CHAPTER 28

149 42 11
                                    

Davenport's POV

Hindi muna ako umuwi ng bahay nang paalisin ako ni Ella. Sobrang sakit. Napakasakit lalo na ng sabihin niya ng harapan na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sakanya.

Kaya ko naman siyang antayin. Siya lang 'tong may ayaw. Umiiyak kong niliko ang manibela kung saan papunta sa bar.

Pipilitin kong makalimot para sayo, Gabriella.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko saka bumaba sa sasakyan at pumasok sa bar na parang walang nangyari. "Hello, sir... Good afternoon! Welcome to BARBara Bar!" Masayang pagbati saakin ng bakla.

Imbes na ngitian ay naiinis ko siyang tinignan saka pinakita sakanya na wala ako sa mood. Napangiwi naman siya saka ako siniringan ng tingin. "Table for 1, sir?" Pekeng ngiti na tanong niya saakin.

"Vip." Ayun lang at dumeretso na ako kung saan ang pwesto ng mga vip rooms.

"Im sorry, sir. Vip rooms are not available!" Masaya pa din na sabi niya na lalong kinainis ko.

"Stupid." Mahina ngunit sinigurado kong maririnig niya na singhal ko sakanya saka nagpatuloy sa bar counter.

"Lahat ng hard drink." Maikling utos ko ng salubungin nanaman ako ng bakla na walang ginawa kundi ang pumutak.

"Anong hard drink, sir. We have here a Business Problems Hard Drink, Family Problems Hard Drink and this one, which is our best seller... The Broken Hearted Hard Drink, sir!" Masaya at mahabang sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Are you kidding me?" Iritadong tanong ko sa mismong muka niya.

"Ay nako, sir. Hindi po ako nagbibiro. Tignan niyo po." Kuyaring takot ngunit naandoon ang pang-aasar sa tono na tanggi niya.

Naiinis kong tinapunan ng tingin ang menu nila at ganoon na lang ang pagtaas ng kilay ko ng makita ang pangalan ng mga drinks nila. Matunog akong ngumisi saka nagsalita. "Give me your best seller hard drink... The Broken Hearted Hard Drink." Natatawa at iiling-iling na utos ko sakanya.

"Yes, sir. Just wait a minute kapeng mainit, hehe." Tugon niya na sumaludo saakin saka patakbong nagtungo sa loob.

Ililibot ko na sana ang paningin ko ng bigla ay tumunog ang cellphone ko. May nagtext... Tinignan ko kung sino at ganoon na lang ang pagkasabik ko ng makita ang name ni Aj.

Aj: bro, where are you?

Dave: At the bar.

Aj: saa'ng bar yan?

Dave: BARBara Bar.

Aj: okie, thank you.

Ayun lang ngunit nagpakunot na agad ng noo ko. Bakit niya tinatanong? Pupuntahan niya kaya ako?

Ipinagdasal ko sa isip ko na sana ay maisipan niya puntahan ako dahil ang boring. Nag-iisa lang ako at halatang nag-mumukmok pa.

"Oh Dave," nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Agad ko itong nilingon saka tinignan ang kabuuan. Si Nicole...

"Nicole..." Boring na pagtawag ko sa pangalan niya.

"I think this is the unexpected again." Nakangiting sabi niya saka naupo sa tabi ko. Agad naman nangunot ang noo ko. Anong unexpected?

"Hindi 'to unexpected 'no! Samin dalawa lang ni Ella pwedeng gamitin yung salitang unexpected!" Naiinis na sigaw ko sakanya.

Bahagaya naman siyang napaatras saka tumawa. "I knew it! So crush mo nga talaga si Ella?" Nangingiting tanong niya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon