CHAPTER 31

162 43 11
                                    

Davenport's POV

"Uy, okay ka lang?" Tanong ko kay Ella dahil nakatulala lang siya sa harapan at parang hindi namalayan na andito na kami sa bahay.

"Yes, were here na ba?" Lutang na tanong niya saakin.

Natawa naman ako saka tinitigan ang muka niya. "Kanina pa, babe." Nangingiting sabi ko na nagpangiwi sakanya.

"Babe." Asik niya na parang hindi gusto ang tinawag ko sakanya.

"Oh bakit, ayaw mo?" Kunyaring malungkot na tanong ko. Umiling-iling lang siya at kusang binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba. "Ang laki pala ng bahay niyo?" Namamanghang tanong niya saakin habang nakatingala sa bahay namin.

"Joson eh." Mayabang at taas-noong tugon ko at hinawakan siya sa kamay saka hinila papasok.

Agad bumungad saamin ang mga maid na nasa labas at mga driver namin. "Hala si Ms. Fernsby!" Nagugulat na sigaw ng maid namin na agad kong sinamaan ng tingin.

Hindi naman siya nabigo sa pagsigaw dahil naagaw niya ang atensyon ni Ella. "Don't mind her." Bulong ko na lang pero ngumiti lang siya saakin bago nagsalita.

"Lahat ata kayo dito, idol ako eh." Mayabang na bulong niya nagpakunot ng noo ko.

"Maliban saakin." Naiinis na bulong ko din sakanya.

Agad naman niya akong sinamaan ng tingin saka lumayo saakin at hinarap ako habang nakahalukipkip. "Hindi mo ko idol?" Kunot-noong tanong niya na dapat ay iisipin kong umaarte lang siya pero seryoso talaga siya habang nakatingin saakin.

"Hindi, kasi mahal kita. Ayii I love you, babe!" Mahinang sabi ko at lumapit sakanya para akbayin ulit siya. Umirap lang siya pero hindi na umalis sa pagkaka-akbay ko.

"Mommy?" Patanong na pagtawag ko dahil walang tao sa living room. "Sit down." Utos ko kay Ella na agad nangunot ang noo marahil ay inutusan ko nanaman siya. Pero ganoon na lang ang pagkakangiti ko ng sumunod naman.

"Ate?" Pagtawag ko ulit habanh lumilinga.

"Oh my goooddddd!!!!! Babyyy!!!!" Masayang bungad ni mommy pagkalabas ng kitchen at imbes na saakin dumeretso ay kay Ella siya yumakap.

Napatayo naman si Ella ng makita si mommy na yayakap sakanya. "Babyyy!!!! Hello!!!" Pagtawag ni mommy kay Ella na halos tumili na sabay yakap sakanya.

Iiling-iling ko naman silang tinignan habang magkayakap. Ang sarap niyong titigan. Nangiti ako sa isipin na 'yon kaya tinitigan ko lang silang dalawa.

"Ang ganda-ganda moo, babyy!!" Masaya pa din na sabi ni mommy habang titig na titig kay sa muka ni Ella.

"Hala tita, thank you po." Nahihiyang tugon niya kay Mommy.

"No, baby call me tita mommy. Hihi." Masayang suhestiyon niya na nagpangiti ulit kay Ella.

"Sure po, tita mommy." Nahihiya pa din na sabi niya habang hindi makatingin kay mommy ng deretso.

"Hihihi, ang cute mo!" Kinikilig pa din na papuri niya sa girlfriend ko na halatang naiilang.

"Ella, come here." Pagtawag ko na kay Ella na sumama nanaman ang muka. Nakasimangot siyang lumapit saakin at agad ko siyang inakbayan.

"Nasaa sila Dad?" Tanong ko kay mommy na kinikilig dahil sa ginawa ko kay Ella. Pano pa kaya kung makita niyang nahahalikan ko na si Ella. Hehe, stupid!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon