Ella's POV
Goodmorning Monday! Dinampot ko agad ang cellphone ko at tinignan ang mga nagchat saakin sa messenger. Puro family and relatives lang ang friend ko kaya sila lang ang pwedeng magchat. Unang-una kong nakita ang chat ng mga kaibigan ko kaya naman napangiti ako.
Nina: hi, pre! Miss youu na.. bonding tayo next time.
Alexa: Goodmorning sis! On the way on my work. Miss you na, labyuu
Maeveline: Miss youu, gala naman tayo! Libre ko hehe...
Trisha: hi lala, hindi na ako medyo makakapagchat or update sa gc natin pinapagbawalan na kaming magcellphone nila mother dear eh.
Princess: hi ella! Isang bansa na lang babalik na kami dyan! Otw sa Japan! Miss youu.
Habang nakangiti kong binasa ang isa-isang chat ng mga kaibigan kong babae ay nakita ko ang chat nila jeyem at joseph.
Jeyem: Dyan natulog si Mark Lods? Punta kayo dito laro tayo, squad...
Joseph: hi, goodmorning princess. I miss you so much, hope to see you soon!
Isa-isa ko silang nireplyan, kaya naman ng matapos ay nakita ko din ng magchat sila mom and kuya. Nasa duty na daw sila, sa sarili naming hospital. Nakita ko din ng magchat si Mark kaya lalong lumawak ang ngiti ko.
Mark: Love, goodmorning. Andito na ako sa baba. We're already eating. Papasok na sila Aj at tita. *7:45am*
Nakangiti akong bumangon at dumeretso sa comfort room. Naghilamos ako at toothbrush. Pagkalabas ko ay bumaba na ako ng hindi inaayos ang kama ko. Nakakatamad kasi,, malaki masyado. Nakita ko si Mark at daddy na naglalaro ng Ps4 sa kabilang sala. Nagtatawanan ito habang naglalaro. Lumapit ako sa kanila at nagulat pa sila saakin.
"Goodmorning, dad!" masayang bati ko sabay lapit at yumakap and humalik.
"Goodmorning, baby." nakangiti din na sabi dad. Nagngitian kami bago ako bumaling sa gilid ko. Nakaupo si dad sa single sofa habang nakapatong ang paa sa ottoman. Si mark naman ay sa malaking sofa.
"Goodmorning." sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Goodmorning, my loves." he said, at saka hinawakan ang likod ng ulo ko upang mas mapalapit ako at hinalikan sa noo. "Are you hungry?" aniya. Umiling naman ako at naupo sa tabi niya habang nanonood ng nilalaro nila. "Antayin mo ko, sasabayan kitang kumain." ngiti niya saka nagpatuloy sa paglalaro.
"Sige." tipid na sagot ko, saka binuksan ang cellphone. Nag-instagram muna ako at naisipan na magvideo. Nagvideo ako mula sa tv hanggang sa napunta kay mark at napunta kay dad, tumingin sila at ngumiti, si daddy naman ay kumaway pa. Tatawa-tawa ko itong inupload sa story ko sa Instagram at nagcaption ng "GOODMORNING Y'ALL."
"Tara, love..." anyaya ni Mark matapos nilang maglaro ni dad. "Tito, tara po sabay ka po samin bago ka magtrabaho..." kaswal na sabi Mark.
"No, kumain na kayo. Kakakain ko lang, tatrabaho na ako. Tawagin mo ko kapag gusto mong maglaro hehe!" biro ni dad kay Mark na natawa naman. "Ella, kumain ka ah. If you need anything, you can go to my office or call me on your phone..." aniya at humalik sa noo ko. Nagpaalam lang din siya kay mark bago umakyat sa opisina niya.
Nagkwentuhan kami ni Mark at biruan kaya naman hindi na naalis ang ngiti sa labi ko buong maghapon. Napagdesisyunan namin ba pumunta sa kwarto ko nang matapos namin maglunch.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela Juvenil{completed} Gabriella Yunice Fernsby, the woman who has everything in life; happy family, prosperous life but never succeed in love. "We unexpectedly fell in love with each other, our love is just like a love story. With the titled of--" Unexpected...