Habang naglalakad sila papuntang cafeteria para mag-lunch, nag-isip sila ng magandang plano para sa kanilang guro.
"Ano kaya kung gawin ulit natin iyong ginawa natin noon? Buhusan ng ihi. Ew! Make a sticky floor, pft! Lagyan ng basang red food coloring ang upuan nila sa harap. I-lock sila sa C.R. na maraming ipis, daga and you know, a frog. Arghh! Iniisip ko pa lang nandidiri na 'ko!" Sigaw ni Sam.
Nakarating na sila finally sa cafeteria. Inilagay muna nila ang mga gamit nila sa pwesto nila tsaka pumuntang counter. Lumingon si Allyssa sa kanila habang naglalakad, "I have a bright idea-----! OH FUCK!" Nabangga siya ng isang... mukhang witch kung i-de-describe siya ng lima. Tinulak niya ito, kaya bumagsak siya. "LOOK THE FUCK WHAT YOU DID!?!?" Tinuro niya ang nabasa ng kaunting sabaw ang kaniyang mamahaling damit.
Napaka OA niya. To think na kaunting-kaunting soup lang ang dumapo sa damit niya. "You are so stupid! ARGHH!!!" She stomped her feet dramatically.
Pilit tumayo ang babae at yumuko. "S-sorry. Hindi ko sinasadya. Pa..pasensya na."
"WHAT?! PASENSYA?! 'YONG PASENSYA KO SA'YO UBOS NA! LOOK AT YOU! YOU'RE ALL IN BLACK! ARE YOU WITCH?!" Pulampula na si Allyssa. Maliit na problema lang pinapalaki niya."You're new in my eyes.." Puna ni Sam. "Who are you?" Nasa SHS cafeteria siya kaya ibig sabihin ay SH student siya.
She's new and... weirdo. She wears black shirt, black skirt above her ankle and a black shoes.
Monday and Tuesday lang sila pwedeng mag-uniform. Today is Thursday kaya pwedeng mag-civilian. Pero... siya lang ang naiiba ang suot. She even applied black lipstick!
Tumango siya pero hindi pa rin tumitingin sa kanila. "Tra...transferee ako. S-sorry talaga." Aalis na sana siya pero hinatak siya ni Allyssa sa braso.
"Where do you think you're going?" Umaray ang babae dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Allysa sa kaniya.
"Na-nasasaktan ako... ano ba?" Nakayuko pa rin siya kaya itinaas ni Allysa ang baba niya para makita niya ang mukha nito.
Nagkatitigan sila ng tatlong segundo at pinikit agad ng babae ang mata niya na para bang may nakita siyang iba.
"ANO BA?! OPEN YOUR DAMN EYES!" Allyssa aggressively let her arm go.
Yumuko ulit ang babae. Kung kanina ay halos walang takot ang nararamdaman niya, ngayon ay meron na. Hindi dahil sa sinisigawan na siya kundi dahil may iba. May iba siyang nakita.
Dahil doon, ginawa niya ang lahat para lang makatakas siya sa harap nila.
Lahat ng Senior sa loob ay walang ginawang ingay dahil sa takot nila sa lima. Iba sila kung magalit. Sakitan na kung sakitan.
Nag-order na ulit sila sa counter at bumalik sa table. Ni isa, walang nagtangkang umupo rito dahil kabilin-bilinan nilang lima na kapag may nakita silang umupo o hawakan man lang ang upuan o lamesa nila ay may kaparusahan. Ganoon sila kalupit.
Pati santo yumuyuko.
Dumating na rin agad-agad ang order nila. Kailangang sila ang unahin bago ang iba.
Natapos na silang kumain, hindi na bumalik ang babae.
"Baka naman napadaan lang?" Tanong ni Ivy. "Wait. But she has her ID! We're the same color with her!"
Aily smirk, "So, Grade eleven din siya. Let's see kung magtatagal siya rito."
"Err. I'm really so pissed. She sents chills in me! Anyway, about the plan to eliminate those stupid teachers of ours, I've a bright idea."
Ricah rolled her eyes, "Geez. Just spill it out, bitch."
"Okay, okay! So this is it..."
"Cris! Nasaan na 'yong journal ko?" Tanong ni Reinz kay Cris. Nasa classroom na ang lahat at kasalukuyan nilang ginagawa iyong Accounting task nila.
YOU ARE READING
The Class In 2020 (COMPLETED)
CasualeRoses are red. Violets are blue. When she says it will, believe... it's true. Start: July 22, 2020 End: August 16, 2020