Siyam

15 1 0
                                    

I heard the screaming of his friend, teasing him more. Napapailing na lang ako habang naglalakad papalayo sa kanila.

Nakangisi ko pa siyang nilingon habang nakatayo pa rin. Likod niya lang ang nakikita ko kaya hindi ko na matanaw ang naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Someone's happy" nagitla naman ako sa biglang nagsalita

"May makulit kasi roon" sabay turo ko pa

"May nabiktima ka na naman" natatawa niyang saad

"Hindi ko pa nga nagagayuma, biktima na agad" and we both laughed.

"Saan ka pala ngayon?" tanong niya

"Liblary" simple kong saad

"Samahan na kita. Tapos na class ko eh"

Ali and I walked together and signed on the log book before entering the liblary. Wala masyadong tao kaya napili namin iyong medjo malapit sa bintana at dulong banda para hindi masyadong madi-distract sa mga papasok.

We stayed for a long hour before we went home. Sa kanila pa rin kami tumitira hangga't wala pa sila tita. Hindi rin namin magawang humanap ng bahay dahil ayaw din nila kaming paalisin at wala kaming budget para doon.

"Nak, bakit hindi na lang tayo sa ate mo tumira?" kapagkuwa'y tanong ni mama

"Dagdag isipin pa yun sa kanya" walang emosyon kong saad

"Nakakahiya naman kasi rito"

"Alam ko yun ma pero mas nakakahiya naman kung makikitira tayo roon sa bahay nila Megan eh hindi pa nga namin kilala ang buong pamilya nila"

"Sa bagay may punto ka naman"

Nilingon ko na siya at iniwan sandali ang ginagawa ko.

"Matatapos na rin ako sa school works ko, makakapasok na ulit ako sa part time ko. Iipon ulit ako ma" nakangiti kong saad

Bumalik na ulit ako sa ginagawa ko nang tumigil na si mama sa pangungulit sa akin. Hindi pa man lumalalim ang gabi ay may narinig kaming ingay mula sa labas kaya napabalikwas ako sa sumilip doon. Isang malaking bintana kasi ang katabi ng study table ng kwartong tinutuluyan namin kaya mabilis makita ang nasa labas.

Sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa labas ng pintuan kaya agad ko itong binuksan. Sumunod naman sa akin si mama at lumabas ng kwarto.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni mama

"Hindi ko rin po alam tita" sagot naman ni Ali

Akmang bubuksan ko ang pintuan ng bahay pero agad akong pinigilan ni Ali.

"Hoy, ikaw! Sino ka sa akala mo ha?Wala pa sa legal na edad yung anak ko binabahay mo na" sigaw mula sa labas

"Sandali, kilala ko yun" saad ko

Hinatak ko si Ali papunta sa likuran ko ng makumpirmang tama ang hinala ko. Nakita ko si papa na may hawak na alak sa kabilang kamay habang ang isa ay may hawak na kahoy na dahilan ng pag-iingay sa may gate.

"Pa, ano ba? Nakakahiya sa mga tao rito oh" pakiusap ko

"Mas nakakahiya na kasama mo pa nanay mo na nakikitira jan. Ano bang pinakain ng lalaki na yan sayo para tumira kayo jan?" sigaw na naman niya

"Nakakabulahaw ka ng kapitbahay, Jay. Wala ka sa atin, alalahanin mo" singhal ni mama sa kanya

"Wala akong pake"

"Kung ikaw walang pake, kami meron. Nakikitira lang kami rito Jay, baka akala mo. Kung sana gumawa ka ng paraan para makuha muli ang bahay natin edi sana may sinisilungan pa tayo at hindi nakikitira sa kung kanino lang" sagot ni mama

"Ganun na lang ba kababa ang tingin mo, niyo sa akin ha?" at hinagis niya ang boteng hawak na ikinagulat namin. "Lahat ginagawa ko kahit ganito ako pero hindi sapat dahil masyado kayong mapaghangad. Hindi kayo marunong makuntento sa anong meron kayo. Tignan mo yung panganay mo, nagpabuntis sa mayaman para gumanda ang buhay tapos yang isa mong anak, nagmamagaling akala mo kung sino pero wala rin namang maabot sa buhay" sunod-sunod niyang saad.

"Oo, siguro wala akong mararating sa buhay dahil wala akong plano pero hindi doon matatapos ang buhay ko. Darating ang panahon na ako ang aangat at matutupad ko ang mga akala kong imposible" mangiyak-ngiyak kong saad

"Huwag kang mag-alala pa, hindi ako galit pero antayin mo, maipagmamalaki mo rin ako bilang anak mo" saad ko at pinunasan ang mga luha.


Namuo ang katahimikan sa aming lahat hanggang sa paunti-unting umalis si papa. Nauna na rin akong pumasok sa kwarto at nagmukmok. Wala namang ni isa ang nagtangkang kausapin ako.

Buong gabing nagkulong ako sa kwarto hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Kinabukasan ay wala akong imik hanggang sa makapasok. Tahimik lang ako buong klase, magsasalita lang kapag tatawagin para sa recitation o kaya nama'y may taong na matatanggap.

"Hoy" sigaw nito

Nilingon ko sila ngunit walang salitang lumabas sa aking mga bibig. Halata namang nagtataka sila pero hindi magawang magtanong.

"Nakita naming hinarang ka ni Gab kahapon ah" may pang-aasar sa tono ng pananalita ni Nelle

"Gab?" nagtataka kong tanong

"Luh! Hindi mo kilala yun?" tanong ni Gel

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" mataray kong saad

"Oh chill! Yan ba nagagawa kapag hindi kinakausap ng jowa?" at sabay-sabay pa silang nagtawanan

Inirapan ko na lang sila at nagsimula nang maglakad paalis ng gazebo. Mamaya pa naman ang simula ng sunod naming klase kung saan ay magsi-sit in ako sa Section A.

"Ito naman hindi mabiro" paghabol ni Shane

"Si Gabriel Cruz, Gab for short and also known as the playboy of the year" at napailing pa si Shane

"Bakit parang nanghihinayang ka? May gusto ka sa kanya noh?" at doon na ako natawa

"Sa lahat ng pang-aasar mo yan ang hindi talaga nakakatawa" sabay irap sa akin


Nagkatinginan kaming tatlo habang nang-aasar na tumingin kay Shane. Nailing na lang kami ng bigla siyang umalis at pumunta na sa room.

"Mamaya na lang, may kailangan pa akong gawin" saad ko at iniwan na sila


Wala naman akong masyadong ginawa kaya naman umuwi na lang ako. Sa loob ng isang linggo ay iba't ibang excuses ang sinasabi ko sa mga kaibigan ko para lanv makatakas sa kanila.

Hindi ko sinasabi sa kanila ang task na ibinigay sa akin. Sa loob din ng isang linggo ay hindi ko nakausap si Ali.

"Nak, pupunta ako sa ate mo" pagpapaalam ni mama

"Sige po" simple kong saad

"Hindi ka ba sasama?" pagtatanong niya

"Tinatanong pa ba yan, ma?" iritado kong tanong

"Baka lang naman magbago isip mo"

"Sige na ma, sasama na ako" pagsuko ko


Nag-ayos na ako ng sarili ko para sumama kay mama kahit labag sa kalooban ko

A Chasing MiseryWhere stories live. Discover now