Disclaimer: This is a work of fiction, names, characters, business, places, events, locales, and incident are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidendal.
Ella's POV
I'm tired, kakatapos ko lang mag-intro sa concert ko kaya naman andito ako ngayon sa backstage at nag-reretouch ng make-up kasama ang team.
"Close your eyes." Utos saakin habang ako ay inaayusan. Sumubo muna ako ng pizza saka ko sinunod ito. Inaayos naman ang buhok ko ng bigla ay dumating si Mommy at Aj galing sa hospital.
"OMG!" Sigaw ni mommy ng makita akong nakaayos na. "You're very pretty, my Ella." She said while smiling very proud.
Nakangiti akong tumingin kay mommy at sa likod niya na kuya ko. Si Aj.
Kuya Aj is my second brother. I have two brothers. Kuya Jace is the eldest one and I'm the youngest. Kuya Jace is a pilot-engineer while kuya Aj is a physician-engineer. Kakatapos ko lang mag-aral ng architecture, then I'm looking forward to my next course. Kadalasan sa family member namin ay dalawa ang course. Hindi ko na dapat pag-isipan ang kukunin kong course dahil buo na ang loob kong maging lawyer.
My dad's name is Eric. He's a lawyer. Idol ko siya pagdating sa court. I watched him being a lawyer so many times inside the court. He's a pure Filipino though mas kilala siya sa America.
My mom's name is Jean. She's a famous doctor. Mayroon kaming hospitals sa iba't ibang bansa. Kaya naman kilala ang aming pamilya. She's a pure korean. That's why we're half filipino and half korean.
"Hoy!" pagtawag ko kay Aj dahil wala akong magawa. "Aj!"dagdag ko pa pero hindi pa din nya ako pinapansin. Dinampot ko yung box ng pizza na nakita ko sa side table na inuupuan ko.
"Ano ba!" Sigaw nya ng binato ko siya ng box ng pizza na nadampot ko. "Papansin ka talaga, e." Inirapan nya lang ako at binalik na ulit ang atensyon sa cellphone nya.
"Bakit ang tahimik mo?"
"Bakit ang pakilamera mo?" Tanong niya pabalik. Tatayo na sana ako para sugurin siya pero dumating na si daddy.
"Oh ano nanaman yan?" Tanong ni daddy habang nakataas ang kilay. Napabalik na lang ulit ako sa inuupuan ko saka sumagot.
"Wala, dad." Walang ganang sagot ko dahil nakita ko ang nakangiting muka ni Aj.
Ako kasi ang papagalitan kapag ginamit ni Aj ang 'pavictim card' nya.
Maya-maya lang ay pumunta na ang manager ko at sinabing start na ulit ang concert. Agad naman akong tumayo at umakyat sa hagdan pataas sa stage.
"What's up Philippines!" masayang pagbati ko habang ang mga tao ay nagkakagulo.
"GABRIELLA!!"
"HIMAWARI!"Sigaw nila habang ako ay kumakanta na sinasabayan ko ng sayaw. Gabriella Yunixce Fernsby is my full name. Ang Himawari naman ay tawag ko sa mga fans ko. It means sunflower in Japan.
"Ella, Mark is calling!" excited na sabi ni mommy. Andito na ako sa backstage at nag-aayos na para umuwi. Agad kong inabot ang cellphone ko at ganon na lang ang tuwa ko ng makita ang pangalan niya.
"Mark!" halos excited kong sabi.
"How's the concert, love?" batid ko ang excitement sa boses niya at alam kong nakangiti sya.
"It's fine love, I'm so happy kasi nakita ko ulit ang himawari after a year!"
"Did you eat? I'm still waiting here at the airport! I love you!" wika niya
"Hmm ok. Kakatapos ko lang kumain. See you at airport." sagot ko naman at pinutol na ang linya. Nagpaalam na agad ako sa team ko bago umalis. Mag-aayos pa daw kasi sila, at sila na ang bahala sa mga kakailanganin ko pang gawin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fiction{completed} Gabriella Yunice Fernsby, the woman who has everything in life; happy family, prosperous life but never succeed in love. "We unexpectedly fell in love with each other, our love is just like a love story. With the titled of--" Unexpected...