Napakalakas na sirena ng mga ambulansya ang namayani sa labas ng Region 1 Hospital lulan ang mga nasugatan... at nabawian ng buhay.
Kinakabahan namang naglakad pabalik-balik si Cylu at Reinz sa harap ng ICU.
Nang matapos pabagsakin ni Nicole si Danica ay hindi nila namalayang nakahandusay na ito sa sahig.
Hindi na pala ito makahinga.
Sumasakit na pala ang dibdib nito.
Hindi man lang niya sinabi upang maagapan pa sana.
Nahilamos muli ni Reinz ang mukha. "Will she be okay?" Naiiyak nitong sabi.
Hindi namalayan ni Cylu na tumutulo na rin pala ang kaniyang mga luha. "I'm... sorry." Hirap na rin itong huminga.
Napapikit na lamang si Reinz sa sinagot nito. "Shit!" Bulong nito.
Kinakabahan nang napaupo si Cylu dahil maya-maya na ay papunta na ang magulang ni Nicole. Her tears flow as a water falls.
"Damn..." She unconsciously bit her lower lip that made it bleed.
Nagulat naman si Reinz ng makitang dumudugo ang kaniyang labi. "Nicole, 'yong labi mo.."
She wiped her tears and avoided his gaze. "I don't fucking care," anito.
Mag-iisa't kalahati na nang dumating na ang magulang ni Nicole.
Mabilis silang pumunta sa harap ng ICU na para bang makikita nila ang kanilang anak. Kinakabahang tumayo si Cylu habang nasa tabi naman nito si Reinz.
They could see how their shoulders shake. Iyak na lang ang nagawa nila dahil wala naman silang magagawa.
"Sssh.. hon." Niyakap ng ama ni Nicole ang asawa while caressing her shoulder. "Everything will be alright." Pinaupo nito ang asawa.
She still covers her face while crying. "N-no... hon," Tumingin ito sa asawa. "Hindi ko na alam.. We're so b-busy, at hindi na natin siya h-halos makita... Tapos kung k-kailan makikita na natin s-siya.. sa ho-hospital pa.."
Ang sakit na nakikita ni Cylu sa mga mata nila ay hindi niya kinaya. "Ti...ta.." Lumapit ito sa kanila at doon lang nila napagtantong andoon pala ito.
Napalitan ng galit ang sakit sa mata ng ina at saka tumayo. "Tita Eves..." Humihikbi nitong tawag.
Ngunit sa isang sampal lang siya nito sinagot. "How dare...you? How dare y-you put her in jeopardy?! Huh, Cylu?! Paano mo naatim?!?!"
Naiyuko na lamang nito ang ulo sa kahihiyan. "Tita... k-kailangan nila ang tulong n-niya-------"
"Inalala mo ang kapakanan ng nakararami--oo! They need her! H-hindi ko...." Napaupo na naman ito dahil sa galit na nararamdaman. "..hindi ko naman 'yon ipagkakait, Cylu. Pero paano naman 'yong health ng anak ko? Ha? Did you think of her health once? Kasi sa nakikita ko, hija.. Napabayaan mo na siya, eh."
Patuloy pa ring umaagos ang kanilang mga luha. "You promised me. Y-you... You promised me that you'll take care of her. Dahil alam naman natin na.. na wala kaming oras sa kaniya, hindi ba? You know that. I know you know that. But why didn't you take care of m-my baby?"
Umatras si Cylu dahil sa labis na kahihiyan habang nakayuko pa rin at patuloy na bumubuhos ang luha. "I'm really...r-really sorry, tita. S-sorry po.."
Tumango ito at tumingala halatang pagod na pagod na. "Okay..."
Tumingin naman agad si Cylu rito nang nagtataka. "Po? Ano po?"
Their eyes met and she smiled at her. "Okay. I forgive you. But you can't see my baby again, not anymore. Sa states ko na siya ipagagamot."
YOU ARE READING
The Class In 2020 (COMPLETED)
RandomRoses are red. Violets are blue. When she says it will, believe... it's true. Start: July 22, 2020 End: August 16, 2020