Dalampu't isa

17 0 0
                                    



We arrived to Nickie's place at laking pagkamangha ko nang makita ang kabuuan ng lugar. Iba talaga kapag may pera, ang laki ng magagawa mo. Nilibot ko pa ang paningin ko, nakakagaan ng pakiramdam ang makita ang nagbeberdehang mga puno at rinig na rinig ang mga huni ng ibon.

Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na simoy ng hangin.

"Sure ba na kanila Nickie 'to?" tanong ko pa sa sarili ko

Hindi talaga ako makapaniwala sa ganda ng paligid. Masyado akong nilalamon ng pagkatuwa ko sa buong lugar.

We saw Nickie's coming. We greeted her and she's still shocked when she saw us. Sino nga ba hindi magugulat sa bigla naming pagsulpot tapos may hindi pa magandang balita na dala.

Tahimik lang ako habang pinapanood silang mag-usap. Ilang beses kong sinubukang makisali sa kanila pero nahihiya ako dahil hindi ko naman alam lahat nang nangyari sa buhay nila. Isa lang akong passerby sa kanila, someone who wants to enter their world.

"Akala ko hindi kayo makakapunta?" rinig kong saad ni Neil kaya napatingin naman ako sa kanya

Nagulat ako sa nakita ko, sandaling nagkasalubong ang mata namin at isang ngisi ang sumilay sa kanyang mukha. Naalala ko tuloy bigla ang mensaheng pinadala niya.

Nag-asaran naman sila dahil kay Yahna at Alfonso, nakikisali na lang din ako sa mga tawanan nilang lahat. Hindi maiwasang magkatinginan kami ni Gabriel na ikinapagtataka naman nila.

Inilabas niya ang mga inumin na dala niya, napanganga na lang ako dahil masyadong halatang inom na inom siya but the truth is, mababa ang alcohol tolerance naming lahat. We barely drink, sigruo kapag may okasyon lang. I remember, ayaw na ayaw ni mama na makitang umiinom kami ng alak kaya laging tumatakas ang kapatid ko tapos uuwing lasing tapos pagkagising magtataka paano siya nakauwi.

"Ang korni mo, Gab. Pwede naman yung light drinks sa amin, tulad ng Cali, Tanduay Ice o kaya naman kahit yang Soju, dah!" maarte kong saad at inirapan siya

I'm trying to be cool pero wala talaga akong alam pagdating sa mga alak na yan. Mga common na naririnig ko lang yun at nakikita sa social media.

"Hoy tandang-tanda ko pa nung nag-aya ka na pumunta sa bahay niyo, tanduay ice ininom natin non tapos nagsuka ka agad, ambaboy non" pang-aasar niya

I can't remember that scene. Ang alam ko ay inaya ko sila na pumunta s abahay nila Megan for welcoming sa mapapangasawa niya nad something happened which is yung pagtatalo namin and nakita yun ni Gabriel, hindi lang nakita, he's the one beside me while arguing with my sister.

Napapailing na lang ako sa kanya habang nagtatalo kaming dalawa. Ayaw niya talaga magpaawat pero nung napikon na ako ay natahimik na rin siya.

"Jan kasi nagsisimula lahat" dagdag na pang-aasar ni Isobelle

"Hindi siguro masarap ulam niyo kanina?" malayong saad ko

"Ha?" nagtataka niyang saad

"Wala, ano ba ulam niyo kanina?"

"Ahmm... ewan ko, hindi ako kumain bago umalis eh"

"Jan kasi nagsisimula lahat" panggagaya ko sa sinabi niya

"Ang alin?"

"Ang pagkakaroon ng sakit" and I laughed sarcastically.

I saw how her face frowned. Natawa na lang ako dahil pagdating sa asaran yan natatalo ko sila pero madalas ay natatalo rin ako.

We decided to watch a movie. Nakailang scan kami sa cd's na nandito pero wala an lang silang magustuhan, maski ako ay wala dahil hindi naman ako mahilig manood ng mga movies.

A Chasing MiseryWhere stories live. Discover now