Chapter 18. Defend

9 2 0
                                    

Dali-dali itong nagtungong faculty room upang kunin ang susi. Nabigla ito dahil sa gulong idinulot ng lindol. Lahat ng papel ay nagkandawatak-watak. Ang iba ay nasa sahig na kasama ng mga ballpen at iba pa.

Inilibot niya ang kabuuan nito at nang mahanap ang mahiwagang cabinet kuno ay dali-daling hinanap ang susi. Sa sobrang dami ay nalilito niyang kinuha isa-isa.

Mabuti na lamang ay may pangalan ang mga iyon. 'Where the hell is the key of ABM Deming?'

'They need you there.' Bigla nitong binilisan ang paghahanap nang biglang bumalik sa isipan niya ang sinabi ni Nicole.

The keys are well arrange. Nagulo lang naman dahil sa sitwasyon.

Pinagpapawisan na ang kabuuan nito ganoong may aircon naman iyon ay dahil ss kaba, takot, at pagsisisi kung hindi man nito naligtas ang klase. Nandoon pa rin siya, sampung minuto ang nakalipas ng sa wakas ay nahanap niya iyon.

Naalala naman nitong may hawak na kutsilyo si Danica kung kaya't nag-isip ito ng gagamitin kung paano nito madedepensahan ang kanilang sarili.

'Damn. Naalala ko!' Naalala nito na may kinausap si Principal Terrado at nagpapakuha ng baril for defense after what happened last time na may barilang naganap.

'It's so impossible if wala pa siyang baril this time.' Nagtungo ito sa desk ng Principal at hinanap doon sa may mga drawer niyon ang hinahanap. Sa pinakababang drawer doon niya iyon nakita.

'Fucking finally!!" Isinuksok niya iyon sa likod niya. Good thing dahil nakapantalon lamang siya.

Nag-umpisa na siyang nagtungo papuntang room nila.

At mabuti na lamang, natapos na ang lindol kung hindi ay mas mahihirapan si Cylu na umakyat pataas. Though, nahirapan pa rin talaga siya dahil kailangan nitong daanan ang mga crack because of no choice.

"Tangina talaga..." Kailangang maglakad ng dahan-dahan ng sa gayo'y hindi tuluyang bumulwak ang daan.

"OH SHIT!" Nang madulas ito ay muntik na siyang bumagsak. Mabuti ay nakahawak agad ito sa may hawakang-bakal. "Wew!" Awtomatikong pinunasan nito ang pawis.

"Ssh... Danica." Tumutulo na ang pawis ni Ma'am JJ ganoon din ang kaniyang luha. Nakita nito ang nobyo na pilit binubuksan ang pinto. Nakita niya ang paghihirap nito. "Please...tama na.."

Narinig niyang tumawa ito sa mismong tainga na nagbigay kilabot sa kalooban niya. "You...wish."

Nang marating ni Cylu ang room ay nakita nito kung gaano kawasak si Sir Ivan sa hitsura nito. Nakahandusay sa sahig habang iniinda ang sakit dulot ng sugat niya.

"Fuck..." Daing nito habang kumikislot.

Nakaramdam naman ng awa si Cylu kaya nagtungo ito sa kaniya, "Sir.."

Tumingin naman si Sir sa kaniya. "Cylu.. You're..." Sinuyod nito ang kabuuan niya. "...okay."

She sarcastically laughed, "And you're..." Sinuyod din kunwari nito ang kabuuan ni Sir. "...not."

Napapikit na naman ito sa sakit. "Seriously, Cylu? You came here just to-----"

She shook the keys in the air to catch his attention, tumingin naman agad ito sa kaniya. Lumiwanag ang kaniyang mukha. "God! Thank so much!"

She smiled. "Hm. You better get up." Nakikita na nitong naghihirap si Sir ay 'di man lang nito tinulungan bagkus ay dahan-dahan nitong ipinasok ang susi sa door knob to unlock it.

At dahil nga nakaharap si Ma'am JJ sa may pinto ay nakita niya ito. Cylu managed to winked at this situation. Maluwag namang nakahinga si JJ. When Cylu finally unlocked the door, she gestured her to face the opposite direction.

Nang hindi maintindihan ni Ma'am ito, "Turn around," she mouthed to make sure na makukuha nito ang gustong ipahayag ay pinaikot nito ang daliri. Lumiwanag ang mukha ni Ma'am ibig sabihing nakuha niya iyon.

