CHAPTER 11

213 77 16
                                    

Mark's POV

It's already 4am... Inaantay ko pa kung approve ba ang naging request ko. May nakahandang surprise kay ella sa boracay. Kahapon ko pa napagisipan ito kaya naman pagod na pagod ako. Hindi na ako natulog kagabi at ngayon kailangan kong pumikit muna dahil uuwi ako sa bahay at baka mapagalitan ako.

Nang makita nila tita yung itsura ko kahapon ay nagalala sila kaya naman sinabi ko ang magiging plano ko. Nakita ko ng maging masigla ang muka nila matapos nun at si tita naman ay maluha-luha, at hindi na ako magugulat dahil expect ko na magiging ganoon ang reaction ni tita.

Pinaprivate ko muna ang boracay at iyon ang inaantay ko dahil tatawag pa daw sila. Naging excited ang staff ng sabihin ko ang pangalan ko at pangalan ng pamilya ni Ella. Mamayang hapon kami aalis dahil panigurado naman na gabi na kami makakarating doon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Chineck ko ang phone ko at madaming missed call, nakaligtaan kong sagutin ang boracay! Kaya naman dali-dali ko itong tinawagan.

"Hello, goodmorning..." panimula ko. "Si mark ito, okay ba kung magiging private panandaliaan ang Boracay?" sabi ko na nagdadasal na maaprove.

"Yes po, sir. Pwede po kayong magstay dito, hangga't gusto niyo daw po. Tutulungan din po namin kayo sa sorpresa ninyo..." batid kong nakangiting aniya.

"Ahh! Thank you so much po!" sinserong sabi ko.

"Your welcome, sir." at pinag-usapan namin ang magiging surprise. Sila na daw ang bahala doon kaya naman sobrang pasasalamat lamang ang nasabi ko.

"Goodmorning tito." sabi ko at nakipagkamay. Si tito ang naabutan ko, nasa labas siya at nakaupo habang nagbabasa ng newspaper at nagkakape.

"Goodmorning." nakangiting sabi niya. "Have a seat." iminuwestra niya ang upuan, agad naman akong tumanggi dahil uuwi na ako.

"Ahh tito, im leaving na po. Babalik po ako mamaya.." nakatingin sa kanya habang nakangiting sabi ko.

"Okie, sama mo ang family mo kapag pumunta ka dito. Ang family van namin ang gagamitin natin papunta sa airport.." suportadong aniya.

"Thank you so much tito. Okay na po ang lahat, naaprove na po ang private resort.." nakangiti kong sabi.

"That's good! So si Ella na lang talaga ang inaantay?" masayang tanong ni tito.

"Yes po tito, hehe..."

"Oh, okay. Bumalik ka dito para makaalis na agad tayo. Magpahinga ka muna..." seryosong dagdag niya pa.

"Yes po tito. Thank you po." sabi ko at nakipagkamay ulit.

Hindi ako ang nagmaneho sa sasakyan ko kundi ang driver ni Ella, si Jerome. Naabutan ko kasi si tita at Aj na kakauwi lang. Kanina ay pinilit din ako ni tita na magpadrive pauwi ngunit tumanggi ako at nang si tito na ang nangulit ay wala na akong nagawa. Nakatulog ako sa sasakyan at sumakto ang gising ko ng makarating kami sa bahay.

"Thank you po, kuya Jerome..." sinserong sabi ko dahil pagod talaga ako at hindi ko alam kung makakapagmaneho pa ako.

"Ayos lang po, sir..." sinsero din na sabi niya. Pinatuloy ko sa bahay si kuya Jerome dahil siya din ang magmamaneho mamaya pabalik sa bahay ng mga Fernsby. Agad naman siyang sinilbihan ng mga maid na agad ikinabigla niya. Tumango lang ako at ngumiti.

Umakyat ako at dumeretso sa kwarto nila mommy. Niyakap ako bigla ni mommy at nakipagkumustahan. Ikinuwento ko sa kanya ang plano pati narin kay dad. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Hindi ko namalayan na mahaba na ang tulog ko dahil ginigising na ako ng bunsong kapatid ko na lalaki.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon