"Nasasaktan ako" sigaw ko dahil sa mahigpit niyang paghatak sa buhok ko.
"Stop asking Andrius to be your super hero. He's a human without a power" sigaw niya.
"Andrius is my cousin. That's usual thing to do"
"You didn't know anything" she said at binitawan ang buhok ko.
Napasalampak naman ako sa semento at malamig na sahig ang sumalo sa akin. Agad naman akong dinaluhan nila Aling Julay at Aling Madsing.
"Don't help her" may babala sa boses niya.
"Ayos lang po ako" mahinang saad ko.
"Don't ever try to help her or else, all of you will go home to your family without anything" babala niya pa ulit.
Tinalikuran na niya kami at dumeretsong umakyat sa itaas. Ako na mismo ang tumulong sa sarili ko para makatayo. Masakit man ang balakang ay tumayo ako na para bang walang nangyari.
I smiled at them to make sure that I'm fine even though I'm not.
"I'll go to my room" nakangiti kong saad at tinalikuran ko na sila.
May pagtataka sa kalooban ko kung bakit bigla siyang naging ganun. Maayos naman kasi ang lahat maski ang pakikitungo niya sa akin sa simula pa lang. Gusto kong alamin kung anong maling ginawa ko para umabot sa puntong saktan niya ako.
Ibang kaba ang naramdaman ko ng hindi ko mabuksan ang pintuan ng kwarto ko kaya mabilis akong kumilos at pumunta sa kwarto ni Andrius na karugtong ng akin pero laking panghihinayang ko na ng hindi ko ito mabuksan.
"Why it's lock?" tanong ko pa sa sarili ko.
Mabilis akong tumakbo sa maids room para itanong kung may duplicate keys sila ng mga kwarto.
"Pasensya na hija, lahat ng kwarto rito ay walang duplicate keys. Si Madam Leny lang ang may susi sa bawat kwarto" malungkot na sagot ni Aling Madsing.
"Bakit? Hindi mo ba mabuksan?" gulat na tanong ni Aling Julay.
"Hindi po eh. Magpapahinga na po sana ako kasi may class pa po ako bukas" mahina kong sagot.
"Dito ka na lang muna matulog at baka bukas ay bukas na rin ang mga kwarto dahil maglilinis kami" pagpapagaan ng loob ko na saad ni Aling Madsing.
Tumango ako sa kanila. Inilaan naman nila ang higaan na nasa ibaba ng double deck. Si Aling Julay sa itaas at Aling Madsing naman sa sahig. Kahit sinabi ko ng ako na lang sa sahig ay nagpumilit pa rin siya kaya wala na akong nagawa kung hindi ay mahiga na lang sa kama.
Ayaw akong dalawin ng antok ko. Patuloy pa rin sa pagpapaalala ang isip ko sa nangyari kanina.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Agad ko itong pinalis at pilit na ipinipikit ang mga mata. Mabuti'y pinatulog ako ng kalooban ko matapos ang sunod-sunod na pag-iyak.
A cold water splash into my face. I thought I'm just dreaming but when I woke up, water is falling through out my body.
"Who do you think you are to sleep like a princess here?" mataray niyang tanong.
"I didn't notice what time it is" nakayuko kong saad.
"What do you want me to do? To say sorry at you because you didn't notice the time and I woke you up?" mataray niya pa ring saad.
Umiling ako bilang sagot at tumayo mula sa pagkakaupo sa higaan. Agad naman akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina upang tumulong sa ginagawa nila.
YOU ARE READING
A Chasing Misery
Novela Juvenil(Summer Series #4) Maine Sanchez is the typical daughter. She'll do everything to provide the needs of her family. She met a bunch of friends, a real one. She's afraid to be judged so she hid the truth about herself to them but until Gabriel Cruz sh...