CHAPTER 20

163 48 9
                                    

Mark's POV

Pagkababa ng eroplano ay agad kaming nilapitan ng mga f.a saka sinabi saamin na kumain muna kami. Magkakasama kaming nagtungo sa food court dito sa airport na nilapagan namin.

"Ako na ang oorder. Mga pagod na kayo eh." Presinta ni Weelam. Anak siya ni Nikolaus na boss namin. Masasabi kong iba din ang pakiramdam ko sa pakikitungo nito saakin kaya medyo kinabahan ako ng malaman kong siya ang magiging piloto.

"Sige, sir. Kahit nakakahiya pagod na talaga kami." Sabat naman ni Maxyd, isa sa mga F.A na madalas tinatawag ng mga tao sa eroplano dahil nakakaakit talaga siya.

"Sure, Max." Sagot sa kanya ni sir Weelam at nakita kong kumindat pa dito.

"Uyy Mark. Ikaw ata yung magiging piloto pabalik sa Philippines." Biglang bulong ni Lanixx saakin ng makalayo si sir Weelam. Nagugulat ko naman itong nilingon at tinignan ko siya ng may hindi makapaniwalang tingin.

"Bakit? Paano nangyari 'yon?" Bulong ko din sa kanya. Ang mga kasamahan namin ay malalakas ang mga boses na nagkwekwentuhan.

Nag-aalangan naman akong tinignan ni Lanixx. "Hindi ko alam kung paano nangyari. Kahit ako at silang mga F.A ay nagtaka kasi magpapalit kayo ni Sir Weelam." Mahinang sabi niya at bakas na bakas talaga na hindi niya din maintindihan kung bakit. "Basta yung advice ko sayo, ayusin mo ang pagmamaneho at alam mo naman na hindi maaasahan yan si Sir Weelam. Ako din ang magiging co-pilot mo." Dagdag na bulong niya pa at nagulat pa ako ng biglang tumahimik ang mga F.A.

"Mark, aware ka ba na biglaan 'tong flight?" Nakikisaling tanong ni Maxyd. Agad naman kumunot ang noo ko saka tumango. "Alright... Aware ka din ba na kaming mga kasama mo ay ang pinaka-ayaw ng boss natin?" Dagdag pa ni Maxyd.

Hindi ko alam bakit biglang may umusbong na kaba sa dibdib ko. Para akong maiiyak sa naiisip ko. "A-anong.... i-ibig.... 'niyong sabihin?" Utal-utal na sagot ko sa kanya dahil hindi na talaga maganda ang naiisip ko.

"Nothing. Basta Mark, sayo nakasalalay ang buhay nating pare-pareho. Try your best... Mark." Ngiti saakin ni Lanixx na halata naman na pinapalakas lang ang loob ko.

"Just... Just straight to the point! Ano bang sinasabi niyo?!" Nanginginig na at hindi ko namalayan na tumaas na pala ang boses ko.

"I don't know. Sa pagkakaalam ko ay may pinaplano si sir Nikolaus at kasabwat ang anak niyang si sir Weelam-" hindi na natapos ni Lanixx ang sasabihin dahil narinig kong sumabat si Weelam.

"Pinag-uusapan niyo ko? Nawala lang ako ng saglit ganyan na kayo. Tsk tsk!" Iiling-iling na sabat niya at inilapag ang mga pagkain na inorder niya. "Kumain na kayo. Aalis na tayo mamaya ulit." Nakangiting dagdag nanaman ni Weelam.

Hindi ko mapigilan na magtiim-bagang habang panay ang salita niya. Halo-halo na ang mga naiisip ko pati na rin ang emosyon ko ay hindi ko na maintindihan. Bigla lang akong bumalik muli sa sarili ng mag-ring ang cellphone ni Weelam at magpaalam siya na sandali lang.

Hindi ko na matignan ng deretso sa mga mata ang mga F.A dahil puro pag-aalala na ang makikita sa mga mata nila. Katapusan ko na ba? Mahal ko pa pamilya ko. Anong gagawin ko! Maiiwan ko agad si Ella. Papakasalan ko pa siya eh! Damn, Nikolaus!

"Ahmm, Mark. Your professional naman diba? Kasi may aayusin ako dito ngayon sa Airport." Bigla ay sabi saakin ni Sir Weelam nang makabalik siyang muli. Mukang alam ko na ang sunod nitong pakiusap. "You will be the pilot on you guys, next trip." Natatawa pang dagdag nito na nagpabago ng emosyon ko dahil parang iba ang ipinapahiwatig niya. "So, Lanixx will be your co-pilot. I think kaya nasama sa flight si Lanixx just because you need him." Tatawa-tawa at iiling-iling na dagdag niya pa.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon