Chapter 34
Dinner
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin pa sa pamilya ko ang tungkol kay Gio nang dahil sa naging usapan namin ni Adella. Tama sya. Dalawang linggo nalang at mag tatatlong buwan na ako dito sa Camerion. Darating na si Tita galing sa Switzerland kaya nalalapit na din ang araw ng paguwi namin. Hindi ko manlang namalayan. Nawala na sa isip ko na hindi nga pala kami mananatili dito. Eventually, kailangan din naming umalis.
"Ano nang plano mo?" tanong ni Adella sa akin habang nagpupunas kami dito sa shop. Bumuntong-hininga nalang ako. Tanong ko rin kasi yan sa sarili ko. Noon ay siguradong-sigurado naman ako. Pero ngayon, hindi ko na alam. Naguguluhan na din ako.
"Hindi ko alam, Adella. Susubukan kong kausapin sila mama. Baka puwedeng dito nalang ako." Sabi ko.
Kaagad syang napatingin sa akin ng dahil doon. "Ano?!"
"I want to stay." Tinignan ko sya. "I want to stay for Gio."
"Nababaliw ka na ba? Paano na ang pagaaral mo?"
"Puwede naman akong dito nalang sa Camerion mag-aral. Si Gio, Sa CCCU nagaaral sa bayan. Baka puwede ako doon. Kakausapin ko sila mama."
"Tingin mo papayag sila? Second year college kana sa pasukan. Tapos biglang magta-transfer ka? Tingin mo ma cre-credit ang lahat ng subjects mo? Babalik ka sa umpisa!" Aniya.
"T-tingin mo... kaya ni Gio ang long distance?" Tinignan ko sya.
"Si Gio kaya... pero ikaw, sa tingin ko, hindi." Umiling-iling si Adella sa akin.
"Anong... gagawin ko?" Sabi ko.
"Nasabi mo na ba yan kay Gio?"
Umiling-iling ako.
"Hindi pa. Isa pa, hindi naman kasi alam ni Gio na tatlong buwan lang ako dito sa Camerion." Sagot ko.
"Ano? Hindi mo ba sinabi sa kanya?"
"Hindi. Hindi din naman kasi namin napaguusapan. At sa totoo lang, nawala na talaga sa isip ko. Noon, gustong-gusto ko na talagang umuwi. Pero ngayon, ayaw ko na. Ayaw ko na talaga Adella. Naiisip ko, it's either I'll stay o sasama si Gio sa akin." Sagot ko.
Humalukipkip ako doon sa isang sulok at nagisip. Hindi ko alam kong bakit ang sakit isipin ko palang naiiwan ko si Gio dito. Ano ba ang ginawa sa akin ni Gio at sa maiksing panahon ay minahal ko na kaagad sya ng ganito? Hindi ko alam!
Nalunod na ako sa lahat ng mga iniisip ko at hindi ko namalayan na tanghalian na pala. Inilabas ni Adella ang baunan namin dahil may mga baon kaming tirang pagkain kahapon galing sa birthday ni Papa. Kumakain kaming dalawa ng mapatingin ako sa labas at nakita ang isang matangkad na lalaking nakadungaw sa amin. Kumunot ang noo ko at napansin na nakatingin sya sa akin ng diretsyo. Kinalabit ko kaagad si Adella.
"Costumer ata." Sabi ko.
Nagbikit-balikat sya.
"May nakasulat sa labas na break. Hayaan mo syang maghintay." Aniya.
Tumungo-tungo nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Nagpatuloy kami sa pagkain ni Adella. Nang mag ala-una na ay muli na kaming nagbukas ng shop. Nakita kong muli ang lalaking 'yon sa harap ng pinto kaya naman lumabas ako at ningitian sya.

YOU ARE READING
I know what you did last Summer
RomanceI know what Ana did that Summer; She went to Central, she fall out of love, she fell in love again, she risk it all and she got betrayed. It's just three months pero mabilis na nagbago ang buhay nya. She fell in love with this mysterious and so dam...