Pito

26 2 3
                                    

That was a great night of us. Ilang beses ko pa siyang inasar hanggang sa mapikon siya. Hindi ko naman siya sinuyo pero sa huli ay hindi rin ako natiis.

I didn't imagine that a person can be your home sometimes

"Good mood ate mo ghorl ha" puna agad sa akin ni Nelle

"Oh aga-aga, huwag mo punahin baka biglang magbago" seryoso kong saad, "charot" dagdag ko pa

"Get ready!!! pack your things, any minute aalis na tayo" saad ni Sir Urian

Maaga kaming pumasok dahil ngayon ang araw ng laban. Lahat ng bawal ay iniwasan namin, uminom ng tubig na malamig o kumain ng kahit anong malamig tulad ng ice cream. Lahat ng payo ay sinunod din namin.

Handa na ang lahat ng gamit at nagsiunahan pa kaming lumabas ng quarters. Nahuli naman ako dahil nasa akin ang lock ng room namin. Agad namang may kumuha ng dala kong bag kung saan nakalagay ang laptop ko. Aagawin ko sana pero narinig ko agad ang bungisngis niya.

"Napakabwiset mo!" singhal ko

"Ako na bwiset, okay" nagtatampo niyang saad

"Mapapatawad mo pa ba ako?" masuyo niyang tanong

Ito na naman tayo sa mga tanong niyang ganito. Napailing na lang ako sa kanya habang natatawa. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya ng makitang natawa rin ako.

"Tama na harot jan, naghihintay ang sasakyan" saad ni Sir Urian habang natatawa pa

Sabay na kaming naglakad papuntang covered court kung saan nakaparada ang sasakyan namin. Iilan pa lang ang nakasakay na kaya naman nagtaka ako kasi akala ko kaming dalawa na lang ang kulang.

Nilapitan ko naman si Sir Agacite, spa ng The Flash Times. I saw how worried he is.

"Sir, what happened?" agad kong tanong


"We don't have enough vehicle to send you all at the venue" he said worriedly


"We can call for a help from the barangay halls near us" I suggested


"I tried too but they are declining my calls. Some said that we should booked so they can prepare"


"They have rules like that?"


"Yes and we should obey that. For now, I let the individual contestant go first and the groups will follow"



Tumango na lang ako bilang tugon.


Luckily, may biglang dumating na cab para sunduin kami. Pinauna ko na ang mga kasamahan ko bago sumunod. Nagkasya naman kaminh radio broadcasting team at sa kabilang sasakyan ang collaborative desktop kung saan bahagi si Ali.


Nagpatugtog ng ilang worship songs ang kasama ko to boost our confidence. Ang ilan ay sinabayan para raw mahasa ang boses nila. Nakikinig lang ako sa kanila habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. This is my last contest because I'll be graduating high school. I hope, we can bring home the bacon and move forward to national level also to regionals just like the dream of the others.


Nakarating kami sa venue na ang dami ng tao. I saw some of my classmates noong elementary and some them greet me. Naglakad ako kasama ang spa namin sa registration.


Habang naglalakad may nakita akong familiar na mukha. He's sitting beside someone I know din. Napakunot pa ang noo ko habang tinitignan siya pero agad ding nag-iwas ng mapansing lilingon siya.

"Nanghu-hunting ka na naman" puna ni Sir Urian


"Tamang hinala ka talaga sir" at natawa pa ako



A Chasing MiseryWhere stories live. Discover now