Davenport's POV
Matapos ang unang araw na pagbisita ng mga Fernsby dito sa bahay ay nasundan pa 'yon ng ilang linggo. Kaya naman agad na naging close ang aming pamilya.
Sa ilang linggo na rin na 'yon ay nagpatuloy kami sa pag-aaral ni Ella. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ng architecture at si Ella ay nagsimula ng mag-aral about sa lawyer.
Nalaman kong tapos na siyang mag-aral ng culinary arts. At aaminin kong habang tumatagal ay nakikilala namin ang isa't-isa. At kung ako naman ay hindi lang si Ella ang nakikilala ko kundi ang buong pamilya niya.
Ngayong araw ay naisipan kong bumisita sa mansyon ng mga Fernsby. Dahil may isang buwan kaming pahinga dahil malapit na akong magtapos.
"Mom, pupunta muna ako sa mansyon ng mga Fernsby." Paalam ko kay mommy ng makababa ako.
"Okay, go! Pakamusta na lang ako sakanila, son." Ngiti niya sa lumapit saakin at yumakap.
Nagpaalam lang din ako kay Daddy dahil si Ate Dellrah ay may inaasikaso sa company namin kaya wala siya sa bahay.
Agad akong pumasok sa sasakyan ko saka nagmaneho na, papunta kila Ella. At ng ma'bored ako dahil sa katahimikan ng loob ng sasakyan ko ay pinindot ko ang player.
Nagulat ako ng agad na tumugtog ang gusto kong laging kinakanta kay Ella. You're still the one... Napangiti ako ng kakaumpisa pa lang nito kaya naman sinabayan ko habang nagmamaneho.
Looks like we made it....... Look how far we've come, mah babeh....We mighta took the long way....We knew we'd get there someday.... Pagkanta ko habang tumatango-tango pa at bahagyan sumasayaw habang tinatapik-tapik ang manibela.
They said.... I bet.... They'll never make it....
But just look at.... us holding on....
We're still together.... still going strong....Patuloy ko pa ngunit kakanta na sana ng chorus ng marealize ko na nakarating na ako sa harap ng masyon nila Ella kaya naman kahit nanghihinayang ay pinatay ko na ang player kasabay ng pagpatay sa makina at agad bumaba.
"Sir." Bati ng guard na nagbabantay sa harap ng mansyon nila at sumaludo pa saakin. Ngiti lang ang sinagot ko at agad na dumeretso papasok.
Panay ang bati ng mga maid na makakakita saakin at panay lang ang tango ko sakanila. "Oh, Deyb... Alam ba nila na pupunta ka?" Agad na bungad saakin ni Manang Emmy habang nakangiti.
Umiling naman ako saka nagsalita. "Hindi po. Wala po ba sila dito?" Nakangiti din na tanong ko.
"Ay hindi, sige na pumasok ka na at may gagawin pa ako sa labas." Sabi niya na iminuwestra pa ang daan saka tumango at lumabas.
Nakangiti naman akong pumasok at agad kong nakita si Tita na nakatayo habang nakahalukipkip sa hara ni Tito. Kunot na kunot ang noo nito kaya medyo nagtaka pa ako.
"Hi Tita, Tito..." Pagbati ko saka ngumiti ng pilit.
"Oh, Dave?" Nagugulat na sabi ni Tita at napatayo naman si Tito.
Tumango lang ako saka lumapit na sakanila at yumakap. "Si Ella po?" Nakangiting tanong ko pagkatapos bumati sa kanila pareho.
"Buti na lang pumunta ka, Dave. Nilalagnat si Ella. Nasa kwarto at puntahan mo na." Nakangiti din na sabi ni tita Jean ngunit makikita sa mga mata niya ang problema.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at tumango na lang saka nagpaalam na pupuntahan si Ella sa kwarto niya. Agad akong tumaas at pumasok sa kwarto niya na pahirapan pa bago mabuksan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Roman pour Adolescents{completed} Gabriella Yunice Fernsby, the woman who has everything in life; happy family, prosperous life but never succeed in love. "We unexpectedly fell in love with each other, our love is just like a love story. With the titled of--" Unexpected...