Chapter 20

182 13 0
                                    

Chapter 20

Mahal Kita

"Matteo.. Babe.. Please.." Nanginig ang boses ko at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kitang-kita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang namumula sa galit na mga mata ni Matteo. I never seen him this mad before, ngayon lang.

"Don't call me babe and answer my damn question! Are you cheating on me?!" Matigas na tanung nya. Hindi ko na alintana pa ang mga pagsinghap ng tao pati na ang mga matang nakatingin sa amin habang pinapanuod kami dito. That's the last thing I'm concern about. Lumipad ang kamay ko saking bibig pagkatapos ay umiling-iling.

"Hindi! Hindi!" Sagot ko.

Nakita ko ang tikhim ng sarkastikong pagtawa ni Matteo. "Hindi?" He hissed. "Eh, anong ibig sabihin ng lahat ng nabasa ko, Ana? Ano 'yun? You two were obviously flirting with each other! Kaya ba ayaw mong ipakita kanina kung sino ang huling nagtext sayo? Because while you are with me, nakikipag text ka pala sa gagong 'to! And you know what? Now, I get it! Kaya pala palagi syang nakatingin sayo. Kaya pala palaging double meaning ang mga sagot nya sa mga tanung kanina. Akala mob a hindi ko napapansin ang mga malalagkit nyong mga tiningan? Fuck!" Sigaw nya na dumagundong sa buong bar.

"Matteo.. Hindi.." Humikbi ako. Isa-isang nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata ko sa takot at guilt. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag sa kanya. I want to explain my side pero ang hirap. Ang hirap kasi, kahit ako ay gulong-gulo ngayon. Kahit ako ay naguguluhan din sa kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko.

"Malandi ka! You are a flirt!" tinuro nya ako. Nanlaki ang mata ko ng dahil doon. This is the first time that Matteo said something so humiliating to me. Kahit kalian ay hindi nya ako pinagsalitaan ng ganito. Ngayon lang. Mas lalong bumaha ang luha sa mga mata ko. Nanlalabo na ang paningin ko ng dahil sa luha.

"Babe.." Humikbi ako ng humikbi. "Please.. Hear me out." Sinubukan ko syang lapitan pero umatras sya sa akin na kinabasag ng puso ko.

"No.. Magsisinungaling ka lang sa akin, Ana. I trusted you! Fuck! Nagtiwala ako sayo! So, habang wala ako dito ano bang ibang nagawa nyo na, ha? Kaya ba nung araw na 'yun sa Lubao Falls ay handa ka ng ibigay sa akin ang sarili mo? Hindi kana takot kasi nakauna na sya sayo? Ha? Putang-ina! Did you fucking spread your legs wide for this.." Lumapad ang kamay nya sa ere habang binabalingan si Gio na nagiigting na ang panga habang nakikinig sa kanya. "this fucking.. garbage!" dugtong nya.

"FUCK... YOU!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Gio. Parang sinilaban sya ng dahil doon at walang kahirap-hirap na binato si Tadeo sa sulok dahil nakahawak ito sa kanya. Nagmumura si Tadeo na hilong-hilong tumayo at hinihimas ang batok nyang nauntog sa matigas na cemento. Kaagad na sinugod ni Gio si Matteo at parehas silang natumba sa lapag. Nagpagulong-gulong sila habang nagsusuntukan at nagmumurahan. Pinalibutan sila ng mga tao sa bar na nakikiosyosho.

"Gio! Matteo! Shit!" umiyak ako ng umiyak. Lumapit si Adella sa akin at kaagad akong hinila doon sa sulok para hindi ako masaktan sa rambulan nila at sa dami ng mga alak na nabasag na.

"Tama na!" Halos maputol ang litid ko sa pagsigaw.

"Putang-ina! Nasan na ba ang mga bouncer?! Magkakapatayan na ata ang dalawang ito!" Sigaw ni Matias.

"Are you okay?" Kumunot ang noo ni Julio kay Tadeo na parang wala parin sa ulirat. Pumupungay-pungay ang mga mata nya at halos maduling-duling padin sa pagkahilo.

"Tang-ina, bro. Binalibag lang ako ni Gio ng ganoon lang." Masama pa ang loob nya.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang apat na lalaking sobrang laki ng katawan. Pinaghiwalay nila si Matteo at Gio. Hingal na hingal ang dalawa at gulo-gulo na ang kanilang buhok dahil sa pagaaway. Nangingig ako habang hawak ni Adella. I don't know what to do and I know this is all my fault. Hindi naman nakikipagaway si Matteo na ganito pero dahil sakin.. dahil sakin ay nakikipagsuntukan sya ngayon. Shit!

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now