Tatlumpu

12 0 0
                                    


Nagkwentuhan pa kami habang inaayos ang mga gamit niya. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya. HIndi ko alam na sa sandaling panahon ay magiging ganun kami ka-close. Honestly, I'm not that close with my cousins and this is the first time na may naging ka-close ako.

"If you need anything or something is bothering you, don't hesitate to message me" pagpapaalala niya pa.

"I'm one call away" natatawa niya pang saad.

"Yes po, opo" pagsagot ko naman with a baby tone.

Nagpaalam na rin siya kay Lola at sa ilang kasama namin sa bahay. He looked at me again then smiled. He came closer and kiss the top of my head. Ginulo niya pa ang buhok ko bago sumaludo at sumakay sa sasakyan na maghahatid sa kanya sa airport.

Nagulat man ay nginitian ko na lang siya bilang tugon at kumaway habang nakatanaw sa sinasakyan niyang sasakyan. Hindi ko alam kung anong iisipin nila pero dahil kilala siya sa pagiging malimbing ay wala namang naging emosyon sa mga mukha nila ng tignan ko sila.

"You still have your class" paalala ni Lola at nauna ng pumasok sa bahay.

I finished my entire class today with a sadness. Maybe because there's no Andrius to remind me about my schedule and there's no him to help me with everything.

Mahirap masanay sa isang bagay na walang kasiguraduhan at bigla na lang nawawala. 

I finally got time to rest. Buong araw ay pahinga lang ang ginawa ko. No gadgets use para mapahinga rin ang mata ko. I read some articles kasi na more nae-expose ang mata mo sa radiation mas mataas ang chances na lumabo ito.

I should take care of myself, it's part of loving yourself.

"Wala na naman po si Lola?" tanong ko sa mga kasama ko sa bahay.

Nag-uusap pa rin naman kami rito sa bahay ng tagalog. Mas prefer nga namin yun lalo na ng mga katulong dahil mas nagkakaintindahan kaming lahat.

"Kahapon pa siya umalis hija, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik" saad ni Aling Madsing.

"Ha? gawain niya po ba talaga iyon?" taka kong tanong.

Hindi ako mahilig magtanong kung ano ang madalas gawin ng mga nakakasama ko rito sa bahay. I don't want to invade their privacy and we all have our own life.

"Dati pa'y ganun na siya hija. Wag mo na masyadong isipin iyon" sagot naman ni Aling Julay.

"Halika na't kumain ka muna. Mapapagalitan kami ni Sir Andrius kapag nalamang nakakalimutan mo ng kumain dahil sa pag-aaral" aya pa ni Aling Madsing.

Pinaupo nila ako sa upuan at ipinaghain. Sinaluhan na rin nila ako para hindi malungkot sa lamesa. Nakapagkwentuhan pa kami hanggang kumakain. Nakakagaan sa pakiramdam na kahit papaano ay naa-adopt ko na ang mga gawin nila rito. Nasasanay na rin ako sa agos nila.

"Nagpadala po ba ng mensahe sainyo si Andrius kung nakarating na siya sa bansa na pupuntahan niya?" pagtatanong ko habang nagliligpit ng pinagkainan.

"Oo, kagabi lang ay tumawag siya kaso ay tulog ka na. Hindi ka na niya pinagising pa't sabihan ka na lang daw na nakarating siya at magiging busy daw" pagkukuwento ni Aling Julay.

Tumango-tango ako bilang tugon.

"Bakit po ba kailangan niya pang magpunta sa ibang bansa?" pagtatanong ko pa ulit.

"Hindi ba nila naikwento saiyo?" nagtatakang sagot ni Aling Madsing.

Inalala ko naman kung may nasabi ba sila sa akin o wala. Sa pagkakaalam ko ay nabanggit nila ang pag-alis ni Andrius at Tita Nellie pero wala naman silang sinabing dahilan.

A Chasing MiseryWhere stories live. Discover now