Chapter 15. Confession

9 2 0
                                    

Habang naglalakad si Cylu at ang kaibigan patungong social hall, nakikiramdam naman ang kaibigan.

"Seems quiet, huh?" Halata ng kabigan. Sinulyapan lang siya nito. "Why? Dahil ba 'to sa kani----- Ouch." Mahinang daing nito.

Nabangga lang naman siya. "Ay! Sorry! Sorry po!"

Ngumiti ang kabigan. "Okay lang, uhm," Sumulyap siya sa I.D. ng babae. Fatima Magsano, "...Fatima."

Halata namang nagulat ito. '"Hala siya! Sige, una na 'ko! Hehe, by the way, you look pretty good." Nagtatakbo na ito papunta sa mga kaibigan. "Hoy, Julianna! Wait lang! Mery Jean, nagmamadali?!" Sarkatisko nitong sigaw.

Lumingon ang kaibigan. "Sumabay ka na lang kay Michelle!!"

Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa. "Let's go." She grabbed Cylu's arm and starts walking.

"Required ba talagang pumunta? Sobrang ingay kaya riyan." Inip nitong sabi.

Ngumiti lang ang kaibigan niya saka kumindat. "You'll have fun, swear. Ang gaganda kaya ng boses nila! May sasayaw din for the interpretation number. Hurry up!"

Nakipagsiksikan ang kaibigan para lamang mapunta sila sa harap. "Excuse me. Excuse me! Makikidaan lang.." Todo siksik kahit na halos hindi na sila makahinga.

"So, good morning, ladies and gentlemen!!" He cheerfully greet them. "How are you today?!" It was Sir Dan, a STEM adviser and a teacher for Practical Research who happens to be their host for this event.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHA WOOOAH!!" Tumawa lahat dahil sa binato nitong joke.

"Nakakatawa talaga si Sir Dan, 'no?" Sumulyap ang kaibigan kay Cylu.

"Hm."

Hindi na lamang siya pinansin ng kaibigan dahil halatado namang nabuboryo na.

"All right!! Let us all welcome! Angelica, Hitomi, Joanna, and Karishma... The Blink!! Please give them a warm of applause!!"

Magkasamang sigawan at palakpakan ang ibinigay sa apat na babaeng SH. Lahat ng tao rito ay taga SHS, dahil sila lamang ang building na hindi nasabugan ng bomba.

They need to continue their studies.

Principal asked for people who will going to renovate the damages.

Isang malakas na kanta galing sa Blackpink ang pinatugtog ng technical at nag-umpisa nang umindak ang apat.

"Go, JoannnaAaAa!!!"

"Go, Hitomiiiii!!!!"

Someone whistled, "I love you, Karishma!!"

"WOAAAAH!!!"

"You can do it, Ange!!!!!"

Nag-uunahan sila ng kagandahan ngunit kung papipiliin man isa sa mga audience ay lahat sila ang pipiliin.

They all have the beauty and brain. Talented pa.

"I don't know what to do without you!!!!" Sigaw naman ng boses lalaki.

Sabay-sabay silang gumalaw. At lahat ng audience ay sumasabay din sa indak ng apat.

Maliban lang syempre kay Cylu. 'Tsk! Influence nga naman ng K-Pop. Baduy.'

Nilait lang niya ito sa kaniyang isipan kung hindi, malamang nasa sahig na siya ngayon. Pasa-pasa buong mukha.

Her friend balled her fists and put it under her chin. "Grabeee. Sobrang gaya nila ang Blackpink, Cy.." Mangiyak-ngiyak nitong sabi dahil sa tuwa. "Para tuloy totoong Blackpink ang napapanood kooo."

The Class In 2020 (COMPLETED)Where stories live. Discover now