CHAPTER 35

158 37 56
                                    

Davenport's POV

"Goodnight, babe." Sabi ko kay Ella ng mahiga na siya. Tumayo ako saka siya hinarap.

"Goodnight, I love you." Nakangiting tugon niya saka humalik saaking pisngi na nagpalawak ng ngiti ko lalo.

"I love you." Sagot ko din at nagpaalam na lalabas. Tahimik akong pumasok sa guest room na tinutuluyan ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang baduy na lalaking kinaiinisan ko. "Anong ginagawa mo dito?!" Inis na sigaw ko sakanya.

Sa sobrang dami ng guest room dito ay dito pa talaga sa tinutuluyan ko siya tumuloy. "Oh, c'mon hindi ako ang may kasalanan. Si Aj ang nagpatuloy saakin dito. Para daw hindi sayang ang kuryente nila." Mahabang paliwanag niya saka nagkibit-balikat at ibinalik muli ang atensyon sa laptop niya.

"Doon ka sa sofa. Ako ang nauna sayo dito. Kaya doon ka matulog at ako dyan sa kama." Kunot-noo na utos ko sakanya saka siya tinaboy gamit ang kamay ko.

"Galit ka ba saakin, bro?" Natatawang tanong niya na agad ikinasama ng muka ko. Obvious ba, baduy? "If it's about sa magiging kasa-"

"Sinong may sabi sayong ikakasal kayo?! Sa tingin mo papayag akong makuha mo lang ng ganoon si Ella?!" Pagputol ko ng sasabihin niya. Napapamaang naman siyang tumitig saakin na tila ba nagulat.

Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sakanya. At ako naman ang nagulat ng bigla ay tumawa siya. "Kalma. Patapusin mo muna kasi ako, brother." Deretsong sabi niya saka hinarap ang mga palad saakin.

Tinaliman ko siya ng tingin na kung nakakasugat man ay kanina pa siya sugatan. "Sa tingin mo din ba
magpapakasal ako sa halos kapatid ko na?" Natatawang tanong niya at ako naman ang natigilan.

"Tsk, sa tingin mo din ba papayag ang mga kapatid ni Ella na magpakasal kami? Hindi 'no! Baka si Jace pa ngalang ang umalma ay aatras na ang kasalan. Tsh." Natatawang paliwanag niya na agad akong pinalambot.

Natulala ako sa pagkakasabi niya kaya naman hindi ako agad nakabawi. "Nung kanina, masanay ka na yinayakap ko si Ella. Im her boybestfriend, bro. Boybestfriend not fiancé, hehe." Dagdag niya pa saka humagalpak ng tawa.

Hindi ko din maiwasang matawa sa sinabi niya at paliwanag niya dahil kahit papano ay gumaan ang loob ko. "Wag na wag kang papayag sa sasabihin ng tatay mo ah." Nakangiting banta ko sakanya.

Agad naman siya sumeryoso. "Papayag ako sa gusto niya, maliban sa kasal na gusto nila para saamin ni Ella." Seryoso na nasabi niya saka lumingon muli sa laptop.

Naupo ako sa gilid ng kama habang nakangiti na sa kawalan. "By the way, sa sofa pa din ba ako matutulog?" Natatawa na nasabi niya.

"Yes. Hindi porket hindi ka sang-ayon sa plano ng dad mo, eh pwede ka ng matulog sa tabi ko. Ang pamilya at ang magiging pamilya pa lang namin ni Ella ang pwedeng tumabi saakin-"

"Ya! Hindi pa ako nakakatulog sa sofa 'no!" Naiinis na pagputol niya sa mahabang sinasabi ko.

Napangiwi naman ako. "Ngayon. Ngayon pa lang para naman may experience ka dito." Ngiti ko saka tinaboy muli siya.

"Aiishhh, susumbong kita kay Aj." Banta niya nanaman habang nakatayo na sa harap ko.

"Go ahead, I won't judge." Taas noo at mayabang na sabi ko saka nahiga.

"Aiishhh, your annoying!" Walang magawa at nagpupumadyak na sabi niya saka naupo sa sofa at tinignan ako ng pailalim.

Kunyaring umayos pa ako ng higa at fineel ang kama na iniinggit siya. Tatawa-tawa akong pumikit. "Goodnight!" Masayang sabi ko saka tuluyang pumikit.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon