Chapter 15
Basa
"Hindi ka naman mahihirapan kasi marunong ka naman gumamit ng computer. Isa pa, bawat items kapag iniscan mo, may price na lalabas at total. Kapag cash out naman ang pinindot mo awtomatikong bubukas ang cash box. Tapos makikita mo kung magkano ang kailangan mong isukli." Sabi ni Adella sa akin. Tumungo-tungo ako sa kanya at pinagmasdang mabuti kung paano nya 'yun gawin para maipakita sa akin.
"Madali lang pala."
"Madali lang. Ako nga na hindi naman nakatapos ay nakabisa ko kaagad. Ikaw pa kaya." Malungkot syang ngumiti.
Tinignan ko sya ng dahil doon. "Nakatapos ka ng highschool. Wala ka nang balak mag college?"
"Mayroon. Kahit sa CCCC lang sana. Ang kaso, katulad ng sinabi ko sayo, kailangan kong magtrabaho para matulungan si mama sa pagbabayad namin ng utang. Matatapos na ang kontrata ni Mama sa Switzerland dalawang buwan muna ngayon at uuwi na sya rito. Sa dalawang taon nya sa Switzerland ay hindi pa ubos ang mga utang namin. Kailangan ko mag doble kayod."
"Sigurado akong makakapag aral ka rin, Adella. Huwag kang magalala."
"Sa totoo lang, gusto ni Julio na pagaralin ako." Panimula nya.
"What? Talaga?"
"Oo. Ang kaso, tumanggi ako. Ayaw kong isipin nya na minahal ko sya ng dahil lang sa pera nya. Isa pa, mag nobyo palang kaming dalawa. Hindi maganda tignan na gumagastos sya ng pera sa akin. Tsaka kapag nalaman ito nila Lolo at Lola lalo na si Mama ay baka magalit sila sa akin. Kaya ako nalang mismo ang gagawa ng paraan. Magtratrabaho ako ng maigi at magiipon para makapag aral." Aniya.
Ngumiti ako at namangha sa kanya. Sure, inaamin ko sa sarili ko na I am very blessed that I have been given the privileged na makapag aral at hindi problemahin ang mga ganitong bahay. Hindi katulad ni Adella. Hindi naman kami mayaman pero hindi ko naman naranasan ang maghirap sa buhay na tipong kailangan kong huminto sa pagaaral. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naisip ang mga sakripisyong ginagawa ng magulang ko para sa aming dalawa ni Miggy. Naguilty tuloy ako dahil puro sakit ng ulo ang ibinibigay ko sa kanila. Sa tinagal-tagal ko ata dito sa Central ay napakarami kong aral na natututunan sa buhay.
Lumapit si Adella at inayos ang kwelyo ng gray na polo shirt na suot ko. Ito kasi ang uniforme namin.
"Masyado atang maiksi ang palda mo." Pagiiba nya sa usapan. Na conscious ako bigla kaya naman hinila ko pababa ang itim kong palda.
"Wala na kasing ibang size. Ito nalang ang meron kaya pinagtyagaan ko na." Sabi ko.
"Puwede naman na hindi ka muna kumuha ng palda. Kahit slocks na itim ay puwede na. Kung naiiksian ka dito, o hindi ka komportable, pwede mong hiramin ang isang pares ko sa bahay."
Tumungo-tungo ako. "Puwede pala 'yun. Sayang naman. 350 din ang pares ng uniforme na ito. Dalawang kaltas din 'to sa sahod ko." Kumento ko.
"Ayos lang 'yun. Seksi ka naman." Ngumiti sya sa akin. "Nga pala, malakas ang shop ngayon dahil summer at madaming turista. Minsan, kapag sabay-sabay ang tao nahihirapan ako i-accommodate silang lahat kaya naman mabuti nalang at andito kana." Aniya at naglakad sa mga stante doon at magsimulang magpunas. "Hindi naman mahigpit ang amo natin. Kapag walang tao katulad nito pupwede ka namang magpahinga o mag cellphone." Aniya.
Nanlaki ang mata ko. "May signal dito?" sabi ko.
Tumungo-tungo sya. "Meron. Kaya kapag narito ako sa trabaho, kapag wala tao o di kaya kapag walang ginagawa ay natatawagan ako ni Julio." Nakita ko ang pagpula ng pisnge nya.

YOU ARE READING
I know what you did last Summer
RomanceI know what Ana did that Summer; She went to Central, she fall out of love, she fell in love again, she risk it all and she got betrayed. It's just three months pero mabilis na nagbago ang buhay nya. She fell in love with this mysterious and so dam...