CHAPTER 22

153 45 4
                                    

Jace's POV

"Sir... according to our investigation the co-pilot and four flight attendants who were with sir Mark are still unconscious..." Nakatingin ng deretso at seryosong sabi ng kinuha kong mag-iimbestiga sa nangyari.

"Then?" Pagtatanong ko dahil parang wala na siyang ibabalita pa. "That's it?" Dagdag ko pa habang nakataas ang mga kilay. Nag-aalangan naman siyang tumango saka hindi na makatingin ng deretso sa mga mata ko.

"T-that's it, sir." Nahihiyang sabi niya. Pinatong ko ang magkabilang siko ko sa table saka tumingin sa kanya ng deretso.

Naandito ako sa opisina ni Daddy sa bahay. Si Aj lamang ang nakaka-alam na nag-iimbestiga ako about sa naging flight nila Mark. Kataka-taka ang naging flight ng mga ito at halatang gumamit pa sila ng ibang tao na papapuntahin sa ibang-bansa upang maisagawa ang plano nila.

"Okay. if you know nothing else, it's okay. But... You need to help me, alright?" Nakikiusap na sabi ko sa kanya na agad niyang tinanguan. "Have a seat." Tugon ko bago kami magsimula. Agad niya itong sinunod saka tumango saakin.

"As you can see, their flight was sudden... Right?" Pagsisimula ko ng usapin. Agad naman siyang tumango at parang nakukuha na ang gusto kong sabihin. "And his boss..." Naniningkit ang mga matang banggit ko sa boss nila Mark.

"I knew it! Sa tingin mo sir, may kinalaman yung boss nila sa flight?!" Nanlalaki ang mga matang sabi niya na nagpakunot ng noo ko. "Hahays, don't tell me di ka pa din nakakaintindi ng tagalog?!" Nagugulat na dagdag niya pa na dere-deretso.

"Don't talk to me like that." Seryosong sabi ko dahil kung kausapin niya ako ay parang tropa niya lang ang kausap niya. Marunong na akong magtagalog kaso hindi ako nakakaintindi masyado.

Napapahiya naman siyang nag-iwas muli ng tingin saka ngumiwi. "I actually can't speak deep english, hehe." Napapangiting sabi niya. Iiling-iling naman akong tumingin sa kanya saka tumango.

"Okay then. Speak in tagalog." Sabi ko na iminuwestra ang kamay ko. Bigla naman siyang napaangat ng tingin saakin saka nakangiting tumango-tango.

"So, sir sa tingin niyo may kinalaman ang boss nila?" Kalmado at nag-seseryosong tanong niya.

"Yes... And also his son." Sabi ko na nagpatango muli sa kanya. "So you think, im right?" Nag-aalangan na tanong ko.

"I think, sir. That family... Aisshh! Usap-usapan talaga na masama ang pamilya nun, sir." Iiling-iling na sabi niya na agad kong naintindihan.

"You need to find proof or..." Nag-iisip na sabi ko at nang bigla akong may naalala ay napabalikwas ako ng tayo. "Kapag nagising ang mga kasamahan ni Mark... Sila ang pwedeng maging proof natin." Naninigurong suhestiyon ko.

"Nice, sir! You did a great job!" Sabi niya na tumayo din saka ngumiti ng nakakaloko. Inilahad pa niya ang kamay saakin na para bang nakikipagnegosyo ako. Iiling-iling kong tinanggap iyon saka tumayo ng tuwid at tinignan siya ng deretso sa mga mata.

"You need to do your job... Ng tahimik at swabe, alright?" Paniniguro ko pa na agad niyang tinanguan.

"Yes, sir!" Tugon niya na sumaludo pa saka yumuko at nagpaalam.

Huminga muna ako ng malalim saka sumunod na sakanya. Agad akong sumakay ng sasakyan at pumunta sa hospital. Upang salubungin lamang ang kapatid kong hinang-hina at nagluluksa dahil sa pagkawala ni Mark. Kausap niya ang mga doctor na nakaharap sa gawi ko at si Ella ang nakatalikod.

"Im begging... Please..." Narinig kong nakikiusap na sabi ni Ella ng makalapit na ako. Agad ko siya hinawakan sa likod dahil para na siyang matutumba.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon