I took a quick bath and fixed myself. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil natanghali aako ng gising because of that dream.
Mabilis akong naglakad palabas ng village para maghintay ng masasakyan. Mabuti na lang at mabilos akong kumilos kaya kahit papaano ay napadali ang gawain ko bago pumasok sa trabaho. Nakasakay naman agad ako ng bus papunta ng trabaho. Ilang minuto lang ang tinagal ko dahil walang traffic, good thing ay maaga pa kaya hindi pa ako naabutan ng rush hour.
The bells ring.
"Meng..."
"Maine..."
Sabay-sabay nilang sambit. Napalingon ako kay Quinn na siyang nagbukas ng pintuan para sa akin. Sunod ko naman tinapunan ng tingin ang iba pang tumawag sa akin at binigyan sila ng mga ngiti.
"Dapat sa back door na ako dumaan" saad ko kay Quinn
"Hindi mo rin siguro napansin ang message ko sayo" sagot niya naman
"Nagmamadali kasi ako, napasarap kasi ang tulog" at napakamot pa ako sa ulo ko
"Puntahan mo na sila, ako na bahala kumausap kay boss" dagdag pa ni Quinn
Tumango ako bilang tugon at naglakad na patungo sa mga tumawag sa akin kanina. Naupo ako sa bakanteng upuan, inayos ang mga gamit ko at ginawang kumportable kasama sila.
"Kahapon ka pa namin tinatawagan ah" saad ni Isobelle
"Ah busy kasi ako kahapon" nakaiwas kong saad
Matapos ang shift ko kahapon ay agad kong tinignan ang cellphone ko na nakalagay sa locker ko, hidni kasi pwedeng may cellphone o anong gadget kaming ginagamit sa oras ng trabaho. Sunod-sunod na tawag mula kanila Isobelle at Claire ang natanggap ko may ilang menshae rin na mula pa rin sa kanila.
"Pero isang sabi lang ni Gab nanjan ka agad" panunukso pa nila.
Doon ko naman naisipang tignan ang cellphone ko, imensahe mula kay Quinn ang una kong napansin na sinasabing sa back door ako dumaan dahil narito muli ang mga kaibigan ko ngunit hindi ko naman agad napansin. Sumuod naman ay nag-iisang mensahe mula kay Gabriel.
From: Gabby
Let's go outside
I feel na nangyari naa ito pero hindi ko maaalala kung kailan. Pilit ko pang iniisip kung tama ba o hindi na nangyari na ito nang bigla kong maalala ang panaginip ko.
"Hindi pwede" bulalas ko
"Alin ang hindi pwede?" usisa niya
"A-ah w-wala" at ngumiti na lang ako
Kanya-kanya na silang naglabas ng laptop samantala ako ay booklet lang at ilang printouts na nakuha sa iba't ibang sites na pwedeng gamitin for review. Napansin siguro nilang wala akong inilalabas na laptop pero agad naman silang nag-iwas ng tingin at tumawag na lang ng server.
"Yes Ma'am/Sir?" saad naman agad ni Quinn ng makalapit sa amin
"What do you want guys?" tanong ni Gabriel sa amin
"Flat white" saad ni Isobelle
"Boys, kayo?" tanong ni Nickie
"Si Maine muna" saad naman ni Gabriel
Napayuko naman ako nang sandaling magkasalubong ang mga mata namin ni Quinn. Hindi ko alam kung paano silang haharapin lahat, naiilang ako sa atensyon na natatanggap ko mula sa kanila.
"A-ah a-ano t-tubig lang sakin" and then smiled
"Sure ka? You can order a coffee para hindi ka antukin sa pagre-review" paninigurado pa ni Isobelle
YOU ARE READING
A Chasing Misery
Teen Fiction(Summer Series #4) Maine Sanchez is the typical daughter. She'll do everything to provide the needs of her family. She met a bunch of friends, a real one. She's afraid to be judged so she hid the truth about herself to them but until Gabriel Cruz sh...