"Wala man ako sa pagpipilian mo, pipiliin pa rin kita" makahulugan niyang saad
"Handa akong isugal lahat maging masaya ka lang" and he kissed my hair
Alam kong masyado na kaming pda but I felt a comfort from him.
He's my favorite place when my mind searching for a place to feel the peace and calm.
"Thank you" mahina kong saad
He just smiled at me and continue what we are doing. Natapos naman namin lahat ng kailangan to complete our team. Nakausap na rin namin ang head namin sa plano na gagawin. They all agreed kaya mabilis na masisimulan.
As the days goes by, naging busy kami parehas sa paghahanap ng members ng team namin. We only have one more week to finalized the team. Isang buwan lang din ang magiging preparasyon namin sa laban.
"Kumain ka na muna" anya niya
"Busog pa ako" saad ko na hindi siya nililingon
"Baka pagalitan ako ng jowa mo" at doon na ako napalingon
"Hala sir, ikaw pala" nagugulantang kong saad
Natawa naman sa naging reaksyon ko si Ginoong Urian. Hindi ko ikakaila kung bakit maraming estudyante ang nagkakagusto sa kanya bukod sa may itsura siya. Magaling din kasi siyang makisama. Halos lahat ng trip ng estudyante niya sasabayan niya. May pagkaistrikto pero nasa lugar.
"Pinapaabot ni Ali yan" tukoy niya sa paper bag na inilapag sa mesa ko
"Sandali nga..." saad niya pa sabay pinagkrus ang mga braso niya, "Kayo ba?" deretso niyang tanong
Napayuko ako, hindi malaman kung anong isasagot. Kung dapat bang sagutin o hindi na lang. Ayokong magkamali sa sasabihin ko dahil alam kong malaking interigasyon ang haharapin ko.
"Siya na lang po ang tanungin niyo Sir" tila'y nahihiya kong saad
"Natanong ko na kanina pa"
Napaangat ako ng tingin at doon sumalubong sa akin ang nakangisi niyang mukha. Napapailing din siya habang nakatingin sa akin.
"Kunt saan kayo masaya, suportado ko kayo basta't huwag kakalimutan ang responsibilidad" nakangiti niyang saad
Napangiti naman ako sa senseronh saad ni Ginoong Urian. Malaki nga naman ang responsibilidad na hawak naming dalawa. Ako na may hawak ng buong team ng publication namin at siya na umaalalay sa akin. Alam ko na rin kung bakit hindi siya sumugal, si Ali sa amin noon.
Natapos ang araw na naayos na namin ang buong team. Bihira kaming magkasama ni Ali dahil busy siya sa acads niya. Matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya malaki ang pagkakaiba ng takbo ng araw namin.
"Hoy anong chika jan" saad ni Nelle
Magkakasama kami ngayon na nakatambay sa college building ng school namin, kahirap nito ang malawak na field. Makikita ang kulay berde na mga damo at nagtataasang kagamitan para sa mga laro.
"Anong chika na naman?" nagtatakang tanong ni Shane
"Hindi mo alam yung chika? Sabagay, masyado ka kasing chaka" saad ni Nelle
Naririndi ako sa bunganga ng mga 'to. Nandito ako para magpahinga hindi para makinig sa mga pasaringan nila na akala mo talaga nag-aaway pero sa huli magtatawanan. Bakit ba ako nagkaibigan ng mga takas sa mental.
YOU ARE READING
A Chasing Misery
Teen Fiction(Summer Series #4) Maine Sanchez is the typical daughter. She'll do everything to provide the needs of her family. She met a bunch of friends, a real one. She's afraid to be judged so she hid the truth about herself to them but until Gabriel Cruz sh...