CHAPTER 18

168 53 6
                                    

Mark's POV

Hinatid ako ng driver ni Ella sa bahay bago siya umuwi. Pagdating ko ay sinalubong agad ako nila mommy ng yakap. Binigay ko ang mga pasalubong saka nagpaalam na aakyat na sa kwarto ko. Iniligpit ko muna ang mga dalang gamit ko saka ako nahiga. Tinatamad akong kumilos. Hindi ko din namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa magkakasunod na ring ng cellphone ko. Agad kong iminulat ang aking mga mata saka kinuha sa side table ito. Pipikit-pikit ko itong sinagot ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello." Bruskong lalaki ang nagsalita kaya nagugulat kong tinignan ang caller. Boss ko.

Napaayos ako ng pagkakaupo saka tumikhim bago magsalita. "Yes, sir?" Kunyaring hindi natutulog na sabi ko.

"You have a flight, tommorow..." Sabi niya na naka-pagpabilog ng bibig ko. "Be ready." Dagdag niya na parang iba ang ipinapahiwatig saakin bago niya pinutol ang linya.

Ganoon na lang ang lungkot ko dahil kala ko ay next week pa ang flight ko. Buti na lang talaga at natapos namin gawin ni Ella ang lahat bago ako magflight. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto upang bumaba at sabihin kila mommy na may flight na ako bukas.

"Mom..." Pagtawag ko kay mommy nang makita ko sila na nasa labas at nag-uusap ni dad habang ang kapatid ko ay naglalaro sa mga damo.

"Son..." Tugon ni mommy saka tumayo at lumapit saakin. Nguniti siya saakin saka ako pinaupo sa tabi nila ni dad. "Why?" Tanong ni mommy habang nakangiti pa din.

"May flight na po ako, bukas." Malungkot talaga na sabi ko.

Ngumiti naman si mom at hinaplos ang pisngi ko. "Gusto mong papuntahin natin ang mga Fernsby dito?" Tanong niya saakin ramdam ko naman na naging sabik ako bigla kaya wala sa sarili akong tumango. "Oh sige. Sasabihan ko silang dito na magdinner. Alam na ba ni Ella?" Tanong ni mommy saakin.

"Hindi pa po. Pero alam ko naman na maiintindihan niya kapag sinabi kong bukas na yung flight ko." Sabi ko. Tatango-tango naman si mommy saka ngumiti at nakipag-usap muli kay dad.

Kinausap lang nila ako saka kami naglunch doon sa labas ng sabay-sabay. Sana laging ganto. Puro pa din kami pagkwekwentuhan hanggang sa matapos ang lunch. Naandoon lang kami sa labas ng bahay buong maghapon at nagkwekwentuhan.

Nang dumating ang dinner ay tinawagan ni mommy ang pamilyang Fernsby at sinabing dito na sila maghapunan. Agad naman daw pumayag ang mga ito kaya ganoon na lang ang tuwa ko dahil magkakasama-sama nanaman ang pamilya namin.

"Hi luvs!" Pasigaw na sabi ng tinig na babae. "Ommo! Ang bangooo. I can't wait to eat naaamoy ko hanggang dito yung food!" Paigaw na sabi ni tita Jean. Alam ko naman na siya iyon dahil matining na boses pa lang niya ay alam ko na.

Iiling-iling at tatawa-tawa akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sofa namin upang salubungin sila. "Hello po, goodevening." Sabi ko na nag-hi pa sa kanila at yumakap kila tita. Nang huminto na ako kay Ella ay tumuloy na sila at dumeretso sa dining are. Naririnig ko pa din yung boses ni tita at mga tawa nila. "Hi, love." Sabi ko muli kay Ella.

"Hmm, hello." Tugon din niya saakin saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi. Hinawakan niya ako sa braso at hinila na papunta sa dining area. "Anong meron... po?" Tanong ni Ella na nagpatawa saamin dahil sa paggalang na sinabi niya. "Hehe..."

"May sasabihin ako mamaya." Nalulungkot man ay hindi ko na pinahalata. Tumango-tango naman sila saakin kahit na alam kong gusto pa nilang magusisa saka pinagmasdan muli ang mga pagkain.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon