Ella's POV
"You must be the sun, because you are the center of my universe." Bigla ay sabi ni Davenport na ikinabigla ko.
"What?" Tanong ko sa kanya na hindi napigilan ang mag-tonong nagtataray.
Nakayuko na siya at halatang hindi alam ang sasabihin. "Hey." Kalmadong pagtawag ko na.
Matunog naman siyang ngumisi saka tumingin sa buwan. "Wag kang maging buwan, gusto ko maging araw ka. Kasi center ka ng universe ko." Natatawa ngunit bakas ang pagpapakatotoo sa mga mata.
"What are you saying, Dave?" Nagtataka na talagang tanong ko sakanya dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig niya.
"Di mo gets?" Nanghihinayang din na pagbabalik niya ng tanong saakin.
Ngumiwi naman ako saka tumango. "Nagdinner ka na ba?" Pag-iiba niya ng usapan. Kahit ako ay ayokong balikan ulit ang sinabi niya. Kung nagkakagusto man siya saakin hindi ko kayang tanggapin 'yon.
Tumitig ako sakanya nang may naaawa na tingin saka muling nilingon ang buwan. "Oy! Tinatanong kita kung nagdinner ka na!" Inis na agad na pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
Ngumiti ako saka siya deretsong tinignan. "Hindi pa. Ikaw ba?" Sagot ko at tumingin naman sa dagat na payapang umaalon.
"Hindi pa din, eh. Sabay tayo gusto mo?" Suhestiyon niya na nagpakunot ng noo ko.
"Ha?" Maang-maangan na tanong ko sa kanya.
"Alam mo ikaw, ang lakas ng pakiramdam mo kapag may nakatingin sayo, kapag merong nasunod sayo or something. Pero kapag ako na ang nagtatanong sayo para kang nabibingi." Prangkang sabi niya saakin.
"Weh, di nga?" Pang-aasar ko dahil tinatamad na akong magsalita.
"Kukuha na lang kita ng pagkain, gusto mo?" Suhestiyon niyang muli. Ngumiwi naman ako saka siya tinignan ng deretso.
"Dave..." Pagtawag ko sakanya. Matagal siya bago lumingon at tignan ako ng deretso sa mga mata.
"Ohh?" Inosenteng sagot niya.
"May gusto ka ba sakin?" Prangkang tanong ko agad dahil ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Nakita ko kung paano siya magulat at mapatingin ng deretso saakin.
"Bakit mo naman natanong?" Natatawang tanong niya ngunit bakas pa din ang pagiging seryoso.
"Just answer it. May gusto ka ba sakin?" Tanong kong muli.
Sasagot na sana siya ng bigla ay may tumawag sakanyang pangalan. "Dave!" Rinig kong boses ng babae ang tumawag. Matagal bago ko ito lingunin at natanaw ko si Dellrah.
Napagmasdan ko siya sa ilang minuto. Nakatwo-piece swimsuit siya na color white at may tuwalya sa balikat. "Uyy, Lucretius... Dinner na." Dagdag niyang muli at doon niya lang ako nilingon. Nagulat siya ng makita ako saka nahihiyang naglakad palapit saamin.
"Hala, Ms. Fernsby." Nagugulat na bungad niya habang nakabilog ang bibig.
"Yes." Nakangiting sabi ko. Ngumiti din siya at nag-aalangang bumaling sa kapatid.
"Dave..." Pagbanggit niya ng pangalan ni Dave saka ngumiti ng alanganin.
"Oh, gising na sila mommy?" Nakangiting tanong ni Dave sa ate.
"No, hindi pa nga eh. Pero tinanong ko sila sabi nila tayo na lang daw ang magdinner."
"Ohhh. Ella, sabay ka na saamin." Anyaya ni Dave saakin saka tumayo at nilahad ang kamay. Ngumiti naman ako saka tumanggi.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Dla nastolatków{completed} Gabriella Yunice Fernsby, the woman who has everything in life; happy family, prosperous life but never succeed in love. "We unexpectedly fell in love with each other, our love is just like a love story. With the titled of--" Unexpected...