"Ugh...Danica? Can you, ahm... scratch my back? I thought there's an ant." Kinakabahan nitong alibi. "Please?"

She narrowed her eyes and starts scratching her back. "Here?"

"No." Gumalaw ito patagilid habang kiniskis ang kuko sa bandang tagiliran. "Wait."

Itinuro naman ni Danica ang kinuskos ni Ma'am. "Here?"

Kumislot si Ma'am kunwaring nakiliti. "It tickles me." Mas lalong tumagilid naman ito at humaharap na sa likod nila kanina. "Here, oh." Giya nito sa kaniya at tamang-tama, nakatalikod na rin si Danica, Cylu silently open the door.

Nangunot ang noo ng mga kaklase niya dahil nagiging ewan na ang teacher nila.

Pumasok na si Cylu sunod si Sir Ivan. Nagulat ito dahil nakita niyang may dalang baril si Cylu. "You didn't tell me-----"

Humarap ito sa kaniya at inilagay ang daliri sa sariling labi, pinandilatan din niya ito upang tumahimik.

Cheanne leaned sideways, "Anong ginagawa ni Ma'am?" Bulong nito kay Ross at tumingin sa kaklase. Nang may mahigip ang gilid ng kaniyang mata ay tinignan niya ito. Nanlaking napatingin siya sa dalawang sumulpot.

Cylu gritted her teeth, widened her eyes as she puts her finger to her lips telling her to keep quiet. Nakuha naman nito ang ibig sabihin.

"You know, Danica? I like this view. Oh," Turo pa ni Ma'am sa harapan to still stay in that position.

Iniwan nilang bukas ang pinto, lahat sila maliban sa dalawa ay isinenyas ni Cylu na lumabas na. Namuo ang pag-asa sa loob ng lahat.

Habang naglalakad sila palabas ay nakalagay pa rin ang daliri nito sa labi to remind them to stay quiet.

Nang tuluyan na silang makalabas ay hindi na sila nag-atubiling mag-stay pa roon bagkus ay pumunta na sila agad sa field.

Cylu turned to Sir Ivan and signed him to go malapit sa harap ng room where Danica can't feel that he's there. Nang dumaan si Sir sa harap ni Cylu ay hinawakan nito ang balikat niya at bumulong. "I'll go at the edge of the room, para hindi ka niya makita. Once na binitawan na niya ang girlfriend mo at lumapit siya sa'kin, get her out of here. Understood?" Tumango naman agad si Sir. "Here's the key. Unlock the other door, there's the way you'll go out.Slowly... but surely. Another thing, what-fucking-ever happened inside here when you already went out, go away. Leave us alone here. Sumunod ka na lang. We'll just have some hard drinks." After that, she slightly pushed him. Nakukuha pa talagang magbiro!

Nang nasa tamang position na ito at pumunta namang gilid ng pinto si Cylu, sa may edge na ng room. Sinampal nito ang pader to get her attention. Habang nakadekuwatro ang paa, pinagkrus ang mga braso, ngumisi siya. Nadarama ang kaba ngunit mas nangunguna ang challenge at excitement sa kaniya.

Biglang tumingin si Danica sa kung saan nanggaling ang tunog at doon niya nasalubong ang tingin nito. Sa direksyon naman ni Ivan tumingin si JJ. Isinenyas sa kaniyang tumahimik. Dahan-dahan namang pumunta ito sa kaniya.

Niyakap niya si JJ nang sa wakas ay nahawakan niyang muli ang nobya. He even kissed her forehead and hushed her. "We'll get off her, let's go." Kinuha nito ang kamay ng nobya at handa nang umalis ngunit pinigilan siya nito.

"How about her?" She mouthed while looking at Cylu.

Niyakap uli siya ni Ivan at bumulong. "I trust her. So, trust me."

Mas lumawak ang ngisi ni Cylu nang sa wakas ay nakalabas ang dalawa nang hindi napapansin ni Danica. "So, ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

Nangunot kunwari ang noo nito. "What?"

Sarkastiko siyang tumawa and she shook her head. "Oh, come on, Danica."

"What really matters to you?!" Inis na sabi nito. "AAAaaAAAH!" Sinipa nito ang malapit na silya.

Nakakalokong tumawa si Cylu. "Huwag mo na 'kong ingles-inglesin... Kausapin mo 'ko sa kung anong paraan mo kinakausap ang diablo."

The Class In 2020 (COMPLETED)Where stories live. Discover now