. Muli akong bumaling ng tingin sa labas at naprapraning na baka bumalik si Gio doon. Pero wala sya.
"Nako.. No problem, hijo! Noong tinawagan mo nga kami at sinabi mong dadalaw ka at sobrang saya namin ng Tito Leandro mo! Sa linggo pa ang uwi nya dito at sigurado akong matutuwa 'yun na andito ka!" Ani ni mama.
"Salamat talaga tita." Ngumiti si Matt at tinignan ako. Nang makita nyang nakatingin ako sa labas ay kinurot nya ang pisnge ko. Tinignan ko sya. Nagsalubong ang kilay nya sa akin at ngumuso.
"Are you okay?" He asked.
Tumungo-tungo ako at humalik sa kanyang pisnge.
Pinakilala ko si Matt kila Lolo at Lola at halata sa kanila na gustong-gusto nila ito lalo na ng ibigay ni Matt ang mga pasalubong nito para sa kanila. Si Miggy na natutulog sa kwarto ay nagising at nagsisisigaw ng malaman nyang narito ang kanyang paboritong kuya Matt. Inilabas ni Matt ang sandamukal na chocolates at laruan para kay Miggy. Tuwang-tuwa naman si Miggy at nakakalong pa ito sa kanyang kanlungan. He really likes to spoil Miggy so much.
Kinalaunan ay dumating na si Adella. Ako kaagad ang hinanap ng mga mata nya pero nang makita nyang nakaupo si Matt sa sofa ay natigilan sya at napatitig dito. Lumabas ako galing kwarto dahil nagpalit ako ng damit. Nang magsalubong ang tingin namin ay nakita ko ang malaki nyang ngisi nya sa akin.
"Adella. Si Matteo. Boyfriend ko. Matt, si Adella. Pinsan ko." Sabi ko.
Sandaling ibinaba ni Matteo si Miggy pagkatapos ay tumayo at naglahad ng kamay kay Adella. Tinanggap naman ni Adella 'yun at ngumiti.

YOU ARE READING
I know what you did last Summer
RomanceI know what Ana did that Summer; She went to Central, she fall out of love, she fell in love again, she risk it all and she got betrayed. It's just three months pero mabilis na nagbago ang buhay nya. She fell in love with this mysterious and so dam...