Davenport's POV
Makalipas ang isang buwan....
"Uyy Dave, papicture naman kaming girls squad sayo. Sayang yung ganda namin, para sayo 'to." Kinikilig na sabi ni Jasryl saakin habang nag-aayos ako ng uniform ko.
Kakatapos lang naming magpictorial at ngayon ay nandito kami sa gymnasium. Libreng oras namin ngayon at binigay ang oras na ito upang makapag-celebrate pa kami.
Ngumiti ako sakanila na agad nilang kinakilig lalo na ni Jasryl na halos matatalon na. Natatawa akong tumango bago nagsalita. "Sure." Pagpayag ko at lumapit.
"Hoy, kuyang photographer picturan mo kami. Dalian mo!" Kinikilig at halos sigawan na ni Jas ang photographer na ikinatawa ng lahat pati ng mga nanonood saamin.
Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at iakbay sakanya 'yon ngunit ganoon na lang ang pilit na ngiti ko ng magflash na ang camera. Ang ngayong nasa isip ko na lang ay makaalis na dito ngayon dahil baka makita pa kami ni Ella.
Papunta ang pamilya ko at pamilya niya dito ngayon. Although bukas pa ang graduation ko ay ngayon kami mag cecelbrate dahil may concert bukas si Ella at alam kong hindi sila makakapunta. Makakasilip lang sila ngunit hindi nila matatapos ang graduation ko kaya napagdesisyunan namin na ngayon na lang.
"Kuya, ano ba 'yan! Bakit nakapikit ako!?" Inis na at nagtataray na tanong ni Jas sa photographer. Tinignan ko ito at ganoon na lang ang pagpigil ng tawa ko dahil nakapikit ito habang nakaawang ang labi. Para siyang tulog, hehe...
"Okay lang yan Jas. Ang ganda mo pa din naman!" Pangbubuyo ng mga kaklase kong lalaki at saka sumigaw at kunyaring kinikilig.
Iiling-iling ko silang pinagmasdan at ng tumama na ang paningin ko sa may entrance ay ganoon na lang ang pagkakangiti ko. "Babe!" Masayang sigaw ko saka naglakad papalapit sakanila.
Agad natahimik ang gymnasium na kanina lang ay parang palengke sa sobrang ingay. Masayang lumapit din si Ella kasabay ng pamilya naming dalawa. Agad niya akong niyakap na nagpaingay muli ng gymnasium.
"Sana Alll!!"
"Uyy, si Jasryl seloss!"
"Songs si Jas, nakasimangot na."
Sigaw ng mga kaklase ko na nagpatawa saamin ni Ella ng sabay. Tinignan ko ang kabuuan niya at ganoon na lang kasimple ang suot niya. Naka'camouflage pants siya at itim na fitted shirt na hanggang puson lang. At chanel ankle boot na favorite niya saka naka-messy bun ang buhok.
"You look so simple, but elegant." Ngiting sabi ko kahit na alam kong magyayabang nanaman siya.
Taas-noo niya namang pinagmasdan ang sarili saka ngumiwi at tumingin ng deretso saakin. "Simple but Elegant." Maarteng sabi niya na nakapagpatawa muli saamin. "Advance Congratulations, My Davey Babe." Malambing na sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi na nagpaingay nanaman sa mga kaklase ko.
"Corny." Natatawang sabat ni Aj na agad hinarap ni Ella at pinagkunutan ng noo.
"Whatever with the capital W." Maarte pa din na sagot sa kapatid saka pinagtaasan ito ng kilay at inirapan.
Kita ko ng magmake-face si Aj ng tumalikod muli ang kapatid na humarap sa mga kaklase ko. "Hi." Nakangiting pagbati niya sa mga nakatulala na sa muka niyang mga kaklase ko.
Ngumiti ng pagkalaki-laki si Ella saka kinawayan ang mga lalaki na nagtutulakan na. Iiling-iling naman akong bumaling sa pamilya namin. "Proud Ate here!" Sabi ni Ate Dellrah at tinaas ang kamay at kumaway-kaway.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela Juvenil{completed} Gabriella Yunice Fernsby, the woman who has everything in life; happy family, prosperous life but never succeed in love. "We unexpectedly fell in love with each other, our love is just like a love story. With the titled of--" Unexpected...