"Good morning, bitches!" Bungad ni Aily sa mga kaibigan niyang si Samantha at Allyssa. Sila ang pinaka-bully sa klase ng 11 ABM D.
Ang Calasiao Comprehensive National High School (CCNHS) ay isa sa pampublikong eskwelahan sa Probinsya ng Pangasinan.
Halu-halong estudyante ang nandito. May mabait pero karamihan ay hindi. May mahirap pero karamihan ay mayayaman kaya ang lakas ng loob manakit ng kapwa nila mag-aaral. Hindi lang pala kapwa nila mag-aaral, pati na rin ang kanilang guro.
Ang cliché pakinggan pero wala pang estudyante na nananakit, namamahiya at umaabuso sa kanilang guro.
Iba. Ibang tao ang mga estudyanteng ito.
Kakaiba.
"Cheanne Amor! Halika nga rito!" Tinawag niya ang kaniyang alipin ng hindi nililibot ang mata para hanapin si Cheanne. Nagtataka siya kung bakit ilang minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa ring Cheanne ang lumalapit sa kaniya.
Tumingin siya sa paligid. Nakita niya ang mga kalalakihan na nakaupo sa kaniya-kaniya nilang lamesa habang naggigitara. Ikinainit iyon ng ulo ni Aily.
Tumingin siya sa kabilang banda ng classroom. Ang mga babae naman ay nasa kaniya-kaniya rin nilang lamesa at nag-aaral.
Itinuro ni Aily ang mga naggigitara. "Kayo! Stop that! Nakakarindi! Pati boses niyo Reinz, Cris, Patrick! Mag voice lesson muna kayo! Mga walang hiya!!" Kung naririndi siya sa kanila, mas naririndi ang mga kaklase niya sa kaniya.
Sunod naman niyang pinagdiskitahan ay ang mga babaeng tahimik na nag-aaral. "HOY MGA NERDS! PARA KAYONG TANGA! MALAYO PA ANG EXAM. WALA NAMANG QUIZ NGAYON, ARAL KAYO NG ARAL!! BOBO NAMAN!" Sabay irap sa mga babae.
Totoo 'yon. Aral sila ng aral pero pagdating ng exam, bokya. Out of 20 items, 2 ang nakukuha nila. Out of 10, 1 lang. Kaya kapag out of 5 items, sila pa ang may utang.
Nasa pinakaharap silang magkakaibigan. Kaya nang tumalikod na siya. Sabay-sabay nilang sinabunutan si Aily sa isip nila. Hindi naman nila magagawa iyon sa personal dahil bago nila gawin 'yon sa kaniya, nasabunutan na sila.
Ang sakit sa pakiramdam nilang masabihan ng bobo kahit totoo naman. Ni pamilya nila, hindi sila sinasabihan ng ganoon.
"Hoy, Sam, Ally. Where are the two bitch---" Bago pa niya matapos ang tanong, dumating na sina Ivy at Ricah Crystal. Pumalakpak pa siya. "Oh, tingnan mo nga naman! Aba'y anong oras na?" Tumingin pa siya kunwari sa rolex niyang wrist watch.
The two just rolled their eyes. "Duh? Mom told me that Ivanshane won't attend us." Ricah.
Narinig ng lahat iyon kaya nagsisigawan sila. Masaya eh. Naniniwala naman sila sa kaniya kasi, well, anak ba naman ng PTA President ng SH. Malamang may connection 'yan.
Ivy crossed her arms. "And why?"
Ricah just shrugged. "Maybe he'll pocessing his resignation letter."
Aily grinned. "Good news. That's what the things I'd pretty love to hear."
Naupo na ang dalawa kasabay ng pagpasok ng isa sa kinaiinisan din nilang guro. "Good morning! I'm obviously here because Sir Ivan won't be here today. But! He left an activity for you to do in a one whole sheet of paper."
"A shit of paper. And tsk! We're not asking you, though," bulong ni Allyssa pero narinig pa rin ng lahat iyon.
They're seventeen in the room including Ms. Gretchen.
"What did you say, Ms. Bauzon?" She crossed her arms and arched her brow.
"Bingi ang teacher." Malakas ding bulong ni Sam.
YOU ARE READING
The Class In 2020 (COMPLETED)
RandomRoses are red. Violets are blue. When she says it will, believe... it's true. Start: July 22, 2020 End: August 16, 2020